Pt. 20

38.1K 741 47
                                    

PAGKATAPOS maghapunan, alumpihit na si Nailah. Nag-aalala na siya kay Willa. May sepanx pa naman ang bunso niya dahil sanay na siya lang ang katabi sa pagtulog, hindi tulad ni Cole na mas gustong makipagsiksikan sa Lolo Willy at Lola Alma nito sa sala.

"Reece, kailangan talaga naming umuwi," sabi niya. "Magpapasundo na lang kami kay Tatay Willy." Naikuwento na rin niya ang tungkol sa mag-asawang nagmagandang-loob na kupkupin siya noong ipinagbubuntis niya si Cole.

"I told you, we're talking tonight. Hindi ka uuwi."

Nagparoo't parito siya sa entertainment room ng mansiyon habang walang pakialam na naglalaro ng video game console si Cole. Panay ang kagat-labi niya dahil halos magmakaawa na si Nanay Alma sa mga text messages sa kanya. Umuwi na raw siya dahil hindi mapatahan ng mag-asawa si Willa.

"Mag-usap na tayo at huwag mo nang tanuran si Cole sa paglalaro niya," apuradong sabi niya. "Please, mag-usap na tayo at nang matapos na ito. Kailangan kong umuwi."

"Bakit ba kasi?" kunot-noong tanong nito.

"Kuwan... may trabaho ako online at hindi ako nakapagpaalam sa boss ko."

"May Wi-Fi dito, may Mac. Puwede mong gawin dito ang trabaho o pagpapaalam sa boss mo."

"Nasa laptop ko 'yong mga files na kailangan."

"I'm sure you've also saved them in an online storage," supladong sagot nito.

Napakagat-labi na naman siya. Wala talaga siyang lusot. On the verge na siya sa pagsasabi na may isa pa silang anak na naghihintay sa kanya sa bahay nang bigla itong tumayo at hinawakan siya sa kamay.

"Okay, we'll talk. Cole, will you be alright here? Mag-uusap lang kami ni Mommy."

"Opo, Daddy."

Tumirik ang mga mata ni Nailah. Kay daling natanggap ni Cole ang bago nitong pamilya. May dadaluhang charity ball si Madam Claudia at nang yayain nito ang bata kanina, sasama pa talaga si Cole kung hindi napigilan ng ama. Mabo-bore lang daw ito roon dahil puro old ang mga nasa party na iyon.

Pero alam niya na mahihirapan si Reece pagdating kay Willa. Fiercely loyal ang isang iyon sa kanya--sa kanila ni Tatay Willy, na kung minsan ay sumasama na ang loob ni Nanay Alma dahil outsider ang feeling nito sa kanilang tatlo.

Lumabas sila ng entertainment room at lumipat sa isang kuwarto malapit sa veranda. Malaki ang kuwarto, may California king bed at stripes na navy blue and white ang mga kurtina. Dark blue ang carpet at ganoon din ang beddings na may white accents lang na design. May malaking leather couch na tangerine na siya lang nagpasigla sa silid.

Sa couch siya idineposito ni Reece. "Talk."

Hindi naman siya makaimik.

"Bakit ka nagmamadaling makauwi?"

Napalunok siya at magsasalita na sana pero tinabihan naman siya nito at tinitigan.

"God, you're so beautiful..." bulong nito na hinawakan siya sa pisngi, pero umilag siya. "The hell, Nailah. May lalaki bang naghihintay sa 'yo sa Bulacan kaya kailangang-kailangan mong makauwi?"

Babae, gago, ngalingali niyang isikmat dito.

"Tell me," sabi nito na pinilit na iharap ang mukha niya rito. Ayaw pa rin niya itong tingnan. "Meron ba?"

"W-wala."

"Kung gano'n... stay. With me." Lumamlam ang ekspresyon nito. "Fuck, I've been dreaming of this moment for five fucking years. I'm gonna fuck you tonight, Nailah. You know that, don't you?"

Napasinghap siya. "Napakabastos mo," sabi niya pero kulang sa conviction.

Tinawanan lang siya nito. "Kung malalaman mo lang ang mga ini-imagine ko mula pa kanina, baka mag-melt ka."

Napalunok si Nailah. Oh, my Holly Golighty, sabi nga ng ina nito. Umiling siya. "Wala kang karapatang mag-imagine ng kung ano-ano tungkol sa akin."

"And why not? I have branded you with my child."

"Hah!" tumirik ang mga mata niya.

"I will pay you. Ilang milyon ang gusto mo?"

Umismid siya. "Ang yabang mo. Hindi mo na ako makukuha sa ganyan. Hindi ko na kailangan ang pera mo. Okay na kami."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "You're turning me on."

"Jesus, Reece! May-asawa kang tao!" Tumayo siya palayo rito.

Nakamaang na hinabol siya nito ng tingin. "Anong may-asawa? Kailan ako nag-asawa? Ba't 'di ko alam?"

"'Di ba sabi mo, 'yong fiancee mong si Colleen..."

"Ex-fiancee and she never became my wife. Hindi kami nagpakasal. She moved on and married someone else. She's now living happily ever after in the States."

Nagulat na naman si Nailah.

"I swear," anang lalaki na itinaas pa ang kamay bilang panunumpa. "I'm single." Then he smiled and added, "Single dad, apparently... and proud of it."

Napabalik siya sa couch. "Wala kang asawa?"

"Wala. Wala ring anak. Si Cole lang."

Napakagat-labi si Nailah.

"I swear, si Cole lang."

"Kaya?" pagak na tanong niya.

"I swear to God."

"Sigurado ka?"

"Yes. As God is my witness, I was never careless with other women. Never."

"Huwag kang manumpa at gamitin pa ang Diyos. Baka tamaan ka ng kidlat," sabi na lang niya na bumubuwelo na para isiwalat ang tungkol kay Willa. "May sasabihin ako sa 'yo, Reece..."

Bigla naman siya nitong hinila. "It can wait. Bilisan natin, baka hanapin tayo ni Cole," anito at inihiga siya sa couch, saka kinubabawan.

Hindi na siya nakaangal dahil tinapalan na ng mga labi nito ang bibig niya.

"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon