Pt. 2

58.3K 791 18
                                    



REECE was not going to even try to justify or defend what he was about to do. Alam niyang mali na magsamantala sa kahinaan ng isang babae. Maaaring lasing siya sa kasalukuyan pero alam pa rin niyang mali iyon nang mga oras na iyon. He'd been so mad that night na wala siyang maramdamang awa, surot ng konsiyensiya o munti mang pakialam.

He couldn't even blame it on his circumstances, and he was not going to. It had been a really horrible year. Puwede niyang subukang kumbinsihin ang sarili na wala naman siyang masamang intensiyon sa nangyari, na hindi niya ginustong ikapahamak iyon ni Nailah. Na hindi niya iniisip na masasaktan niya ito.

Well, bakit naman ito masasaktan? She'd been paid to do this job. Para nga lang kay Falcon, the Flying Fucking Falcon Sabatu, at hindi sa kanya--Reece 'The Grease' Hosmillo, the second fiddle. Pero ano ba ang ipinagkaiba niyon? The Flying Fucking Falcon was dead to the world... at ubos na ang lakas sa girlfriend pa lang nitong supermodel na muse ng kanilang team para sa conference na iyon.

The goddess Alexa, so prim and so proper... Who would have thought na bago ang ace player ng Cola Sizzlers na si Sabatu ay napagsawaan na ito ni Reece Hosmillo?

Well, that he didn't think it would really hurt Nailah was probably a lie. Something in Reece snapped that night, nang aksidenteng dumulas sa mga labi ng lasing na nilang assistant coach na ite-trade siya para sa isang sophomore sa PBA who had the makings of an MVP. Sumusunod sa yapak ng idolo nitong si Falcon Sabatu.

Dahil sa isang injury sa tuhod na nangyari early this year, nabawasan ang minutes played ni Reece. At ngayon, ite-trade in siya sa isang bagito.

Bagsak na ang lahat ng kasamahan niya nang maalala niya si Nailah. Nasa loob pa rin ito ng higanteng kahong pinaglagyan niya rito kanina! Napamura siya at dali-daling pumasok sa isa sa tatlong silid ng penthouse unit ni Falcon. Binuksan niya ang box at nadurog ang puso nang makita ang kaibigan ng pinsan niya.

Kapit sa patalim si Nailah kaya pumayag sa noong una ay pabirong offer ni Sabra na ito na lang ang gawing 'regalo' sa birthday boy. Ayaw sanang pumayag ni Reece. The girl was too innocent, too fragile-looking, pero hindi ba't iyon naman talaga ang ideya? She was not exactly his type, mas type niya ang isa pang kaibigan ni Sabra na si Dirie--bold and outgoing. Ayaw niya sa mga babaeng parang hindi makabasag-pinggan dahil sa experience niya ay nasa loob ang kulo ng mga ganoon. They were usually the cunning ones.

Gaya ni Alexa.

Nang maalala na kasama ni Alexa si Falcon sa kama nang mga sandaling iyon ay bumalik ang ngitngit sa dibdib ni Reece. Falcon was his friend pero sa mood niya ngayon, lahat ay kaaway ang tingin niya.

Nakatulog na sa higanteng kahon ang pobreng si Nailah, naka-fetal position. Napabuga ng hangin si Reece at tuluyang sinira ang box bago kinarga ang babae. Naalimpungatan ito at narinig niyang suminghap pero hindi nagreklamo. Ikinawit nito ang mga braso sa batok niya at hinayaan siyang kargahin ito palabas ng penthouse ni Falcon, deretso sa kotse niya sa carpark.

Iniuwi niya si Nailah sa sarili niyang condo hindi kalayuan sa building na pinanggalingan. From that moment on, Reece went willingly along with what his baser instincts were driving him to do.

"We're not renewing your contract..." Paulit-ulit sa pandinig niya ang boses ng assistant coach ng Cola Sizzlers.

The management didn't owe him anything. Talaga namang mae-expire na ang kontrata niya sa Cola Sizzlers bago magbukas ang susunod na conference. He had foolishly assumed it would be renewed, not really expecting the injury would have much impact dahil bumabawi na naman siya ngayon.

"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon