26

2K 39 0
                                    

“MAY problema, tayo… I mean, ikaw pala.”

Binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi na ba matutuloy ang movie ko? Umurong ba ang producer? Paano na lang ang marangyang buhay na gusto ko. Gusto kong patunayan kay Copper na sa mabuting paraan ko iyon makukuha. Hindi sa paraan na naiisip niya.

"Lord!" wala sa oras na natawag ni Lala ang Diyos. "Bakit ba hindi maubos-ubos ng problema ng kaibigan ko. Nandito ang mga magulang mo at hinanap ka.”

Nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Ngunit hindi naman iyon naalis. Anong ipinunta nila dito para umalis sila sa La Cadi. “B-Bakit daw?”

“Hindi ko alam. Bilisan mong pumunta dito sa sala.”

“Hija, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na mag-asawa na kayo ng anak ko. Tsaka bakit kailangang ilihim n'yo pa?” salubong sa akin ni Mrs. Arrieta.


“M-Mrs. Arrie—”


"Subukan mong tawagin ulit ako ng Mrs. Arrieta. Sinasabi ko sa'yo hindi mo na makukuha ang blessings ko sa inyo ng anak ko." birong banta ng ginang.

Handa na akong sumagot nang mula sa entrada ng apartment namin ni Lala. Patakbong lumapit ang luhaang si Mama habang nasa likod niya ang walang emosyong si Papa. Natigalgal ako, may alam na ba sila?

Sinalubong ako ng yakap ni Mama. "Anak… bakit hindi mo sinabi sa akin. Papayag naman ako kung sakali. Galing sa mayamang angkan sina Copper, hindi ako tututol."

"Ma…" saway ko sa kanya. Nasa tabi lang namin si Mrs. Arrieta. Nakakahiya kapag narinig nito. Baka isipin lang din na pera lang ang habol ko sa kanilang pamilya. Katulad ng matapobre nitong anak.


Hindi nagpatinag ang nanay ko, "Nagpapakatotoo lang ako, anak. Kahit sinong magulang gustong mapabuti ang anak nila. Ano namang mapapala mo dun sa Dustin na 'yon?" may pakumpas-kumpas pa siya ng kanyang mga kamay. "Kung hindi pa nga kayo naghiwalay. Baka nagpadasal na ako."

Lihim na lang akong napapailing.


"‘Ma, okay na." muli kong saway dito. Ngunit hindi ko pa rin nakakalimutan na may kasalanan siya sa akin. Isa sa mga araw na ito ay kakausapin ko siya.


Nahihiya akong humarap kay Papa dahil sa kasalanan ko. He just answered it with a smile, a genuine one. ”Natatandaan mo ba ang pag-uusap naten, kung bakit mahal ko ang mama mo?”

Nakatikwas ang kilay na tumingin si Aling Gilda sa kanyang mag-ama.

At hinila niya sa kusina ang nanay ko dahil baka may masabi pa itong hindi maganda.


"Patawarin mo ako sa inasal ko, hija. If I knew the truth I could been more careless with my words. Mukha lang akong istrikta at masungit. Pero hindi ako nakikialam sa desisyon ng mga anak ko. Pagdating sa personal na buhay nila. May tiwala ako sa kung sino ang pipiliin nilang mahalin. Malaya sila." naiiyak na sabi ng ginang.


Sa mga nangyari nitong nakalipas na araw sa buhay ko. Mas naging mababaw ang luha ko. Nagtubig ang gilid ng mga mata ko. Sa sulok niyon ay naaaninag ko si Lala na nagpupunas ng sariling mata.


"Tsismosa,"

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon