Prologue

5.3K 106 1
                                    

Prologue

Copper's POV

Sigaw ng tagumpay ang dumagundong sa buong Arena. Habang paulit-ulit nilang sinisigaw ang Blazing Eagles.

"We love Blazing Eagles!"

"Copper Arrieta, marry me!"

Ngumiti ako at kumaway sa lahat ng fans ng aming team. Ilang interview din ang sinagot namin, bago kami nabalik sa loob ng locker ng aming kupunan. Naabutan ko silang nagbabalak na naman na pumunta sa bar. Panay ang tudyuhan.

"Copper, d're, sama ka?" tanong ni Billy—ang shooting guard.

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay kumuha ako ng tuwalya. Inalagay ko iyon sa balikat ko at nagpunta sa shower room.

"Hindi ka na naman sasama?" nadidismayang hiyaw ni Art—point guard.

"Wag n'yo ng yayain pa 'yan. Hindi pa 'yan nakakamove on kay Kath." dinig kong sabi ni Don—small forward ng team.

Naiiling na binuksan ko ang shower. Maingay na umagos sa aking kawatan ang tubig. Tumingala ako at mariing pinikit ang aking mga mata. Habang nakatuon ang palad ko sa dingding ng shower room.

Nakakapagod ang ilang oras ko na pagtakbo sa loob ng court. Siguro nga ay kailangan kong libangin naman ang aking sarili, kahit sandali lang.

Kalmado ang paligid paglabas ko sa parking lot. Wala na ang sandamakmak na fans. Nakahinga ako ng maluwag. Mahirap kasi sila minsang takasan. Ilang hakbang pa lang pero pinatunog ko na ang sasakyan ko, para mabuksan. Inihagis ko sa backseat ang dala kong duffel bag. Umikot ako sa driver seat at nang hustong makapasok ako ay mabilis kong pinasibad ang makina ng aking kotse, paalis.

Wala pang kalahating minuto pero nasa Alco Bar na ako. Maingay, mausok at makapal na umpukan ng mga tao ang naabutan ko.

"D're, himala! Nandito ka na." natatawang salubong sa akin ni Billy, bago ako tinakip sa aking balikat. "Teammates, nandito na si Arrieta!"

Sunod-sunod na lumapit sa akin ang iba pa. Mukhang hindi talaga sila makapaniwala, na nasa harapan na nila ako. Puwesto na ako.

"Tagal nyong hindi nagawi dito, Sir." anang bartender. "Congrats!"

Tumango lang ako.

Si Billy ang sumagot. "Brokenhearted, d're."

"Loko ka," angal ko.

Napangiti lang kami sa kanya. "Oo nga, one month din nga akong nawala." sagot ko.

"Hanap na lang kayo ng bago, sir." nakangiti niyang biro. Habang nagsasalin ng rhum.

"Hindi pa."

Nagsalubong ang mga mata namin ni Billy, umiiling siya habang may nakakalokong ngiti. Habang nakasilip siya sa baso. "Naku! Mukhang malabo 'yang sinasabi mo. Mahirap kalimutan ang mga katulad ni Kath. Seksi na, maganda at talented pa. Saan ka pa? 'Yong mga ganung tipo kasi dapat hindi pinapakawalan, Copper. Pero anong ginawa mo parang ikaw pa ang naghatid sa tamang tao para sa kanya." walang prenong wika niya.

Umigting ang panga ko. Lihim ko pang naikuyom ang aking kamao. Kung hindi ko lang siya kaibigan, malamang na kanina pa napahalikan ang kamao ko sa nguso niya. Alam ko naman  na biro niya lang iyon.

Muli kong naramdaman ang pagpukaw na takip sa aking balikat. "Si Kath, d're." turo ni Don.

Natuon ang pansin ko sa mga naglalakad. She swayed her hips, gracefully, everytime she walked. Para bang hindi siya aware na marami siyang naaakit dahil doon. Maganda sana, kaso mukhang hindi marunong ngumiti. Habang nakatawa naman ang kanyang kasama at bumabati sa mga nakakasalubong nila.

"Chicks!" mahina pang napaungol si Billy. "Mukhang jackpot ako ngayon." dagdag pa niya. Habang nakatingin sa direksyon kung saan ako nakatingin.

"Hi, Copper!" nakangiting bati nito. Malapad ang ngiting ibinigay niya sa akin. Kasunod ay ang paglapat ng kanyang malambot na pisngi sa mukha ko.

Malamig na nakatingin lang ako kay Kath. Binalewala ko ang kanyang presensiya. Tensyonado na nag-iwas siya ng tingin. Bumaling siya sa mga kasamahan ko. "Anong meron? Why are you all here?"

"Ano pa nga ba?" mayabang na balik-tanong ni Billy.

Naging malungkot ang bukas ng kanyang mukha. Hindi na ako magtataka, hindi ba at hindi naman niya talaga akong sinusuportahan sa aking career ko. Mas mahalaga ang buhay niya kesa sa relasyon namin.


"Congrats!" simpleng wika niya, nakasimangot.

"Ikaw, sinong kasama mo ngayon?" si Art.

Lumingon siya sa kanyang likuran. Awtomatikong napalitan ng masayang ngiti ang kanyang mukha. She's looking at her companions that heading on our way. "Mga friends ko. Crissa, c'mon, hurry up!"

"Hello, guys!"

"Hi," koro na sagot ng mga kaibigan ko.

"Pa'no sa... table na lang namin kami." she cocked her head. "Sunod na lang k-kayo." nahihiyang bigkas niya. Ni hindi siya makatingin sa mga mata ko.

"Bye, girls, sunod kami mamaya." ani Billy habang kumakaway. "Ano?" tanong niya sa akin.

"Hindi na."

"Anong hindi na?" he growled. "Alam mo naman na matagal na 'yong nagpaparamdam sa'yo. Baka nga sinasadya ka niyang sundan."

"Matagal na kaming tapos." mariing kong sabi.


Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nagawang iwan ni Kath. Seryoso ako pagdating sa babae. Pero sinayang lang nito. Nakakita siya ng bago at nang iniwan siya, gusto niya naman akong balikan.

"Kung ako sa'yo susungggaban ko na 'yan. Pero asahan niyang hindi na ako magseseryoso." sabi naman ni Art.

Umiling lang ako. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming magkakaibigan. Nangibabaw ang maharot na musika sa paligid.

"Mukhang tinaman ako ni Kupido." mayamaya ay anas ni Billy.

Hinayon ko ang tinitingnan niya. Kumunot ang noo ko nang mapagmasdan kung sino ang babaeng sinasabi ng katabi ko. Mabilis ko siyang nakilala. Ayon sa memorya ko ay nakilala ko siya, anak siya ng driver ni daddy. Bihira ko siyang makita kapag umuuwi ako ng Isla La Cadi.

"Lapitan mo na." pag-uudyok ni Don, dito.

Ngumisi ng malapad si Billy at pinasadahan pa ng kanyang kamay ang kanyang buhok. Akmang ihahakbang na niya ang paa, nang magsalita ako.

"Albor ko na 'to, d're." mahinang anas ko.




🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon