CHAPTER 13- ENDING

7.8K 155 26
                                        

Magaan ang pakiramdam ni Alexis ng magising after they made love. Kakaiba ang pakiramdam niya ngayon hindi katulad noon na kapag nagigising siya ay parating may kulang.

At si Amanda ang kulang na iyon. Nang maisip ang dalaga ay agad ang pagbaling niya ng tingin sa babaeng himbing na himbing pa ang tulog sa kanyang tabi. May munti pang ngiting nakapaskil sa mga labi nito.

Iniangat niya ang kanyang kamay at marahan itong hinaplos sa mukha. Dahil sa ginawa niya kaya unti-unting nagmulat ito ng mata na agad din namang ipinikit pagkuwa’y sumiksik pang lalo sa kanya. Hindi niya napigilang matawa sa ginawi nito.

“Get up, baby, alam ko namang hindi ka na matutulog,” aniya at idinampi ang likod ng isang kamay sa noo nito.

“Hmmm… I love you, Alexis,”

Napangiti ulit siya sa winika nito. Narinig niya na ang katagang iyon kagabi while they are making love, paulit-ulit.

“Is that means na hindi ka na sasama sa magulang at kapatid mo na bumalik sa United Kingdom?” he asked. She get up, wala itong pakialam kahit wala itong damit, bahagya na lamang nitong tinakipan ng kumot ang dibdib.

“You want me to stay?” balik tanong nito. “Bigyan mo ako ng mga dahilan para manatili ako dito, Alexis.”

Ito na siguro ang pagkakataon para masabi niya ang mga dapat sabihin dito. Anumang hinampo niya dito noon ay mabilis na nawala ngayon.

“I am supposed to be mad at you, Amanda. Iniwan mo ako kahit alam mong mahal na mahal kita. Nasaktan ako sa kaalamang wala kang tiwala sa akin. Siguro kasalanan ko rin naman kung bakit tayo nagkalayo. Hindi ko sinabi sa iyo na hiwalay na kami ni Stella kaya naniniwala kang may ginagawa tayong masama behind her back.

Naiintindihan na kita, Amanda, ginawa mo lang kung anong alam mong tamang gawin sa klase ng relasyon na meron tayo. I admire you for that. Napatunayan kong nirespeto mo si Stella considering na ang alam mo ay hindi pa kami hiwalay, you pushed me to her.

Ang nakakatuwa lang, while you are pushing me away from you to follow Stella, si Stella naman ay busy sa pagtulak sa akin na balikan ka. Yup, I follow you in UK after a couple of months Stella died. Alam din niya ang relasyon natin at nagkunwari lamang siyang walang alam. After we stayed in Antipolo that night, I decided to talk to her about us and about our relationship.”

May kumawalang singhap mula dito. “You mean, all this time, she knew about us?”

“Yes, 'yun ang gusto kong sabihin sa 'yo nong araw na nagpapaalam ako para samahan magpagamot si Stella. Pero nabigla ako sa mga rebelasyon mo, nauna ang naramdaman kong galit para sa iyo.”

Natutop nito ang bibig sa narinig. “Oh my God, I’m so sorry, Alexis. Nagawa ko lang naman iyon dahil nakokonsensiya na ako. Tumibay pa ang nararamdaman kong galit para sa sarili ko ng makita ko ang sitwasyon ni Stella,” bakas ang panlulumo at pagsisisi sa mukha nito.

“Matagal na kaming hiwalay noon ni Stella. Nang may mangyari sa atin ay hiwalay na kami pero hindi pa pormal at on process pa lang ang annulment papers. At may blessing niya ang araw na kasama kita noon sa Palawan, alam niyang magkasama tayo dahil nagpaalam ako sa kanya.

Sinabi niya rin na wala akong dapat na ika-guilty noong gabi na magkasama tayo sa Antipolo,” paliwanag niya at ikinuwento ang araw na nagkausap sila ni Stella.

“Siya ang unang nag-initiate na dapat na kaming maghiwalay. At kaya hindi ko kaagad nasabi sa 'yo na naghiwalay na kami dahil gusto kong maayos na ang kalagayan niya bago tayo tuluyang maging masaya. Pero siya na mismo ang sumuko sa buhay niya. Hindi ko rin siya masisi, gusto niya na talagang makasama ang una niyang asawa.”

UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon