MAG-ISA lamang siya sa kanyang town house ng araw na iyon. Ang kanyang mga magulang at ang kanyang kapatid ay may pinuntahang malayong kamag-anak. Sa darating na linggo na sila babalik sa UK.
Hindi na siya sumama sapagkat mayroon siyang kaunting sinat dala ng maghapon niyang pagbababad sa dagat kahapon.
Ayaw na sanang tumuloy ng kanyang pamilya pero nag-insist siya na okay lang siyang maiwan. Ayaw niyang mapurnada ang mga plano ng mga ito dahil lamang sa kaunting sinat niya. She also insisted that she can take care of herself.
Matagal na panahon siyang mag-isang tumira dito kaya sanay na siyang walang kasama kapag may sakit siya.
Nagpapahinga siya sa kanyang kuwarto ng makarinig siya ng mga yabag na papalapit sa pintuan. Bigla ang pagbalikwas niya ng bangon kaya muntik na siyang mahulog sa kama.
Bumalik ba ang kanyang mga magulang at kapatid?
No, kung sakali mang bumalik ang mga ito ay malalaman niya dahil na rin sa ingay na gawa ng mga ito. And she doubt that dahil nag-text sa kanya ang Kuya Red niya na nakarating na ang mga ito sa Laguna.
Bigla ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib. Naalala niyang ini-lock niya ang mga pinto pagkaalis ng pamilya. Pero bakit may nararamdaman siyang may tao sa kanyang bahay?
Bago pa siya makakuha ng maaring ipananggalang sa intruder ay bigla na lamang bumukas ang pinto sa kanyang kuwarto. At napatda siya sa taong nakita.
*****
SIMULA ng makita niya si Amanda noong isang araw habang nasa mall ito na may kasamang isang lalaki ay sinundan-sundan niya na ang babae.
Andoon siya sa pinuntahan nitong resort at nakatingin lamang rito buhat sa malayo. Hindi niya mapigilan ang umuusbong na galit para rito at sa lalaking kasa-kasama nito.
Aksidente lamang ang pagkikita niya dito sa mall. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na narito na ito sa bansa. Halos dalawang taon na rin ng huli niya itong makita.
After Stella died, he used to follow Amanda here in her house and in her restaurant but he learned through Megan that Amanda is now permanently living in United Kingdom.
Hinayaan niya ito sa mga panahong yaon dahil gusto niyang magbabang-luksa muna kay Stella bilang pagrespeto sa huli at sa pamilya nito. Gusto niyang makipagbalikan dito at muling umasa na madudugtungan ang kanilang naudlot na relasyon.
Subalit ng makita niya ito sa UK isang taon na ang nakararaan ay nakita niya kung gaano na ito kasaya sa buhay na sinimulan nito na hindi siya kasama.
She was busy in so many things that he thought she already forgotten him. Iyon ang tumulak sa kanya na hayaan na ito. Bumalik sa kanyang gunita ang mga sinabi nito noon sa kanya bago sila naghiwalay. Siguro nga nakalimutan agad siya ng babae nang ganoon kadali.
Nang mabalitaan niyang ipinagbibili ang restaurant nito ay walang pagdadalawang-isip na binili niya ang restaurant na pinagsumikapan ni Amanda na palaguin. Ang plano noon ni Amanda na magtayo ng panibagong branch sa Cebu ay siya ang tumupad.
Hindi niya alam kung bakit niya pa iyon ginawa, at the back of his mind, umaasa pa siyang babalik ang dalaga sa kanya at kapag mangyari iyon ay iaalay niya ulit dito ang mga pinaghirapan niya.
Pinagmasdan niya nang mataman ang dalaga, partikular na ang mukha nito na lalong gumanda sa paglipas ng panahon. Haggard man ang hitsura nito ay hindi naman nakabawas sa gandang taglay nito.
Bumaba ang tingin niya sa suot nitong manipis na bestidang puti. Wala itong suot na panloob. Nang siguro makita nito ang tinitingnan niya ay basta na lang nitong hinila ang kumot na nasa paanan at itinakip sa katawan. Hindi niya maiwasang ma-amused sa ginawi nito.
BINABASA MO ANG
UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)
RomanceMahal ni Amanda si Alexis, considering the fact that he already has a wife. At hindi iyon naging hadlang para magkaroon sila ng sekretong relasyon. Pero pagkatapos ng ilang pagkakataon na pagkakasaya sa piling nito ay nagawa niya itong hiwalayan par...
