CHAPTER 11

4.1K 91 0
                                    

After two years

Kasama niya ang kanyang buong pamilyang umuwi sa Pilipinas para sa gaganaping binyag ng anak ni Megan, sumama sa kanyang umuwi ang kanyang magulang at ang kanyang kuya dahil gusto ng mga itong makita ang panganay ni Kuya Ervin.

Mas matanda ng isang taon ang kanyang Kuya Red kesa kay Ervin, napilitin ang kanyang kapatid na umuwi sa Pilipinas pagkaraan ng mahabang panahon dahil na rin sa imbitasyon ng kanilang pinsan.

In fact, kinuha itong ninong kaya hindi ito nakatanggi. Kahit ang mga tiyuhin at tiyahin nila ay kasama ng pumilit dito dahil sabi ng mga ito ay na-mi-miss na si Red pagkat nga hindi umuwi sa napakahabang panahon.

She sudden feels nostalgic about certain person when they reached her town house.

Hindi rin naman sila magtatagal sa Pilipinas, magtatagal lang sila doon ng isang linggo at babalik agad sila sa UK, isa pa, marami pa siyang asikasuhin sa kanyang restaurant dahil three months pa lang na operational ang kanyang business.

Halos lahat ng kanilang parokyano sa restaurant ay mga banyaga so she needs to work double time to meet their expectations.

Speaking of restaurant, kumusta na kaya ang kanyang dating restaurant? Is the new owner do a very good improvement to her former restaurant?

She had a mental note on her mind na yayayain niyang mag-dinner ang kanyang pamilya doon kapag malapit na silang bumalik sa United Kingdom.

*****

GILIW na giliw siya sa anak ng kanyang Kuya Ervin at ng kanyang bestfriend na si Baby Venice habang karga niya ito.

Ngayon ang binyag ng bata. Kanina pa niya ito pinupupog ng halik sa sobrang pagkatuwa niya dito, kaya nga pinagtatawanan na siya ng kanyang magulang, kuya, mga pinsan at ang mag-asawang Ervin at Megan.

Hindi na lamang niya pinapansin ang mga pasaring ng mga ito na gumawa na siya ng sariling baby.

Ang pinakapasipuno sa mga ito ay ang kanyang mga magulang na noon pa gustong magkaapo, wala ang mga itong napala sa kanyang Kuya Red kaya siya ngayon ang pi-ni-pressure ng mga ito na magkaroon ng anak.

Noon siguro iniisip niya iyon, noong nasa kanya pa si Alexis, pero ngayon ay wala na iyon sa vocabularyo niya. Sa lalaki lamang kasi gusto niyang magkaroon ng anak. Wala naman siyang magustuhan sa UK dahil kahit anong tingin niya sa mga ito ay lagi niyang hinahanap-hanap ang mga katangian ni Alexis.

Napapitlag siya mula sa paghalik-halik sa kargang bata ng mula sa kung saan ay sumigaw si Megan ng picture taking. Iniabot niya ang bata dito at pumuwesto sa gitna ng kanyang Kuya Red at ni West.

Ninong din ang huli sa pagtitipong iyon at nabalitaan niya mula kay Megan na pabalik-balik pala ang lalaki sa Canada at dito sa Pilipinas dahil inalok ito ni Kuya Ervin na sumusyo sa itinayong mga mall sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas.

Kailangan kasi ng kanyang pinsan ang investment na galing dito para palakihin pang lalo ang mga mall na itinayo nito. Maging ang expertise ni West ay kailangan ni Ervin dahil dumarami ang competitor ngayong panahon. May chain of malls kasi si West sa Canada, iyon ang negosyo ng lalaki.

Pagkatapos kumuha ng mga larawan ay kanya-kanya na rin silang balik sa mesang kinapupuwestuhan.

Patuloy ang pagbaha ng pagkain sa paligid, hindi rin nawala ang kuwentuhan sa bawat mesa, ang tawanan, lalo na ang tuksuhan na madalas sa kanya nakapatungkol.

Hindi mapigilan ng mga kamag-anak nila na tuksuhin silang dalawa ni West dahil silang dalawa ang single pa sa mesa plus Kuya Red. Imbes na mapikon ay tinatawanan na lamang nilang dalawa ni West ang mga ito.

*****

MATAPOS ang christening party ni Baby Venice ay nagyaya ang kanyang magulang na dumaan sa isang malapit na mall na pag-aari ni Ervin. Kailangan nilang bumili ng mga gamit at damit dahil kaunti lamang ang kanilang nadala na sumapat lamang sa one week vacation nila.

They need to buy new clothes in preparation for their upcoming outing sa resort ng isang kamag-anak. Karamihan ng kamag-anak nila ay kasama kaya wala silang nagawa kundi mag-extend ng bakasyon sa Pilipinas.

Humiwalay siya sa mga kasama para magtungo sa isang boutique for women. Nakiusap na lang siya kay West na kasama nila ng magtungo doon na tawagan na lamang siya in case na aalis na sila.

Engross na engross siya sa mga tinitingnan na damit dahil noong dito pa siya sa Pilipinas nakatira ay iyong boutique na iyon ang kanyang parating pinupuntahan para bumili ng mga bagong damit. She liked the design and quality of the clothes and it is one of the most branded clothes here in the Philippines.

Habang tumitingin-tingin siya sa mga naka-display na damit ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagtaas ng mga balahibo sa batok.

She had a gut feeling na kanina pa may nagmamasid sa kanya subalit nang iikot niya naman ang paningin ay wala siyang nakitang partikular na tao na maaring nagmamasid sa kanya.

UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon