10

2.1K 55 0
                                    

Chapter 10

EKSAKTONG isang buwan ng umalis ako sa Cadi La Isla. Hindi naman kasi ako nagtagal. Lalo pa ng nalaman ko na wala namang sakit ang nanay ko. Nagdahilan lang siya para masermunan ako.

“Hoy, Sierra… tulala ka na naman d'yan.” sita ni Lala sa akin.

Nakaharap ako sa laptop ko pero hindi pa man lang ako nakakapag-umpisa kahit na isang chapter lang. Ukopado ang isip ko ng ibang bagay.

“Ano ka ba? Grabe na 'yan... si Dustin pa din ba? Jusko naman, Sierra, move-on na. Madaming lalaki d'yan na maipapalit.” may halong panlulumo sa tinig niya. Marahil naiinis na siya sa pagsesenti ko kuno.

Hindi naman ganun kadaling kalimutan si Dustin. Nakilala ko siya sa bar kung saan kami madalas ni Lala. Hindi naman siya kasing gwapo ni Copper but I like him sa pagiging maginoo niya. Kabaliktaran ng mga character sa nobela ko, na masungit, mayayabang at gwapo.

Two years din na naging kami. Tapos kung kelan masaya na ako dahil gumaganda na ang carreer ko. Tsaka naman siya biglang nakipagbreak ng walang dahilan. Gusto ko siyang makita at durungin ang mukha niya. Makaganti man lang ako sa ginawa niya.

Pero hindi talaga iyon ang pinagpuputok ng butse ko. Dahil naalarma ako ay bumili ako ng pregnancy kit. Wala sa bahay si Lala kahapon kaya malaya akong nakakilos. Ngunit ganun na lang ang panlulumo ko ng isang pulang linya lang ang lumabas. Ayon sa instruction na nakasulat ay kapag nagdalawang linya, buntis ako. Inulit ko pa ng isang beses pero negative talaga ang lumabas. It happens na delay lang pala ako. Dahil dinatnan ako kanina.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nanghihinayang na walang nabuo. Wala sa loob na nahawakan ko ang impis na tiyan ko. Siguro mabuti na din 'yon dahil hindi pa ako handang maging ina, kung sakali. Mas mabuti na din dahil walang dahilan si Copper na sundan ako.

Nahuli ko ang ginawang pag-irap ni Lala. “Friend, wag mo nang alalahanin pa ang walang kwentang lalaki na 'yon. Hindi mo pa ikinukwento sa akin ang nangyari nung umuwi ka sa probinsiya n'yo.” nangalumbaba siya sa tabi ko. “Ano na? May nangyari ba sa inyo ni Copper?”

Muntik na akong mabulunan ng sarili kong laway. Inubo ako ng sobra kaya naman tumayo ako para kumuha ng tubig. Sinundan ako ng kaibigan kong tsismosa.

“Anong nangyari? May sakit ka ba?”

Nilampasan ko siya para bumalik sa kwarto ko. “W-wala. Gusto ko lang magpahinga.”

She rolled her eyes, “Ilang linggo na kitang hinayaan na makapagpahinga. May vacation-lag ka pa rin?!”

“Okay,” huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. “Sumabay lang ako kay Copper. We never talked dahil para kaming strangers sa isa't-isa. And hindi niya ako hinatid sa bahay namin.” hindi tumitinging kwento ko.

“Parang imposible naman yata 'yan? Kayo lang dalawa sa loob ng sasakyan. Tapos magkakababayan kayo. Ikaw na ang may sabi na maliit lang ang isla. At halos lahat ay magkakakilala.”

“Malay mo naman busy sa jowa niya. 'Yong ganun kagwapong lalaki. Imposible na walang jowa.”

“Single nga 'yong tao,”

“Bahala ka kung ayaw mong maniwala.”

“Lumabas ka muna.” pagtataboy ko sa kanya.

“Ano 'to, huh?”

Nag-umpisang bumangon ang kaba sa dibdib ko. Pilit kong hinayon ang direksyon ng tinitingnan ni Lala. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang hawak niya. Buong akala ko ay ang pregnancy kit na ang nakita niya.

“Bakit may calling card ka ni Copper Arrieta?”

Sinipat ni Lala ang calling card na gawa sa silver na hardbound paper. At nakasulat duon ang pangalan ng binata. Hindi naman niya dapat makikita iyon. Wala yata akong ginawa buong maghapon kundi ang titigan lang iyon.

Her eyes became wider, in surprise. “Kinuha mo 'to sa gamit niya, 'no? Sabi ko na nga ba, eh. Stalker ka din niya. Ayaw mo lang aminin.” she said, comically.

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Minsan may pagkabintangera din itong kaibigan ko. Ngunit hindi ko na itinama pa. Lalo pang hahaba ang pang-aasar niya sa akin, eh.

KAMPANTE na ako na hindi na ako guguluhin pa ni Copper. Kahapon lang ay napanood ko siya sa tv. He doesn't looked bothered like I used to believe. Baka naman nabigla lang talaga siya sa alok niya sa akin.

Pero mali na tumatakbo pa rin siya sa utak ko. Natuon ang tingin ko sa pintuan. Sunod-sunod ang katok duon. Nakatayo ang hindi ko inaasahang bisita. Mukhang kaliligo lang niya. At nanunuot ang pabango niya sa ilong ko. Bagay sa kanya ang suot niyang blue polo shirt na pinartneran ng maong. Pero mas gusto ko ang plain white t-shirt niya. Mas nakikita ko ang abs niya. Mabilis na hinawi ko ang mga usok na humaharang sa mata ko. Nakakahawa ba ang pagpapantasya? Nahawa na yata ako sa kaibigan ko.

“Copper, anong ginagawa mo dito?” mahinang tanong ko sa lalaking nasa labas.

Hindi pa man niya sinasagot ang tanong ko ay maagap na siyang pumasok sa loob ng bahay. Walang kahirap-hirap na nakalapit siya sa akin.

“Kagagaling ko lang sa practice game. At naisipan ko na dalawin ka.” nakangiti niyang sagot. Infairness, mukhang fresh na fresh ang mokong. Napukaw ang pagpapantasya ko ng magsalita siya. “Matagal na ang palugit na binigay ko sa'yo.”

“Di ba sabi ko na hindi ako magpapakasal sa'yo.” minulagatan ko siya ng mga mata ko ngunit wala siyang balak na magpatalo. “Wag kang aalis dyan may kukunin lang ako sa kwarto.” bilin ko sa kanya. Lihim akong nanalangin na sana ay sundin niya ang sinabi ko.

“Sierra,”

Kung gaano ako kabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. Ganun din kabilis na lumabas ako. Kinuha ko ang palad niya at inilagay ang maliit na puting nagpapatunay na wala siyang pananagutan sa akin.

Nakatitig lang si Copper sa PT. Habang ako naman ay mabilis ang kalabog ng dibdib ko. Anumang oras ay baka lumabas na si Lala sa kwarto niya.

Halos malaglag ang mga mata ko sa sinabi niya. “Pregnant or not, I will marry you.” mataman na nakatitig siya sa akin. Buo ang loob niya at walang bahid ng pag-aalinlangan.


Napasinghap ako ng marahas at awtomatikong napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Lala. “Sierra, sinong kasama mo d'yan? Bakit ka may naririnig akong bulungan?”

“A-ano kasi… nag… ni-rerecord ko ang i-isusulat ko mamaya. Tinatamad akong magtype, eh.” sigaw ko kay Lala. Bumalik ang atensyon ko sa binata. “Umalis ka na!” bulong ko kay Copper habang tinutulak ko siya palabas ng pinto.

Napasandal ako sa likod ng nakapinid na pintuan. Hindi na nagmatigas pa ang binata nang ipagtulakan ko siya.

“Akala ko may kasama ka d'yan, eh.” ani Lala.

“W-wala,”

Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuring tingin ni Lala. “Tara, magmeryenda? Halika ka na. Sabay na tayo nagugutom na kaya ako.”

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon