TO be honest, nang mga sandaling iyon ay mas mamarapatin yata ni Nailah na si Falcon na nga lang talaga at hindi si Reece ang maglulugso sa dangal niya. She imagined Falcon would have been... lighter and easier? At least, hindi kasing-intense ni Reece.
Reece made all her bones weak. It was hard to do this job when emotions were involved. Sana hindi na lang niya crush si Reece. Sana pangit na lang ito at hindi ganito ka-intense tumitig.
Naalala niya ang sinabi ni Dirie noong una nilang ma-meet si Reece sa Isabela. "Titig pa lang, orgasmic na!" Clueless na clueless ang kaibigan niya that time na inggit na inggit siya rito dahil obvious na type ito ni Reece, samantalang siya... He didn't even look at her.
Well, maybe he did look at her but he didn't really see her.
Now he's seeing you, looking at you, devouring you with his eyes--pero kumusta naman ang feeling mo? panunuya ng tinig na iyon sa utak ni Nailah.
Reece had a beautiful smile that attracted her kahit pa bihira itong ngumiti. She'd always thought he was incredibly sexy. Sekretong malupit kina Dirie at Sabra ang pagfa-fangirling niya sa lalaki. Walang kaalam-alam ang dalawang best friends niya na habang kay Falcon siya pumapalakpak, kay Reece naman siya nakaabang na mai-focus ng camera kapag nanonood silang tatlo ng laro ng Cola Sizzlers sa TV. Walang kaalam-alam ang dalawa na nanonood siyang mag-isa at wala siyang game na pinalampas. Maaga siyang umuuwi ng bahay at tinatapos agad ang mga gawain para tutok na tutok siya kapag may laro ang team ni Reece.
Madalas magyaya si Sabra na manood ng live games dahil may libreng tickets ito mula sa pinsan, pero lagi niyang tinanggihan iyon dahil hindi niya kaya ang presence ni Reece sa personal at baka ibuking lang niya ang sarili sa mga kaibigan. Idinadahilan na lang niya ang Tita Sarah niya. Bawal siyang magpagabi sa labas, pero alam niya na papayagan naman siya ng tiyahin kapag sinabi niyang pinsan ni Sabra si Reece Hosmillo at malamang na itulak pa siya nito palagi. May pagka-social climber kasi ang tita niya. Hindi na lang niya sinasabi, lalo pa't hindi rin naman nito kilala ang mga kaibigan niya. Hindi ito interesado sa buhay niya sa labas ng bahay at ayos na rin iyon kay Nailah dahil nakasanayan na niya.
Nahigit niya ang paghinga nang maghubad ng polo shirt si Reece. Iniitsa nito iyon sa kung saan, saka isinunod ang pantalon. Kamuntik pa siyang mapapikit nang mahagip ng tingin ang bukol na iyon sa boxers nito. Tuluyan nga siyang napapikit nang maupo ito sa tabi niya sa kama. Grabe ang nerbiyos niya at parang mabibingi siya sa lakas ng tibok ng mga pulso niya.
"You surprise me," sabi nito habang isinusuksok sa likod ng tainga niya ang mga ligaw na hibla ng kanyang buhok.
"Huh?"
"Well, maganda ka, bakit wala ka pang nagiging boyfriend?"
"Oh." Ikaw kasi ang gusto ko pero imposible namang maging tayo. "Wala lang."
"So... you've never really had sex before?"
Namula si Nailah at umiling. "Pero wala naman sigurong masamang maging virgin o kung anuman. Saka hindi lang naman ako ang virgin, sina Sabra at Dirie din..." Napakagat-labi siya sa pagka-defensive ng tono niya, lalo na nang matawa si Reece sa kanya.
"You speak as though it were something to be ashamed of."
Nagkibit-balikat siya. "Pinag-uusapan kasi nila sa school at kaming tatlong magkakaibigan, manang ang tawag nila sa amin."
Kinabig ng lalaki ang ulo niya paharap dito at tinitigan siya, saka ipinatong ang isang kamay sa hita niya. "Walang masama sa pagiging virgin. At ang mga lalaking kaedad n'yo, they do not know anything about women at kung paano kayo paligayahin sa kama," sabi nito na lalong nagpainit sa mga pisngi ni Nailah.
BINABASA MO ANG
"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]
Storie d'amorePikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...