2

3.1K 75 0
                                    

Chapter 2

Tatlong beses akong nasa shooting ng pelikula. Hindi ako masyadong lumalabas ng kwarto dahil may tinatapos akong bagong nobela. Pero si Lala ay panay ang labas at pasyal sa kung saan-saang lugar. Kung gaano ako kadedicated sa pagsusulat, siya naman ay pa-easy-easy lang. Kapag tinatanong ko naman, laging ang sagot niya ay, she lost an idea. Sabagay may stable job naman siya. Hindi katulad ko na pagsusulat lang ang inaasahan.

Nag-unat ako ng braso bago i-sinave ang huling chapter ko. Lumingon ako sa pinto ng makarinig ako ng katok. Kasunod ay ang tinig ni Lala. "Baka ma-late ka na sa lakad mo ngayon.” sigaw niya mula sa labas.

“Go away!” pagtataboy ko. Ngunit malapad ang pagkakangisi ko. Mabuti na lang at pinaalala niya ang bagay na iyon. Muntik ko ng makalimutan.

Binuksan ko ang pintuan at inip na nakatayo siya doon. “Baka naman yumaman ka na. Tama na muna ang pagsusulat na 'yan. May upcoming show ka dapat na ikaw itong magpaganda para fresh ka namang tingnan. Nakakahiya sa mga makakasama mo.”

Writer ako, hindi artista. Gusto ko sana iyong isigaw pabalik sa kanya. Ngunit hindi umubra ang naisip ko. Itinulak niya ako papasok sa banyo. "Maligo ka na."

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman ako nagtagal sa paliligo. Naabutan ko pa siya sa sala at kausap sa telepono si Glen.

Ultimo pagbibihis ko ay nakikialam pa siya. "Sabi sa horoscope mo, green dapat ang isuot mo." komento niya. At nilahad sa akin ang dress.

"’Di ba regalo sa'yo yan ni Glen?"

Tumango siya. "Oo. Last month lang pero maiintindihan naman n'ya. Tsaka pahiram ko lang naman sa'yo."

"Ayoko." pilit kong itinutulak pabalik sa kanya iyon. "Baka makilala niya sa'kin 'yan." pagtanggi ko.

"Hindi 'yan. Sige na, ito na ang suutin mo."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Wala na akong oras na makipagtalo pa sa kanya.

“Hindi ka ba sasama sa'kin?” tanong ko kay Lala, pagkatapos.

Magkasama kami sa apartment, ilang buwan na din ang nakakalipas. Dahil lumayas ako sa poder ng mga magulang ko. Good thing na pareho kaming writer dahil may kanya-kanya kaming privacy. Hindi namin ginugulo ang isa't-isa para makapagsulat kami ng maayos. Para nga kaming hindi magkakilala kapag nasa bahay.

“Wag na, doon na lang ako sa loob ng kwarto ko. Mas marami akong masusulat ngayon. Keysa naman ma-op ako sa usapan nyo ng CEO ng Film Maker at producer. Pati ng chakang director na 'yon.” aniyang tila wala sa sarili.

Kamakailan kasi ay napagalitan siya ng sumama siya sa last day ng shooting. Paano ba naman ay puro negative comments ang bukambibig niya. Hindi daw talaga magaling umarte ang bidang babae. Ang chaka daw umarte. At hindi daw bagay sa character ang actor na kinuha ni Direk. Mas gwapo pa daw ang paborito niyang aktor na si Taegan Clemeno.

Nasisiraan na yata ang kaibigan ko. Vinyage Lee is a best actor, no doubt about that. Hindi ko alam kung anong nakain niya. kung ano-ano ang lumalabas sa bibig.

Hinatid niya ako sa labas ng apartment namin. Nakasalubong ko pa si Glen. "Hi," gulat na bati ko sa kanya.

"Hi, aalis ka?" tanong nito.

Lumipat ang tingin ko kay Lala. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Habang ako naman ay pinaninigkitan siya ng tingin. Kaya ba tinutulak na niya ako paalis? At pinahiram pa talaga niya ako ng damit. Nice move, friend.

"Babe, mamaya mo na chikahin si Sierra. Baka ma-le-leyt na 'yan." aniya.

Umiling na lang ako at ngumuso sa kanya. Binigyan niya ako ng pekeng ngiti. Halos masabunutan ko na siya.

"Your dress..." wika ni Glen.

Maagap naman nakasagot si Lala. Kumapit pa siya sa braso ng kanyang nobyo. "Pinahiram ko 'yan sa kanya. Babe, sige na... umalis ka na Sierra. Ingat!" kumaway siya sa tricycle na dumaan. At hindi pa man nakakatigil ay pinagtulakan na niya ako.

Nakakahiya kay Glen. Baka isipin niya na wala akong pambili. Kaya nanghihiram na lang ako. Tsaka baka sumama ang loob niya. Kahit ako naman, kapag nakita ko na suot ng iba ang regalo ko nobyo ko. Baka hindi lang gulat ang maging reaksyon. Talagang magtatampo din ako.

---

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon