5

2.9K 60 1
                                    

Chapter 5

“Magpaganda ka naman… kaya iniwan ka ni Dustin, eh.” dagdag niya.

Salamat sa pagpapaalala niya. Huminga ako ng malalim at marahas na nagbuga ng hangin para iwaksi ang namumuong sakit sa dibdib ko. Tuwing maalala ko ang pag-iwan sa akin ng ex ko. Hindi ko maiiwasan na maiyak. Ikaw ba naman ang i-break sa text. Tingnan ko lang kung hindi ka maiyak sa sama ng loob.

Hindi ko naman kailangan na magmukmok. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na kapag iniwan ka. Ipakita mo sa taong nag-iwan sa'yo na masaya ka; na hindi siya kawalan. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Marami pa at naghihintay lang na makilala ka. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo. Nabuhay akong wala siya sa buhay ko. Kaya makakaya ko na kalimutan siya at isipin na hindi siya nagdaan sa buhay ko.

Mukhang hindi naman masama ang suggestion ni Lala. Tingin ko naman ay dapat na talaga akong mag-ayos. Mukhang napabayaan ko na ang sarili ko. Nagpunta kami sa spa at salon. Hindi pala biro ang magpaganda. Ilang oras ang tinagal namin sa pag-upo habang kung anu-anong ang inilalagay sa buhok namin ni Lala.

“Ang ganda mo na, friend.” palatak ni Lala habang dinadama ang buhok ko. “Parang hindi dumaan sa break-up, ah.”

Mahina ko iyong tinabig, “Wag ka baka mawala ang kintab.” pairap na sabi ko.

“Lumalaki na kaagad ang ulo?!”

“Tse,” natatawang sagot ko sa kanya.

Alam kong mapagbiro siyang tao. At hindi siya bitter. Panay ang pangungulit niya sa akin habang palabas kami ng salon. Kumain kami at umuwi na din para makapaghanda sa primer night.

I take rest a bit. Para naman hindi may energy ako mamaya. At hindi ako magmukhang haggard. Alas tres ng hapon ay nag-umpisa na kaming mag-ayos. Tinulungan ako ni Lala na mag-make-up, wala naman kasi akong alam pagdating doon.

Hindi kami matapos-tapos sa diskusyon.

"Ano ka ba naman?!" palatak ni Lala. "Kelangan makapal ang make-up, kasi gabi."

"Ayoko nga, baka magmukha akong clown." tanggi ko.

"Hindi 'yan." pangako niya.

Siya rin ang nasunod sa susuotin ko. Pumili ako ng simpleng damit, last week na namili ako, ayaw ko naman kasi na matalbugan ang mga gumaganap.

Umingos siya sa akin nang nakangisi. “Inimbitahan mo ba ang mga magulang mo? Si Dustin?”

Minsan gusto kong sakalin ang kaibigan kong 'to, eh. Hindi yata dumadaan ang araw na hindi niya nababanggit ang pangalan ng dakila kong ex. Siguro mabuti na din iyon. Mas madali ko siyang makakalimutan hanggang sa maging normal na lang iyon sa pandinig ko. Kapag kasi paulit-ulit minsan nakakasawa na. Yung puso mo na rin mismo ng susuko.

“How do you feel?” excited na tanong ni Lala. Nakayukom ang kanyang kamao at itinapat malapit sa bibig ko. Na tila nag-aastang reporter.

Game naman na nakipag-interview-han ako sa kanya. Kumaway muna ako at tsaka nagpakawala ng malapad na ngiti. “Mix emotions,” Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon.

Naputol lang ang tawanan namin ng dumating ng nobyo niya at nagtungo na kami sa pagdadausan ng event.

Nag-aantay na dun ang tatlo ko pang mga kapatid. “Ate,” sinalubong nila ako ng yakap. “Congratulations!” dugtong nila.

Ginulo ko ang buhok ni Spade. “Thank you,” masayang tugon ko. Bahagya pa akong sumilip sa entrance.

Tinapik ni Spade ang balikat ko. I was half teary-eyed. Lagi naman, eh. Tuwing may importanteng mangyayari sa buhay ko ay wala ang mga magulang ko. Sinamahan ko muna sina Lala at ang mga kapatid ko sa upuan nila.

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon