15

1.9K 47 1
                                    

ANG walanghiya at balak pa akong isahan. Mabuti na lang mabilis akong kumilos. Bago pa niya maisakatuparan ang binabalak niya. Awtomatikong lumipad ang mga palad ko sa pisngi niya. Ngunit tila balewala lang iyon sa binata.


“Sierra…” boses ni Copper ang pumukaw sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. “I will not saying sorry for kissing you. You're my wife, right?”

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Nang marinig ko ang boses niya. Ang mga paruparo ko sa tiyan ay hindi mapakali. Parang nasabik ako bigla na makasama siya. Iyong tipong malapit na malapit siya sa akin. Awtomatikong gumalaw ang ulo ko at marahang tumango. Nang mapagtanto ko ang ginawa ko ay kinagat ko ang ibabang labi ko.


Huminga muna ako ng malalim at naghanda ng ngiti. Tsaka ko siya nilingon. “Aalis ka na?” mariin kong nakagat ang labi ko. Ang hirap pa lang magpanggap na parang wala lang. Naalala ko kasi ang pagtangka niyang halikan ako—as in sa labi—kanina. Ngunit pinanatili kong normal lang ang nangyari.



Tumango siya bilang tugon sa tanong ko. Akmang hahalikan niya ako sa pisngi pero umiwas ako. “W-wag na, babye na lang.” pag-iwas ko. I waved my right hand, my cheeks heated, highly.


Nakakunot noo ang kumag. Hindi yata niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Malalaki ang ginawa kong paghakbang palayo sa kanya. Hindi ko nagugustuhan ang reaskyon ng katawan ko. Hindi pwedeng umoo lang ako palagi sa kanya.


Halos hindi na umabot sa pandinig ko ang pamamaalam niya. Nang makaalis si Copper, nagkulong na lang ako sa kwarto. Bakit ba ako nagkakaganito?


“Hindi kaya…?”



Inalisa ko sa isip ko ang mga nararamdaman ko. I mean, iyong nararamdaman ng taong inlove. Hindi naman mahirap mahalin ang isang Copper. He's responsible, sweet and gorgeous. Hindi malayo na magkagusto talaga ang isang tulad ko sa kanya. We're on the same house. Malaiit lang ang iniikutan namin. Posible kayang inlove ako?


Inilatag ko ang sarili ko sa kama. Nag-umpisa lang naman ang lahat ng ikasal ako sa kanya.

“I pronounce you husband and wife.” anang judge na nagkasal sa amin. “You may now kiss the bride.”



Nagrigodon ang puso ko at tila sabik sa gagawin ni Copper, na ngayon ay asawa ko na. Mabilis lang naman ang halik na iyon. But my bones, chilled.

“He kissed me,” napunta ang mga daliri ko sa labi ko. At dinama ko iyon. Pakiramdam ko ang nakadikit pa rin ang labi niya sa akin.



Bigla akong bumangon habang ginugulo ko ang buhok ko. “Gusto kong lagi siyang nasa malapit pero kapag nasa tabi ko na siya gusto kong umiwas.” nahawak ko ang dibdib ko. “Ito naman kasi bakit ka ba nagwawala kapag nasa malapit si Copper.”



Muli akong nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Bakit ba niya ako pinakasalan? Mahal niya kaya ako?



Ilang minuto akong nakatitig lang sa kawalan. Hindi naman ako inosente. Alam ko ang mga sintomas ng inlove. Pero kailangan ko munang makasiguro.






“BAKIT bigla ka na lang nagyaya dito?” naguguluhang tanong ni Lala. “Tapos mo na ba ang nobela mo?”



Sa halip na sumagot ay hinila ko siya sa isa sa mga stall ng mga damit, na may sikat na brand name. Mamimili ako ng mga bagong damit para sa OPLAN: PAAMININ SI COPPER. At syempre kailangan na may konting akitan. Kailangan siya ang maunang umamin na mahal niya ako.  Nagkaroon ng kakaibang sigla ang katawan ko, sa isipin iyon.


Hindi ko maaaring sabihin kay Lala ang plano ko. Wala siyang ideya kung bakit kami nagpakasal ni Copper.


“Wag ka ng maingay. Tulungan mo na lang akong pumili.” sita ko sa aking kaibigan.


“Okay,”



Matapos namong maglibot sa buong mall ay nagreklamo si Lala. Kaya naman kumain muna kami sa isang food stall. Sinabihan pa niya akong kuripot dahil duon ko lang siya dinala.

“Naubos na ang pera ko.”

“Hindi ka ba binigyan ng credit card ng yayamanin mong asawa? At nagkukuripot ka d'yan.” maarteng talak ni Lala.

Hindi ko naman kailangan na gamitin pa iyon. Kunwari lang ang set-up namin ni Copper. Hindi makatarungan na gastusin ko ng bongga ang pera niya. Napahinuhod ko naman ang kaibigan ko na next time ko na lang siya ililibre. Sa Alco bar, her favorite place. Natuwa ang bruha. Oorder daw siya ng pinakamahal at pinakamatapang na inumin.



Iniba ko ang usapan, nanawa na kasi ako sa pagkukwento niya na namiss niya ang mga lalaki duon. Ang landi talaga! Inilahad ko sa kanya na gusto kong manuod ng tournament nina Copper. At katulad ng inaasahan ko ay hindi siya makapaniwala.


“Ano ka ba naman, syempre, asawa ko siya. Kaya kailangan ko siyang suportahan.” balewalang pahayag ko kay Lala.


Kawawa naman ang kaibigan ko. Wala siyang kaalam-alam na hindi naman talaga kami nagmamahalan ni Copper. Na isang palabas lang ang lahat.




“Himala,” turan niya na may kasamang pag-irap. “Ni minsan hindi kita nayaya duon. Lalo na nung naging asawa mo si Copper, my loves. Nagtataka nga ako kung bakit ang bilis ng pangyayari at pinakasalan ka niya.” makahulugan ang pinukol niyang tingin sa akin.




Dukutin ko kaya ang mga mata niya. Pabalik na umirap ako sa kanya. “B-Busy ako sa mga nobela ko.”


“Talaga!?”


“Pero ngayon naisip ko na magfocus muna sa kanya.” bahagya akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Kapag sumasagi sa isip ko na magiging totoo na kaming mag-asawa hindi lang sa papel. “Gusto kong kasama niya ako sa lahat ng tagumpay niya.”


Hindi napigilan ni Lala ang matuwa, pumalakpak pa siya. “Kailangan ko pa lang samantalahin ang pagkawala mo. Kakarerin ko ang pagsusulat.”

“Tumigil ka! Sasamahan mo ako na magcheer sa asawa ko.”

“Grabe ka! Kaibigan ba talaga ang turing mo sa'kin?”


Pinandilatan ko siya ng mga mata. Sana naman ay nakuha niya ang gusto kong iparating.


“Para naman kasing ayaw mo na sumikat ako.” nakalabing bulong ni Lala.

Hinila ko ng mahina ang buhok niya. Maarteng umaray siya. “Sira! Hindi ganun 'yon. Ikaw 'yong number one fan, di ba? Kaya kasama ka dahil tuturuan mo akong maging fangirl.”


“Graduate na ako. Ikaw naman ngayon tutal ikaw ang asawa.”

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon