Pt. 1

97.7K 997 32
                                    



"SERYOSO ka ba talaga, Nai? Baka hindi mo kayanin." Alalang-alala kay Nailah Roman ang kaibigan niyang si Desiderata Tagumpay, 'Dirie' for short. Kaharap niya ito at ang isa pa niyang best friend na si Sabra Hosmillo.

May 'huddle' sila nang gabing iyon, kung kailan niya isasagawa ang kanyang 'Oplan: Cherry Pop' bago pa siya mapagsamantalahan ng batang boyfriend ng kanyang Tita Sarah na siyang nagpalaki sa kanya.

Anak siya sa pagkadalaga ng mama niya na ate ni Sarah. Hindi niya kilala ang kanyang ama at hindi na nagkaroon ng pagkakataong malaman ni pangalan niyon dahil noong seven years old siya, namatay sa lung cancer ang kanyang ina. Naiwan nga sa Tita Sarah niya ang obligasyong palakihin siya. Nailah could not say her auntie did a good job, pero at least hindi siya lumaking namamalimos sa lansangan.

Impassive ang relasyon nilang magtita. Ibinibigay nito ang mga pangangailangan niya at hindi naman niya masasabing minaltrato siya although maliit pa lang siya ay talagang parang alila na ang tingin nito sa kanya. Pabigat sa buhay nito. Siya ang sinisisi ng matandang dalaga kaya raw hindi agad nakapag-asawa. Ngayong thirty-nine na ito at siya naman ay kakatuntong lang ng eighteen, bigla itong nag-uwi ng boyfriend sa bahay nila.

Nasa twenties lang si Devon, ang boyfriend ng tita ni Nailah. Guwapo, matangkad, makinis... at mukhang certified gigolo. Kutob nga niya ay callboy ito sa Quezon Avenue kung saan nagtatrabaho ang tita niya bilang manager ng isang high-end na bar na pang-adult. Sa una pa lang, pansin na niyang mainit ang mga mata ni Devon sa kanya. Three weeks na ito sa kanila at last week, pinagtangkaan siya nitong gahasin. Mabuti na lang at may cutter siyang katabi lagi sa pagtulog dahil praning nga siya sa binata. Nagurlisan niya ang braso nito at suwerteng nakatakas.

Pinatulog siya ng butihing kapitbahay nila sa bahay ng mga ito hanggang sa dumating ang Tita Sarah niya mula sa trabaho. Hindi nagsumbong si Devon sa tiyahin maski inasahan niyang babaliktarin siya nito. Hindi rin siya nagsumbong, pero plano na niyang lumayas sa bahay ng tiyahin bago pa siya mapariwara. Ang problema lang niya, wala siyang pera.

Saka naman dumating ang pagkakataong magkaroon ng malaking pera. At hindi niya iyon palalampasin dahil hitting two birds in one stone iyon. Isa sa mga hottest PBA players na crush niya ang makaka-pop ng cherry niya sa halip na si Devon, plus magkakapera pa siya.

"Parang nagsisisi na ako na nairekomenda pa kita kay Kuya Reece," sabi ni Sabra na ang binanggit ay ang pinsan nitong basketball player din at teammate ni Falcon Sabatu, ang tinaguriang 'The Flying Falcon' ng Philippine Basketball Association. One of the highest-flying players who ever lived daw, hindi lang basta sa PBA.

Napabuga ng hangin si Nailah. Mas gusto niya si Reece 'The Grease' Hosmillo kaysa kay Falcon Sabatu. Si Reece na kasing-smooth daw ng wheels na laging may grease. Most noted ito sa playmaking, ball-handling skills at effortless shooting. Sa loob ng nakaraang ilang taon, pumailanlang ang career nito at nanguna sa liga pagdating sa assists. Isa rin ito sa mga top players pagdating sa three-point field goals.

Sa hardcourt, super-suwabeng gumalaw si Reece kaya nga ito nagkaroon ng moniker na 'Reece The Grease.' He was so calm and collected, deadly quiet. Polite sa mga interviews, but when he stared into the camera, it felt like he was looking right through you. Hindi na rin iilang beses na nabalita ang volatile temper ng lalaki kapag nasa labas ng basketball court.

Iba ang dating ni Reece kay Nailah pero super secret ang crush niyang iyon, bawal malaman hindi lang ni Sabra kundi maski si Dirie. Sinarili na lang niya iyon, lalo pa't maraming kuwento si Sabra tungkol sa kalokohan ng pinsan sa babae. 'Smooth criminal' daw ito in and out of the court, ayon kay Sabra.

Nai-intimidate si Nailah sa lalaki. Bihira itong ngumiti, and while he doted on Sabra, mukha itong suplado lalo na sa kanya. Isang beses pa lang niya itong nakaharap at halata nang hindi ito interesado sa kanya. Sa tingin niya ay si Dirie pa ang naka-catch ng atensiyon nito, bagay na hindi nakapagtataka dahil overwhelming naman talaga ang personality ng kaibigan niyang iyon.

"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon