Hindi niya akalain na masasabi niya sa babaeng kaharap ang kasalukuyang sitwasyon niya. Although hindi niya direktang sinabi rito ang kanyang problema. Ngayon lang sa tanang buhay niya siya nagsabi sa isang tao na may dinadala siyang problema sa buhay. Hindi niya gustong magmukhang helpless sa harap nito subalit hindi niya napigilan.
Mayroon talaga sa babaeng ito na nakapagtatanggal ng katinuan na mayroon siya. And he can’t help not to stare at her beautiful face. Naakit siya sa buong katauhan nito na kahit kelan ay hindi niya naramdaman sa kahit na sino. Maging sa kanyang asawa.
Right, sa kanyang asawa. He wanted to finally get out to the marriage na kinakulungan niya sa loob ng limang taon. Subalit paano niya ito masasabi sa kanyang asawa na walang ginawang masama sa kanya kundi maging uliran at loyal na maybahay? And she have a weak heart, a delicate one. Natatakot siyang kapag nakipaghiwalay siya rito ay siya pa ang maging dahilan ng maagang pagkawala nito.
Kahit hindi niya mahal ang kanyang asawa ay nirerespeto niya ito at naging loyal siyang asawa. Sa loob ng limang taon ay hindi niya pinansin ang mga babaeng humahabol sa kanya. Except now, siya pa ang nagbigay motibo sa isang babae.
Pansin niya kay Amanda na nagdadalawang-isip pa ito noong una na pumayag. At lalo siyang nagtaka bagama’t nasiyahan ng pumayag ito. Base naman sa nakikita niya ay kagalang-galang at karespe-respeto itong babae, ramdam niya sa hitsura at ugali nito. And his instinct never failed him.
He will set aside just for tonight the consequences of his action. Ang mahalaga ay makapiling niya kahit saglit lang ang dalagang unang kita pa lamang niya ay tumatak na sa kanyang sistema. At kung hindi siya nagkakamali ay hindi lamang sa kanyang sistema pumasok si Amanda, maging ang kanyang puso at buong katauhan ay nais nang sakupin nito.
MATAMANG pinagmasdan ni Amanda ang lalaking kaharap. Parang napaso siya ng makitang titig na titig ito sa kanya na parang may nais kabisahing parte ng kanyang mukha, dahil doon kaya bumilis ang tibok ng kanyang puso.
For goodness sake! Alam niyang mali na mahalin ang isang tao na nakatali at may pananagutan na sa iba. Pero kasalanan nga ba itong nararamdaman niya para sa lalaki? Ngayon nga lamang siya nagmahal pero bakit kay Alexis Cade pa?
“W-why don’t we go to a park or to a place that have a peaceful ambiance, Alexis? We can talk about your so called problem until morning and go home if we want to?” suhestiyon niya.
“We can merry go around, but go home? I don’t think so, I don’t feel like going home. Didn’t I told you a while ago I just want to forget my problem just for tonight and you agreed to help me, to come with me?” paalala nito sa kanya.
Dahil sa mga tinuran nito ay hindi na siya nagdalawang isip at pumayag nang sumama rito. Nagpaalam muna siya sa mga kasama niya pagkatapos ay magkasama na silang lumabas ng bar.
Pero nang pasakay na sila sa kotse nito ay parang nataranta ang kanyang utak. Hindi siya masamang babae at kahit kelan hindi niya pinangarap na bumuwag ng isang pagsasama.
“S-saan na tayo pupunta?” naisipan niyang itanong ng umaandar na ang kotseng minamaneho nito.
“Anywhere, di ba sabi mo pumunta tayo sa isang lugar na tahimik at siguradong makapagre-relax tayo? Then, doon tayo pupunta,” sabi nito habang panaka-naka ang pagsulyap sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pero ang kanyang isip ay naglalakbay. This is not right, she knew it. Iyon ang sinasabi ng kanyang isipan. Pero iba naman ang binubulong ng kanyang puso. Her heart silently telling her that she wanted to be with this man. Anywhere.
Hanggang tumigil ang kotse nito sa isa ngang lugar na tahimik at may banayad na dapyo ng malamig na hangin. Nasa ituktok sila ng maliit na burol kung hindi siya nagkakamali. Antipolo, isang lugar na parang tahimik tirhan at makatatagpo ka talaga ng kapayapaan habang tumitingin at nagmamasid sa paligid.
BINABASA MO ANG
UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)
RomanceMahal ni Amanda si Alexis, considering the fact that he already has a wife. At hindi iyon naging hadlang para magkaroon sila ng sekretong relasyon. Pero pagkatapos ng ilang pagkakataon na pagkakasaya sa piling nito ay nagawa niya itong hiwalayan par...
