MABILIS na dumaan ang mga araw at kagampan na si Nailah sa pagbubuntis. Last checkup na niya iyon at anytime ay puwede na siyang manganak. Dahil sa sunod-sunod na suwerteng dumating sa buhay nila, nag-feeling rich na si Nanay Alma at ambisyosa ang peg na nag-demand na doon siya manganak sa mamahaling ospital kung saan nagpapagamot si Cole. Sagot na raw nito ang bill dahil halos buwan-buwan itong may benta at me isang buwan pa na nakadalawa ito at dalawang buwan na tatlo. Karamihan pa doon ay cash ang payment kaya thrilled na thrilled ang excited na lola.
At kay Baby Willa nito ina-attribute ang suwerteng iyon kaya dapat lang daw na paglabas nito ay maginhawang buhay na agad ang sumalubong dito. Pulos mamahalin ang mga gamit ng baby na pinamili nito, mula sa feeding bottles hanggang sa crib at stroller. Nakapagpa-extend pa ito ng kuwarto sa bahay para daw kumportable ang mga bata. Iisa lang kasi ang original na kuwarto sa maliit na bungalow. Sa sala natutulog ang mag-asawa dahil ibinigay na sa kanila ni Cole ang silid.
Ngayon ay silang mag-iina ang ookupa ng bagong kuwarto sa likod-bahay para daw hindi maingay at malapit pa sa mga halaman. May vegetable garden kasi roon ang ginang at dalawang punong-kahoy--guyabano at malunggay na parehong mayabong kaya malamig sa dakong iyon ng di-kalakihang lote.
Awa ng Diyos, hindi na rin nagkaroon ng relapses si Cole. Lahat ng nangyayari sa buhay nila ay maganda lately kaya parang naniniwala na rin si Nailah na masuwerte nga sa kanila si Baby Willa. Kung may ipinag-alala man siya in the recent months, iyon ay ang maliit na pagbubuntis niya. Kompara kay Cole na grabe ang laki sa tiyan niya, mas maliit ang ipinagbubuntis niya ngayon. Pero in-assure naman siya ng ob-gyn niya na malusog ang bata at madali raw palakihin kapag nailabas na. Nakampante naman siya dahil saan ba magmamana ng maliit na size ang mga anak nila ni Reece?
Kaya naman iwan ang size ni Cole ay dahil sa kidney disease nito, pero nag-prescribe na rin si Dr. Yasay ng injections ng human growth hormone. Nag-recommend din ito ng dietitian na titiyak na maayos at tama ang diet ni Cole. Kailangan daw kasing ma-regulate ang amounts and interactions ng nutrients mula sa kinakain, kagaya ng calcium, phosphorus at vitamin D. Para din ma-maintain ang eksaktong acid-base balance sa dugo nito.
In-explain ng dietitian sa kanila ang kahalagahan ng calcitriol, ang active hormone na tumutulong para ma-absorb ng mga buto ang tamang amount ng calcium mula sa dugo. Mula raw sa vitamin D iyon, ayon dito. Kapag impaired daw kasi ang kidneys, hindi nakakakuha ng sapat na calcium ang mga buto dahil hindi nagagampanan ng kidneys ang papel na gawing calcitriol ang vitamin D o kaya ay nahahayaan ang phosphorus na mag-build up sa dugo, dahilan para sa dugo mapunta ang calcium sa halip na sa mga buto.
"Nailah?"
Napalingon si Nailah sa tumawag sa kanya. Si Dr. Yasay iyon. Sa loob ng halos isang taong panggagamot nito kay Cole ay naging kaibigan na niya ang guwapong doktor. Sinabihan na nga niya ito na kukunin niya itong ninong ng isisilang niya.
Nasa late thirties na si Marco pero ngayon pa lang mag-aasawa. Engaged to be married daw ito pero wala pang petsa kung kailan ang kasal. Doktor din ang mapapangasawa.
"Doc," nakangiting bati niya.
"Checkup mo?"
"Yes, Doc. Due ko na next week, anytime puwede na akong mag-labor." As if on cue, bigla siyang nakaramdam ng spasm sa kanyang tiyan. Nanlaki ang mga mata niya, saka napangiwi.
"Nailah?"
"Shit, Doc... nagpakitang-gilas yata ang baby ko... Parang humihilab na ang tiyan ko. Shit..."
"Huh? Teka, sino nga ba'ng OB mo?"
"Dra. Tabao, Doc."
"Helen?"
Tumango siya at muling nanlaki ang mga mata. Naramdaman niyang tila nabasa ang inuupuan niya. Pagtayo niya, basa nga iyon.
Nagtawag na agad si Marco ng mga nurse. "Her bag has ruptured, with contractions," sabi nito. "Call Dr. Helen Tabao."
Isinakay na agad siya sa stretcher at bago pa siya nailayo ay sinabi niya kay Marco na pakisabihan ang tatay niya na nasa taxi sa parking lot ng ospital. Sinabi niya ang pangalan ng taxi. Iniutos nito iyon sa guwardiya at sumunod dali-dali sa kanya.
BINABASA MO ANG
"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]
RomancePikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...