MAKARAAN ang isang linggo ay naging bisita niya si Alexis sa kanyang tirahan. Inaasahan niya na ang pakikipagkita nito sa kanya kahit natagalan ng isang linggo. Batid niyang nasa tabi ito ni Stella ng mga panahong iyon at hindi siya nagseselos. Wala siyang karapatang magselos.
Sa loob ng isang linggo ay hindi ito nawala sa kanyang isip, hinahanap niya ang pagtawag, ang pangungumusta at ang paglalambing nito. Ngayon pa lang nga ay nasasaktan na siya sa napipintong paghihiwalay nila. Paano pa kaya 'pag hindi niya na ito nakita kahit kailan?
Alam niyang masasaktan ito sa gagawin niya pero titiisin niya na lamang ang muhi nito sa kanya. Makaka-move on din ito sa kanya sa katagalan.
Baka matutunan na rin nitong mahalin si Stella kung sakali. Ipapanalangin niya na lang ang kaligayahan ng mga ito kahit siya ay maiiwang luhaan. Iyon ang dapat. Mag-asawa ang mga ito at kabit lamang siya. Nanghiram lamang siya ng sandali sa piling ni Alexis.
Alam niyang sa kalaunan ay maghihiwalay na sila nito, iyon ang consequence ng pakikipagrelasyon niya sa may asawa. At ito na ang araw na iyon.
Tiningnan niya ang lalaki, bakas ang pagod sa mukha nito at parang walang maayos na tulog sa nakalipas na mga araw.
She embraced him, ang higpit ng yakap niya rito dahil ito na ang magiging huli nilang magkikita. Ang alaala nila nito ay itatago niya at aalagaan. Ngayon pa lang ay nami-miss niya na ito, ang yakap at mga halik nito.
“We need to talk, Alexis,” sabi niya rito nang bumitaw siya sa yakap nito.
“Actually, I’m here to talk to you, too.”
“Alexis, I—” pinutol nito ang nais niyang sabihin at nagpatuloy sa pagsasalita.
“Magpagpapaalam ako sa 'yo na baka hindi muna tayo magkita this following months, Amanda. Sasamahan ko si Stella na magpagamot sa ibang bansa. Stella’s condition is deteriorating, she badly needed advance medical attention. You understand me, baby, right?”
Deteriorating? May mangyayari bang masama kay Stella at kailangan pa nitong sa ibang bansa magpagamot?
Marahan siyang tumango bilang sagot sa tanong ni Alexis. Oo, naiintindihan niya ito. Sa lawak nga ng pagkamaunawain niya ay nakahanda siyang itaboy ito palayo sa kanya.
“Look, Alexis. We need to stop it right here. Ituwid mo ang mga pagkakamali natin at huwag na huwag ka nang umalis sa tabi ni Stella. Ito na lamang ang konsolasyon mo sa pagkakasala sa kanya. H-hindi ko na kayang maging kabit mo, may nasasaktan na akong babae, Alexis. S-she doesn’t deserved this shit we are giving her,” sa puntong iyon ay nabasag na ang kanyang tinig.
Tiningnan niya ito sa mukha at pagkalito ang nasasalamin niya sa mga mata nito.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang tahimik ito na nakamata sa kanya.
“Guilty’ng-guilty na ako, hirap na hirap na din ako knowing na sumasaya ako sa piling mo at ikaw naman ay walang ibang nasa isip kundi makipaghiwalay kay Stella. Hihiwalayan mo pa ba siya ngayon sa kalagayan niyang ito? Hindi sapat ang pag-alaga mo lamang sa kanya. At ano, kapag magaling na siya makikipaghiwalay ka na ng tuluyan sa kanya at magpapatuloy na naman ang ganitong relasyon natin?
“You know, I’m sick and tired of this pathetic and boring relationship. Nakalabas ba tayo ng magkasama para mamasyal? Mag-date? Hindi, di ba? Kasi iniisip natin ang sasabihin ng taong makakakita sa atin, na baka may magsumbong kay Stella.”
Habang tinititigan niya ito sa mga mata ay unti-unti niya nang nakikita ang sakit sa mga mata nito. Tinitingnan pa rin siya nito nang may pagtataka. Iniisip siguro nito kung bakit nasasabi niya ang mga bagay na katulad nito ngayon. But she needed to do this, she knew that Alexis love her kaya ito lamang ang tanging paraan niya para itaboy ito—ang saktan ito.
“Napakatanga ko para pumatol sa isang tulad mo na may asawa na, na alam ko sa huli ay iiwan din ako at hihiwalayan para makipagbalikan sa kanyang asawa. Iyon ang gagawin mo, di ba, Alexis? Hindi man ito ang gusto mo ngayon pero someday maiisip mo rin na dapat lamang tayong maghiwalay.”
Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi siya nautal sa mga sinasabi. Pero ang hindi alam ni Alexis gusto na niyang manlupaypay sa tindi ng nararamdaman.
“Iyon ba ang pagkakakilala mo sa akin, Amanda? Na hihiwalayan ka rin sa huli? Kung 'yan ang inaalala mo, Amanda, I’m assure you, hinding-hindi mangyayari iyon,” sabi nito ng makahuma. Gusto niyang magbunyi sa sinabi nito.
Ipinaglalaban talaga nito ang relasyon nila. Pero gustuhin man niyang matuwa sa sinabi nito ay pinigilan niya. Hindi niya dapat ito pansinin. Kailangang matapos na ang kanilang relasyon ngayon.
“Really, Alexis? But do you know what is inside my heart that I just realized this past few days?” nagtatanong ang mga mata nito ng balingan niya.
“I just realized that I don’t love you that much. Napag-isipan ko kasing wala akong makukuha sa iyong maganda kundi ikalulubog ko pa,” nilangkapan niya na ng sarkasmo ang tinig.
Nang siguro’y mag-register ang mga sinabi niya sa isip nito ay agad ang pagbago ng expression nito. Sa punto ring iyon ay naging mabalasik ang anyo nito. Hinawakan siya ng mahigpit sa braso at idiniin sa pader.
“What did you say? Did I hear you right, you don’t love me that much, huh?” nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
For the moment there ay gusto niyang matakot sa nakitang madilim na anyo ng lalaki. Pero nakita niya na ang ganoong anyo nito noon sa garden nila Stella. Nakakatakot lang naman ang hitsura nito pero hindi nito magagawang makapanakit. Lalong-lalo na sa kanya.
“Yes, I don’t love you that much. Makikipagrelasyon na lamang ako sa walang sabit na hindi katulad mo.”
“You’re kidding, right?” seryoso ang mukha nito ng tumitig sa kanya. Umaasam na bawiin niya ang kanyang mga sinabi.
“No, I’m not, I am sorry,” pinanatili niyang matatag ang kanyang anyo.
Lalong dumilim ang anyo nito dahil sa sinabi niya. Napatiim-bagang din ito at kinalas ang pagkakahawak sa kanya. Siya naman ay nanatili sa gilid ng pader.
Parang kakawala ang galit nito at magiging bayolante anumang sandali. Pero kahit ganoon ang anyo nito ay nakita niya pa rin ang pagbalatay ng sakit sa buong sistema nito. She had to admit, she’s hurting, too.
Gusto na niyang humagulhol sa harap nito subalit hindi niya maaring gawin iyon. Baka makahalata itong umaarte lamang siya sa harap nito.
“Why, alam na alam mo kung paano ang bumilog ng isang tao, Amanda. Napaniwala mo ako na mahal mo, napaniwala mo ako na kahit anong mangyari ay hindi mo ako iiwan. I’m such a pathetic fool to let you do those things to me.”
BINABASA MO ANG
UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)
RomansMahal ni Amanda si Alexis, considering the fact that he already has a wife. At hindi iyon naging hadlang para magkaroon sila ng sekretong relasyon. Pero pagkatapos ng ilang pagkakataon na pagkakasaya sa piling nito ay nagawa niya itong hiwalayan par...
