CHAPTER 8

4.5K 86 0
                                    

Halos mapuno ang malaking bakuran ng mansiyon nila Stella dahil doon ginanap ang kaarawan ng ama nito.

Ang garden ay napapalamutian ng magagandang ilaw, pati ang bakuran ay de kalidad ang estilo. Masasabi niyang may magandang pamantayan si Stella sa pag-oorganisa ng ganitong kasiyahan.

Double purpose daw ang ginaganap na kaarawan ng ama ni Stella sabi ng huli. Una ay para sa pag-se-celebrate ng kaarawan at pangalawa ay dahil sa business purpose. Tamang pagkakataon ngayon para sa mga dealings, acquisition and agreements ng mga negosyante.

Nakilala nga niya ang ilan sa may-ari ng malalaking kompanya sa Pilipinas sa pagtitipon na iyon. May mga politician din sa paligid at sikat na mga personalidad.

Personal siyang inimbitahan ng ama ni Stella para dumalo sa kaarawan nito pero mas pinili niyang pangasiwaan na lang ang pag-aasikaso sa kanyang mga empleyado.

Si Stella at ang ama nito ay nasa entrance para salubungin ang mga bisitang dumadating samantalang kanina pa niya hindi nakikita si Alexis. Imposible namang hindi ito dumalo ngayon sa party ng father-in-law nito. Dapat kasama ng babae ngayon ang asawa para humarap sa mga tao. Ano na  lang sasabihin ng mga nakakakilala rito kung mag-isa lamang si Stella na nag-eestima sa mga bisita?

Pumunta siya sa bahagi ng hardin na walang mga tao pagkatapos niyang bilinan ang isa sa mga empleyado na kapag hinanap siya ni Stella ay sabihing naroon lamang siya at tawagin na lamang nito kapag may kailangan.

Gusto muna niyang mag-relax sa ganito kagandang ambiance dahil kanina pa siya nakatayo habang sige ang pagmando sa mga tauhan. Nararamdaman niya na ang pangangalay ng kanyang binti.

Napapitlag siya ng may marinig siyang yabag na papalapit sa kanya. Naalerto siya sapagkat nasa parteng madilim siya nakapuwesto at walang tao, baka may masamang loob na bigla na lamang sa kanyang lalapit. Pero napaisip din siya na wala naman sigurong magtatangka sa kanya sa lugar na iyon.

Nakahinga siya ng maluwag ng masino kung sino ang papalapit sa kinaroroonan niya. It’s Alexis.

Agad itong tumabi sa kanya ng makalapit. Hinalikan siya nito sa kanyang pisngi bilang pagbati.

Kahit hindi niya na ito tanungin ay alam niyang sa binilinan niyang tauhan ito nagtanong kung nasaan siya. Tinanong niya ito kung bakit ngayon lang dumating. Biglaan daw kasi ang pagpunta nito sa Japan kahapon dahil may emergency sa planta ng mga produkto nito doon. Suwerteng nakakuha agad ito ng biyahe pabalik sa Pilipinas kaya naabutan pa ang selebrasyon ng kaarawan ng father-in-law.

Galing pala ito sa Japan, no wonder, he looked tired all over.

Hindi na raw ito nakapagpaalam sa kanya dahil biglaan ang pag-alis nito. Iyon siguro ang dahilan kaya hindi ito nakatawag sa kanya ng dalawang araw.

-----

KALALAPAG pa lang ng eroplano sa bansa ay agad na siyang tumuloy sa dati nilang bahay. Alam niyang magtatampo ang kanyang ex-biyenan kapag hindi siya nakarating sa kaarawan nito. Mabuti na lamang at may nakuha siyang available seat sa eroplanong sinakyan, nag-chance passenger kasi siya.

This past few days this was so stressful for him, madaling uminit ang ulo niya kapag may ibinabalita sa kanya ang kanyang mga empleyado na may problema dito, may problema doon. Hindi pa niya schedule na dumalaw sa kompanya niya sa Japan pero napilitan siya dahil kailangan niyang personal na asikasuhin ang problema sa planta na kung hindi niya naayos ay malamang na ikalugi ng malaki ng kanyang negosyo.

Nakatakda kasi silang mag-supply ng mga goods sa malalaking grocery store sa bansang Japan. Mabibigat na mga kliyente ang kanilang sinusuplayan kaya ayaw niyang masira ang kanyang pangalan dahil lang doon.

UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon