18

1.8K 43 2
                                    

BILANG selebrasyon sa pagkapanalo ng team. Nagbalak silang lumabas at kumain na magkakasama. Ngunit dahil sa suhestiyon ni Lala ay hiwalay ang table namin sa grupo nila. Maiinggit lang daw sila sa amin ni Copper. Syempre pabor kay Lala ang lahat, she had all the boys tonight.

Sumagi sa isip ko na isang malaking tulong ang privacy sa amin ng asawa ko. Makakapag-usap kami ng masinsinan. Malay ko naman at may malaman akong mahalaga sa kanya. Mas makikilala ko rin siya ng husto. Hindi naman kasi kami madalas na nakakapag-usap. Kahit magkasama kami sa iisang bubong.

“Matanong ko lang ilan na ang naproduce mong movie?”

Sandali siyang natigilan, tila iniisip kung ano ang ibig kong sabihin. Mabilis naman niyang naalala. “Ah, actually, it's my first time.”

“Bakit… I mean bakit 'yong novel ko ang napili mo?”

Ako naman ang natigilan. Mataman niya akong tinitigan. He didn't speak. Nag-alinlangan ako bigla sa kakayahan ko. Hindi kaya napilitan lang siya?

“Nung una talaga…” he paused. Tila nag-aalangan siyang magsalita. Base sa reaksiyon ng mga mata niya tinatantiya niya kung ano ang magiging reaksyon niya. So, ngumiti ako para naman mapanatag ang loob niya. Tinuloy niya ang naudlot na pagsagot. “… gusto ko lang na mapansin mo. Kaya nung nalaman ko na writer ka. Kinontak ko si Froilan, it happens na sa publishing ka niya nakakontrata. Pero nung nabasa ko 'yong nobela mo. Nagandahan ako. Don't think that I am a bias just because you're my wife. But to tell you the truth your works are worth it.”


“Really?”

“Uhmmm… I can't imagine that there's a love like Yumi and Ethan. They had a hard times being together and last 'til the hardiest. Yet their love was divine and true.”

I was mesmerize but his thoughts. May mga lalaki pa rin pala na naniniwala sa wagas na pag-ibig. Ngumiti ako sa kanya at itinuon ang atensyon sa pagkain. Hindi ko malaman kung bakit bigla akong nakaramdaman ng kakaiba. Ramdam ko din ang mga mata ni Copper na nakatingin sa akin. Ngunit natatakot akong salubungin iyon.

“May I have this dance?” his voice was pleading. “My wife…”

Hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala siya sa gilid ko. Nakalahad ang kamay at naghihintay sa magiging sagot ko. Sa pandinig ko, he sung a song, nang banggitin niya ang salitang ‘my wife’. Pinaalala ko sa sarili ko na hindi ako ang unang dapat na bumigay. I turned my gaze to Lala's table and the boys. Lahat sila nakatingin sa akin. Animo naghihintay sa magiging sagot ko.

Mariin kong nakagat ang labi ko. Kailangan kong pumayag isang sayaw lang naman. Tsaka baka maghinala sila. Nahagip pa ng paningin ko ang pagkindat ni Lala. Bago ko inabot ang kamay ng nakangiting si Copper.


“ I want to have that kind of love.” bulong niya sa tainga ko.

“H-huh?”


“Yumi and Ethan.”

Tumawa ako ng mahina. “I see.” tipid na naisagot ko. Nakagat ko din ang ibabang labi ko. Wala akong ibang maisip na matinong sagot sa kanya. Hindi ko naman maaaring tuparin ang gusto niya. Dahil hindi din ako sigurado sa tunay niyang nararamdaman para sa akin.

Baka naman hindi niya talaga ako gusto. Masyado lang akong naging assuming dahil nahawa ako kay Lala. Posible kayang one night stand lang ang nangyari sa amin ni Copper? Swerte pa din ako na pinakasalan niya ako.

Ngunit hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoong nararamdaman niya. I want an  honest answer.

“Bakit mo ako pinakasalan?” out of nowhere I threw him a stupid questions. Matagal na kaming nagsasama ngayon ko lang naitanong ang bagay na iyon. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. I whispered an apology and walked out.

“COPPER…” tawag ko sa pangalan ng asawa ko.

Nakatulala siya sa kawalan habang nakapatong ang mga siko niya sa kanyang tuhod. Animo malalim ang kanyang iniisip. Iniisip ba niya ang pag-iwan ko sa kanya sa restaurant? Hindi kaya nasaktan siya?

Sobrang o.a. naman kasi ang ginawa kong reaksyon. Magtatanong-tanong tapos mag-aala-cinderella sa pagwowalk-out. Eh, simula pa lang malaking palaisipan na talaga sa akin kung bakit niya ako pinakasalan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Siguro natatakot ako na malaman ang katotohanan na kaya niya ako pinakasalan ay dahil naaawa siya sa akin. At walang halong pagmamahal. Sana simula pa lang ay tinanong ko na sa kanya ang bagay na iyan. Para naging malinaw na kaagad sa akin ang lahat.

Kailangan ko pa siyang tawagin ng isa pang beses para makuha lang ang kanyang atensyon.


“My wi—Sierra… maupo ka.” natatarantang saad niya. Umisod pa siya sa kabilang bahagi ng sofa para magkaroon ng space at makaupo ako.


Walang salita na tumabi ako sa kanya. Pero halos idikit ko na ang sarili ko sa gilid.



“Mabaho ba ako? Hindi mo ba gusto ang pabango ko?

Gusto kong matawa sa tanong niya ngunit pinigilan ko. “Bakit mo naman naitanong 'yan?”

“Dahil lagi mo na lang akong tinatakbuhan?”


Hindi niya nailagan ang ginawa kong pagbatok sa kanya. “Sorry. Ikaw naman kasi kung anu-ano ang iniisip mo. Syempre, una kong magiging reaksyon ay ang takbuhan ka. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tsaka naiinis ako sa tuwing nangungulit ka na makalapit.”


Mataman niya akong tinitigan. “Why?”


“Dahil…” sinalubong ko ang kanyang mga mata. “…sandali nga... Bakit ba tinatanong mo 'yan? Hindi na naten kailangan pang pag-usapan pa 'yan. Ang mahalaga ngayon ay ang pagtulungan naten na maging maayos ang relasyon naten. Gusto kong totohanin ang pagiging mag-asawa naten.”


“You mean—”


Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko. Mabilis niya akong kinabig palapit sa kanya upang yakapin. Iyong tipong hindi ko na magawang langhapin ang hangin.

“Alam ko na nangako ako na susubukan ko na magwork-out ang relasyon naten. Kahit walang lo—” natigilan ako.


“I love you, Sierra Marpua.”

“M-Mahal mo ko?!” nagulat na bulalas ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis. Ngiti lang ang naisagot niya sa akin. Lalo lang naguluhan ang isip ko dahil sa sinabi niya. Ilang minuto kaming nakatitig lang sa isa't-isa. Hanggang sa walang babalang pinisil niya ang tungki ng ilong ko. 'Yan tuloy nakalimutan ko ang tanong ko. Nagpagulong-gulong lang naman kami sa sahig dahil gusto kong makaganti sa kanya.




🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon