20

1.7K 38 2
                                    

I FEEL tired sa trabaho, sa buhay ko at higit sa lahat sa relasyon namin ni Copper. Akala ko okay na ang lahat ngunit dalawang buwan lang kami naging okay. Balik na kami sa pag-aaway at hindi pagpapansinan.


Aalis siya sa bahay na walang paalam at darating siya na wala man pagbati. Matutulog siya ng hindi man lang ako sinasabihan ng goodnigt o kaya naman sweet dreams. Walang kumain ka na ba? Kumusta ang maghapon mo? Hindi mo ba ako namis? Gusto kong maiyak sa sama ng loob. Hindi naman sa mapaghanap ako. Pero obligasyon niya yon bilang asawa.


“Kumain ka na ba?” tila may pait akong nalasahan sa bibig ko.

Ilang linggo ko na ba iyong hindi naibubulalas? Teka, tingin ko dumaan na ang isang buwan. Tanging tango ang naging tugon ng asawa ko. Kasunod ay ang pagbuntong-hininga ko. May asawa pa ba ako?



Hanggang sa wala akong magagawa kung hindi ako talikuran siya sa pagtulog. Habang pinipigilan ang mapahikbi.

Minsan, tinatanong ko sa sarili ko, kung may dapat nga ba talaga kaming ingatan at alagaan na relasyon. Hindi ko na din alam kung dumating na siya sa puntong nagsasawa na siya o ako?

“KANINO galing 'to?”


Kulang na lang ay pagtaasan ko ng kilay ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Habang may hawak na kumpol ng rosas sa kamay. Nagtatagis ang mga bagang niya, marahil sa inis. Maging ang mga mata niya ay nag-iba ng kulay.

Buong akala ko nuon ay brown ang kulay ng kanyang mga mata. Kalaunan ko lang iyon napagtuunan ng pansin. Nag-iiba ang kulay ng kanyang mga mata, depende sa mood niya. Malamlam iyon kapag masaya siya. At naging mas matingkad naman kapag nagagalit. Katulad ngayon. Ilang beses akong kumurap para lang ibalik sa sinasabi niya ang atensyon ko.

“Until we're on the promise of matrimony of marriage. No one can break it. Not even you or me.”

“Talaga lang, huh?” bulong ko. “Ngayon pa nga lang sumisira ka na. May matrimony of marriage ka pang nalalaman. Sa papel lang 'yan, uy!”

“What are you saying?”

“Hindi ako ang sumisira sa kasunduan naten. Marunong akong tumupad sa pangako ko. Ikaw ba?”

“Are you trying to imply that I'm fooling around?” nakipagsukatan na naman siya ng tingin. “Kung umaalis man ako sa bahay, sa practice game ako nagpupunta. Wala akong ginagawang kalokohan. Hindi ako sumama sa pambabae ng grupo. Wag mo akong idamay sa kanila. Kung wala man ako don… nasa Cadi ako. Dahil kailangan ako ng negosyo ng pamilya.”


Taas noo akong humarap sa kanya. “Hoy! Arrieta sumusobra ka na. Nandito lang ako sa bahay at nagpapasabog ng utak. Naghahabol ako ng deadline para sa publisher ko.” naiiritang litanya ko sa kanya. Iba kasi ang mga tingin niya.


Tiningnan niya lang ako at hindi siya nagsalita. Ngunit ang ekspresyon niya ay tila nagsasabi ng, “Look who's talking.”

Nakakainis. Naiirita ako.

“Nang-aano ka eh, 'yang mga tingin mo may ibig sabihin.” bulong ko na naman.


He smirked and gaze at me for a second. And then left me. Wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin. Tsaka ako nagpakawala ng buntong hininga.



🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon