24

1.8K 36 0
                                    

“UY, ano ba tinatanong kita!? Sumagot ka naman. Mukha na akong tanga dito, oh.” reklamo ni Lala.

Sa totoo lang wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Ngunit napagmamasdan ko ang ekspresyon ng mukha niya. Wala lang talaga akong panahon na unahin ang pagsesermon niya. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang puso kong—sugatan.


“Sierra, sabihin mo na ang problema.” matapos ang ilang sandali ay napabuntong-hininga na lang siya. At tila sumusuko na sa pagtatanong.


Nakakadalawang hakbang pa lamang siya. Nang bigla na lang akong napabunghalit ng iyak. Hindi ko alam dahil bigla na lang nanikip ang dibdib. At pakiramdam ko gusto kong sumigaw. Ngunit ang tanging nagawa ko ay padaluyin ang mga luha sa aking pisngi. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga bisig na yumakap sa akin. Later on, I and Lala are both crying. Dinamayan niya ako.

“I lied…”

Nang sandaling wala akong ibang iniisip kundi si Copper. Kung kailan natutuhan ko na siyang mahalin. Kung kailan handa na akong mabuhay na kasama siya. Tsaka naman kami nauwi sa hiwalayan. Este, lumayas nga pala ako.


“Sabi ko na nga ba, nagdududa na ako. Noong araw na nagpaalam ka na magpapakasal kayo. Sabi ko na nga ba at may mali… 'yong mabilisan mong desisyon. Walang preperasyon parang hindi ka magpapakasal. Akala mo lilipat ka lang ng bahay d'yan sa kabilang kanto." lahat ng sermon natanggap ko sa kay Lala.

Nanatiling nakayuko lang ako. Wala akong maisip na sabihin sa kanya. Masyadong magulo ang lahat.

"Sierra, alam kong mali ang tanong ko. Pero may gusto lang akong malaman."

"Okay lang, friend."

She cleared her throat. "Bakit ka nagpakasal kay Copper? Kung hindi mo naman pala siya mahal, umpisa pa lang." naguguluhang tanong niya.

Hilam ang mga luhang tumingin ako sa kanya. "Noong araw na umalis kaming magkasama. Mangyari sa aming dalawa. It's just a mistake but his willing to take the responsibility, pregnant or not. Handa siyang itaas ang pagkatao ko."

"Pinakasalan mo lang ba siya dahil doon?"

"Aaminin ko na, gusto ko din na maalis sa kahihiyan. Paano na lang kapag nalaman ni nanay? Ikakahiya niya ako. Alam mo kung gaano kataas ang tingin niya sa pagkabirhen. She leaves with this old beliefs. Magagalit 'yon kapag nalaman niya na basta ko na lang tinapon ang mga tinuro n'ya."

"Alam mo naman din kung gaano kasagrado ang isang kasal, Sierra."

Nahihiyang tumango ako. Hindi ko masalubong ang mga mata niya.

"Dahil lang sa takot mo sa iisipin ng nanay mo. Nagawa mong magsinungaling? Lalo mo lang dinagdagan ang galit nila, kung sakali."

"Alam ko!" naiinis na wika ko.

"Friend, pasintabi lang, huh!? Hindi mo naman kailangan na magpakasal sa isang tao dahil lang d'yan. I mean... hindi mo naman kailangang matakot na bumaba ang tingin ng ibang tao sa'yo. Hindi mo kailangan ng respeto nang iba. Ako lang sapat na." pakenkoy na biro niya sa huli.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. How can she be so light? Eh, ang laki kaya ng problema ko. My marriage life was failed.


"Pero bakit naman lumayas ka kaagad? Sana pinag-usapan n'yo muna.”


“Ayoko na nga, di ba? Tsaka kasasabi ko lang na simula pa lang kasinungalingan na ang lahat. Niloko kita, niloko ko ang pamilya ko, lahat kayo.”


“Sana man lang hindi mo inulit ang nakaraan, friend.” aniya. Naguguluhang tumingin ako sa kanya. “Hindi ka sana nagpadalos-dalos sa pag-iwan mo sa kanya. Sana man lang kinausap mo siya. At sana inamin mo ang tunay na nararamdaman mo sa kanya. Mahal mo siya, di ba?”


Mabilis na dumaloy ang mga alaala sa aking isipan. Iyong mga ginawa kong sakripisyo sa kanya. Iyong muntikan ko ng pag-away sa mga fans niya. Lahat ng iyon ay nagawa ko dahil nagseselos ako. Dahil mahal ko siya.




“Iiyakan mo na lang ba 'yan? Bakit hindi ka gumawa ng paraan para magkaayos kayo.”


Pinahid ko ng likod ng palad ko ang luhang kumawala sa mata ko. “Hindi na, kahit na anong gawin ko. Hindi ko na mababawi pa ang mga sinabi ko. Nangyari na at wala ng pag-asa.”


“Sinubukan mo na ba? Dapat sa'yo, Miss No Hope ang itawag. Nasaan na ang babaeng palaban an kilala ko? Nawala na yata tila nilamon na ni Copper Arrieta. Nailnlove ka lang naging weak ka na.”

“Kanino ako kakapit? Kung iyong taong kinakapitan ko ay iyong mismong tao naman na pilit nag-aalis ng kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.”

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon