CHAPTER 4

5.9K 112 0
                                        


HE was so happy to be with Amanda in this beautiful place with guilty no more. Ilang linggo niya ring hindi nakita ang dalaga pero worth it naman dahil may mga inasikaso siya na may kinalaman sa kanila ni Stella. Hindi niya pa magawang banggitin kay Amanda dahil pina-process palang ang paghihiwalay nila ni Stella.

Tanda niya pa ang naging pag-uusap nila tungkol dito…

Hindi namalayan ni Stella ang paglapit niya rito dahil parang nasa malayo ang isip nito habang nakatunghay sa kung anumang hawak-hawak .

And when he saw her face, it was devoid of sadness. Tears running down her face as she continually staring at the picture. Yeah, larawan nga ang nakita niyang hawak nito.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niyang kahit na nakangiti ito ay nababakas ang lungkot sa mga mata nito. Maging ang pangangatawan nito ay parang may nagbago, hindi niya alam kung pumayat ba ito o ano. Is she ill again?

Nang tumikhim siya ay dali-dali nitong pinunasan ang luha gamit ang kamay. Nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti na.

“Sorry, may naalala lamang ako,”.

“There’s no point in hiding. C’mon you can tell me,” aniya at umupo na sa kama nito. Sa mga unang buwan lamang ng kanilang kasal sila nagsama sa iisang kama. Nang malaman nilang bawal rito ang manganak ay naghiwalay na rin sila ng tulugan.

And they both didn’t mind that set-up.

Ngayon gabi ay balak niya itong kausapin tungkol sa kanilang pagsasama. Alam niyang mahal siya nito at may concern ito sa kanya. Pero alam niyang ibang klaseng pagmamahal iyon katulad ng pagmamahal na nararamdaman niya rito.

Pagmamahal iyon katulad ng sa magkaibigan o ng sa magkapatid.

“Alam mo bang kinasal ako two years bago tayo kinasal? I was twenty-three then,” nakangiti  pa rin na sabi nito habang tila nagre-reminisce nang nakaraan.

Hindi niya alam na kinasal pala ito bago sila ikinasal kaya lihim siyang natigilan. Well, that explains na hindi niya pa talaga kilala ang kanyang pinakasalan. Ganoon din naman siya, hindi siya nagkukuwento ng buhay niya rito.

Nang umiling siya ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.
“I was in the States when I met my husband, we both fell in love and then decided to get married there without knowing my parents. Sabi ko, saka ko na lang ipakikilala si Steve sa kanila kapag umuwi na ako ng Pilipinas. Mahal na mahal ko siya kahit sandali ko pa lamang siyang nakakasama,” pumiyok na ang boses nito sa huling pangungusap na binanggit.

Alam niya ang nararamdaman nito dahil iyon din ang naramdaman niya sa ilang sandali lamang na nagkasama sila ni Amanda.

So that explains why. Pakiramdam talaga niya rito noon pa ay hindi siya minahal nito o kung gayon man ay ibang klaseng pagmamahal ang nararamdaman nito sa kanya. At sa nakikita niya ay magpahanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang yumaong unang asawa.

“Were on our way to my parents house when someone crazy bastard shoot him. Hindi talaga para sa kanya ang balang tumama sa kanya pero siya ang namatay. That same day I wish to God, that He take me too, para magkasama na din kami ni Steve.”

Nakapagtatakang ngayon lang ito nag-open up sa kanya pagkatapos ng limang taon nilang pagsasama. Hindi niya akalain na may lungkot itong itinatago sa dibdib. Hindi niya nahalata dahil tuwing nakikita niya ito ay parating may ngiti na nakapaskil sa labi.

UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon