Pt. 29

33.5K 617 19
                                    

SA buong stay nila sa Honeymoon Island ay parang wala nang isasaya pa si Nailah, pero sa tuwina ay nabe-break iyon nang susunod na araw. Maraming pagpipiliang pasyalan at activities doon gaya ng trekking, mountaineering, camping at pag-e-explore ng kagubatan hindi lang Maconacon at Divilacan, kundi pati sa Palanan at Dinapigue. Madalas din silang mamangka papunta sa coral reef para mag-snorkel, ang paboritong activity ng dalawang bata.

Naranasan nilang sumakay sa 'kuliglig' habang namamasyal sa kabayanan. Wala silang sawa at kabagutan hanggang sa namalayan nilang patapos na ang isang buwang bakasyon nila. Inianunsiyo ni Reece na babalik na sila sa mainland para naman asikasuhin ang kanilang church wedding.

"Ano?" shocked na reaksiyon ni Nailah. "Reece, sa tagal natin dito na hindi mo na ulit nabanggit ang tungkol doon, I honestly thought you'd forgotten all about it."

"Puwede ba naman 'yon?" Hinapit siya nito sa baywang at alam niya base sa kinang ng mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya na may binabalak na naman itong 'masama,' lalo't kasama ng dalawang matanda sina Cole at Willa sa pamamasyal sa kabayanan. "Areglado na ang lahat. Pinapili na kita ng gown na susuutin, sabi mo simple lang na walang burloloy. Beige na may kaunting gold and flamingo pink na shade... Nagpagawa ako ng tatlo, mamili ka na lang pagdating natin sa nabili kong farm sa Tumauini. Nandoon na ang lahat, naghihintay sa atin."

"Huh?"

"Bukas ang flight natin pabalik. Mga two weeks tayo doon. Nagpa-schedule na rin ako ng wedding date dahil nang tanungin kita kung anong gusto mong petsa ng kasal natin, sabi mo ay eight dahil infinity 'kamo."

Hindi makapaniwala si Nailah. Nahagip lang sa usapan ang mga bagay na iyon habang casual silang nagchichikahan. Hindi niya sukat akalaing nagta-tab pala ang loko ng mga mumunting detalyeng iyon.

"I took the liberty of inviting Cole's doctor, if you don't mind," sabi pa nito. "May ipinahanap akong tao at natagpuan naman, pero ikokonsulta ko pa sa 'yo kung gusto mong imbitahin."

"Sino?"

"Ang tita mo."

Hindi agad nakaimik si Nailah.

"You don't have to kung ayaw mo."

"Ayaw ko pa. Masyado akong masaya para bantuan ng mga pangit na alaala, lalo na at wedding ko pa."

Tumanaw na siya ng utang-na-loob sa Tita Sarah niya. Buwan-buwan siyang nagpapasok ng pera sa bank account nito na alam niya. Kachikahan ni Nanay Alma ang teller na anak ng kumare nito kaya nachika-chika nito kung nawi-withdraw raw ba naman ang pera. Oo raw naman. Dahil passbook iyon ay over the counter pang wini-withdraw ng tiyahin niya ang pera kaya natitiyak niyang ito talaga ang kumukuha niyon. Hindi kalakihang halaga, pero paraan na niya iyon para makabayad kahit papaano ng utang-na-loob dito dahil alam niyang kailangan nito palagi ng pera. Medyo materyosa ang tiyahin niya at alam niyang pera ang nagpapaligaya rito.

Alam niyang alam ni Tita Sarah na sa kanya nanggagaling ang pera. Siya lang ang nakakaalam ng account na iyon dahil madalas siyang pagdeposituhin nito roon nang matuto itong magtabi ng pera kay Devon sa loob ng saglit na panahong pagkakatira ng lalaki sa bahay ng tiyahin niya noon.

"Ganoon ba kasama ang ginawa niya sa 'yo?" tanong ni Reece.

"Hindi naman kaya lang... wala akong maramdamang pagmamahal sa kanya o anumang damdamin. Para na lang kaming magpaplastikan n'on." Isa pa, mahirap nang malaman ni Tita Sarah kung saan siya pupuntahan, lalo na't malalaman din nitong mayaman ang mapapangasawa niya. "Kumusta pala siya? Nagkaasawa pa kaya siya?"

Tumango ang lalaki. "Mas bata sa kanya. Devon Miranda. May tatlo silang anak, kambal 'yong panganay."

"Ah, mabuti naman at nagkatuluyan din pala sila." At mas lalong hindi na siya kokontak sa Tita Sarah niya ngayon dahil kay Devon. Mas okay na iyong magpadala na lang siya ng pera dahil alam niyang mas gusto nito iyon kaysa sa reunion nilang magtiya. "Okay naman ang buhay nila?"

"Sizzle" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon