GINANTIHAN niya nang kaparehong intensidad ang paraan ng paghalik sa kanya ni Alexis. Lalo niyang inilapit ang kanyang katawan rito ng lalo nitong palalimin ang halik dahilan para mangunyapit ang kanyang mga braso sa batok nito.
Gustong-gusto niya itong yakapin at halikan simula pa noong sunduin siya sa nito sa tinitirhan niyang apartment subalit nagpigil siya dahil na rin sa hiya. Kababae niyang tao kaya bakit siya ang mauunang gumawa ng motibo?
Gusto niya ding pawiin ang lahat ng pagod, lungkot, sakit at sama ng loob na nararamdaman ng lalaki. Kung siya lang ang pinalad na maging kabiyak nito ay siguradong hinding-hindi niya ito bibigyan ng anumang alalahanin. Sisiguraduhin niyang liligaya ito sa piling niya.
Ilang segundo pa bago nito tinapos ang halik. Inangat nito ang kanyang mukha at hinuli ang kanyang paningin.
“B-bumalik na tayo sa room,” parang nahihirapang saad nito pagkatapos ay tumayo na. Pagkatayo ay agad nitong inabot ang kanyang kamay at hinila siyang patayo.
Natawa siya nang pakaladkad siya nitong akayin habang binabaybay nila ang daan pabalik sa kuwartong inuupahan. Ang lakad nito ay may halong pagmamadali na para bang may kaaway itong gustong takbuhan o di kaya naman ay may gustong abutan.
Pero naputol ang masaya niyang tawa nang makapasok sila sa kanilang kuwarto. Unang pasok pa lamang niya kahapon sa cottage na ito ay nasisikipan na siya dahil sa presensiya ng kasama niyang lalaki. Nahirapan din siyang makatulog kagabi knowing na katabi lang niya itong matulog at abot kamay niya lamang.
Niyakap agad siya ni Alexis at hinalikan pagkasarang-sara nito ng pinto. Walang inhibisyon niya naman itong tinugon.
Naramdaman niyang yumakap ang mga kamay nito sa kanyang baywang at idinikit siya sa likod ng pintuan habang patuloy ang paghalik sa kanya.
Ramdam niya ang init ng kanilang mga katawan kahit pa may aircon sa silid na kanilang kinuha. Pakiramdam niya’y lalagnatin siya anumang sandali. Biglang lumambot ang kanyang mga tuhod dahil sa epekto ng halik nito.
Alam niya kung saan sila maaring dalhin ng kanilang kapusukan at inihanda niya na ang sarili sa anumang puwedeng mangyari. Dito niya lamang iaalay ang kanyang katawan, isip at puso, wala ng iba. Nakahanda na siya sa kung anumang kahantungan ng kanilang gagawin.
Bumalik ang kanyang pansin sa lalaki nang hapitin siyang lalo nito palapit sa katawan nito. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa ulap.
Noon niya pa pinangarap na makulong sa mga bisig nito, ang mahagkan ito at mayakap ng matagal. Ramdam na ramdam niya ang init ng halik ni Alexis at ang banayad na paghaplos nito sa kanyang katawan. Ano man ang mangyari bukas o ang hinaharap ay hindi muna niya iisipin, basta ang gabing ito ay para sa kanya at kay Alexis lamang. Walang puwang ang anumang alalahanin.
Dumako ang halik ni Alexis sa kanyang pisngi pataas sa kanyang punong-tainga at bumaba din agad sa kanyang leeg. Hindi niya na maipaliwanag ang nararamdaman niyang sensasyon sa ginagawa nito sa kanya. Lalo na nang igiya siya nito patulak sa naghihintay na kama at dahan-dahan siyang ihiga doon bago kinubabawan.
Naramdaman niya ng itaas nito ang kanyang pang-itaas bago pumaloob ang kamay nito sa kanyang blusa habang masuyo at maingat na humahaplos sa kanyang dibdib, sa ginawa nito ay lalo siyang nawala sa sarili. Lalong nag-init ang kanyang pakiramdam.
Napadilat siya ng bigla na lang itong tumigil sa kanya habang nakatitig sa kanyang mukha.
“Tell me you want to do this with me, Mandy,” sabi nito na puno ng pagsuyo ang tinig. Humahaplos ang isang kamay sa kanyang buhok.
She gently nodded and looked at him with burning passion written in her eyes. “Y-yes…please, just go on.”
Iyon lamang ang hinihintay nitong hudyat at pinagpatuloy na nito ang ginagawa habang hindi binibitawan ng labi nito ang kanyang labi.
BINABASA MO ANG
UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)
Storie d'amoreMahal ni Amanda si Alexis, considering the fact that he already has a wife. At hindi iyon naging hadlang para magkaroon sila ng sekretong relasyon. Pero pagkatapos ng ilang pagkakataon na pagkakasaya sa piling nito ay nagawa niya itong hiwalayan par...
