"'TAY, 'yong diet ni Cole baka makaligtaan n'yo. Bawal ang maalat, bawal ang ma-cholesterol..."
"Alam ko na, Nailah. Titikman ko muna bago ipakain kay Cole."
"Pero in fairness, 'Tay, okay 'yang project ng Coach Gab na iyon. Libre snacks sa mga bata, marami ang matutuwa. Libre uniform pa."
"Si Reece ang sponsor n'on, anak," nakangiting sagot ni Tatay Willy.
"Ah." Hindi na siya nag-elaborate ng reply, pero nagpupuyos ang kalooban niya nang mga sandaling iyon.
"Galit ka ba?"
"Ho? Ba't naman ako magagalit?"
"Na hindi ko agad binanggit ang tungkol doon?"
Bumuga siya ng hangin. "Nauunawaan ko naman, 'Tay. Gusto n'yo lang na huwag akong humadlang sa love for basketball ni Cole."
"Paano kung magpakita siya sa court?"
Hindi siya nakasagot agad. "K-kaya n'yo nang gawan ng sagot ang tanong n'yong 'yan, 'Tay. Kayo na ang bahala."
"Iniisip ko nga iyan, eh. Ano nga ba'ng gagawin ko? Alangan namang itago ko ang bata..."
"Naku, di mas lalo naman silang mag-iisip n'on. Casual na lang ho kayo. Hindi naman siguro para que mag-isip ng kung ano si Reece."
"Sabagay. O s'ya, aalis na kami." Lumabas na ito ng bahay kung saan excited na naghihintay si Cole, panay ang dribble ng dalang bola.
Inihatid niya hanggang sa gate ang dalawa. Nang makabalik sa bahay, bumuntong-hininga si Nailah.
Pinakabata si Cole sa lahat ng mga nag-enrol sa basketball clinic na iyon. Talagang prodigy ang tingin ng mga kabaranggay nila sa bata. Nakikipagsabayan na sa mga high school students sa basketball.
Uneventful naman ang araw na iyon. Nagkuwento si Tatay Willy ng mga kaganapan--as usual, impressed na impressed daw si Coach Gab kay Cole. "Mukhang mauungusan pa daw niyan si The Grease, Nailah," sabi ng matanda. "Lalo't maagang nahasa sa basketball. Sanay na agad makipagbalyahan sa hardcourt. Sinabi pa niya na si Cole ang pinaka-talented na batang nakilala niya."
Ngumiti na lang si Nailah at tinapik sa balikat ang anak para ipakitang proud siya rito. Mukhang wala na rin naman talaga siyang magagawa para hadlangan ang destiny nito.
"Dahil sa busy schedule ni Coach Gab, hindi raw siya pupuwedeng maglagi dito sa atin para sa basketball clinic, pero sinabi niya na may ibang magte-train sa mga bata kapag wala siya. Tagamalapit lang daw," sabi ng matanda nang makaalis si Cole.
Doon kinabahan si Nailah. Hindi malayong si Reece ang tinutukoy ng Coach Gab na iyon. "Sino daw ho?"
"Si Reece mismo."
Hindi siya nakaimik.
"Tuwang-tuwa ang anak mo, Nailah."
Tumango lang siya at hindi nagkomento.
BINABASA MO ANG
"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]
RomancePikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...