Mayroong alam si Amanda na malapit na dagat kaya doon sila pumunta. Umupo sila sa seawall and together they watch the sunrise.
Kakaiba pala ang pakiramdam kapag pinapanood mo ang pagsikat ng araw kasama ang isang espesyal na tao sa buhay mo. Pinababatid sa kanya ng araw na puwede pa siyang lumigaya kahit nakatali siya sa walang kasiyahang kasal.
Tiningnan niya si Amanda at nakitang tahimik lamang ito habang nakamasid sa araw. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap. Their hands are perfectly fit to each other na para bang ginawa lamang ang kanyang kamay para habang buhay na hawakan ang kamay nito.
“Alam mo bang hindi naman ako mahilig masdan ang pagsikat ng araw, Alexis?” maya-maya ay sabi nito.
Nagtaka siya sa sinabi nito sapagkat ngayon ay parang damang-dama nito ang pagmamasid kay haring araw.
“Really?” maikli niyang sagot sa tonong patanong.
“Yes, but now I’d made an exception kasi ikaw ang kasama ko. At alam mo bang nagiging espesyal ang isang pangyayari kapag ang kasama mo ay iyong mahalaga sa iyo? Yes, you’re important to me since the first time I meet you, Alexis. And I got disappointed when I learned that you have a wife but it doesn’t mean that I will also stop from thinking of you, instead I continue on liking you,” pumatlang ito ng ilang segundo bago idinugtong ang salitang nakapagsaya sa kanya. “And l-loving you.”
Mula sa araw na ito pinapangako niyang dadalasan na niya ang manood sa pagsikat ng araw. This is the best day of his life. Importante na sa kanya ang araw na ito at hinding-hindi niya ito makakalimutan. He even confess his love for Amanda, inaasahan niyang matutuwa din ito sa mga inamin niya subalit nakita niyang may lumbay ang mga mata nito na agad din namang nawala.
Maya-maya ay may kinuha itong bagay sa purse na dala nito na napag-alaman niyang cellphone pala ng itaas iyon ng babae.
“Hindi ko makakalimutan ang araw na ito, Alexis, so let’s take a photo together,” sunod-sunod ang pagkuha nito ng larawan habang magkadikit ang kanilang mga mukha subalit bawat titingnan nito ang kuha ay umiiling ito. Nainis na ito nang sa sumunod na kuha nito ay hindi pa ito masiyahan. Pangit ba siya sa mga larawan? Hindi naman yata.
“May kulang, Alexis,” nanghahaba ang labi na sabi nito. Maya-maya din naman ay napapitik ito sa daliri at nagliwanag ang mukha. “Lumapit tayo sa dagat, Alexis, background ang kulang sa pictures.”
Iyon nga ang ginawa nila. Sa bawat shot ng cellphone nito ay may ngiti na sa mga labi nito. Nang sumenyas ito ng isang kuha na lang ay inilapit niya ng masyado ang mukha niya rito. Nang hindi na siya makapag-pigil ay hinalikan niya ito ng mabilisan sa pisngi kasabay naman ang pag-click ng cellphone nito. Iyon ang huling kuha nila at lihim siyang nasiyahan ng makita ang larawan. He immediately asked Amanda to share the picture.
TATLONG linggo ang lumipas simula ng huli silang magkita ni Alexis at aaminin niya sa sarili na sobrang nami-miss niya ito. Walang sandali na hindi ito sumaglit sa kanyang isip. Parati niyang naaalala ang ilang oras na nagkasama sila. She will treasure those memories for a lifetime.
But the problem is they never had a communication since then. Alexis promise her that he will keep in touch to her but he failed. May isang banda sa kanyang isip na nagsasabi na hindi na tutupad ito sa mga pinangako pero may isang banda rin sa kanyang isip na nagsasabing kailangan niyang paniwalaan ang mga sinabi nito.
May isang kaibigan siya na nagsabi sa kanya na ang magandang pundasyon ng isang relasyon ay ang tiwala sa isa’t-isa. Na kapag nawala ang salitang iyon ay hindi titibay at hindi tatagal ang isang relasyon. Gusto niyang tawanan ang sarili, sa relasyon ba na meron sila ni Alexis ay kailangan pa ng tiwala? Kailangan ba niya itong bigyan ng tiwala samantalang alam nilang pareho kung saan puwedeng tumagal ang kanilang relasyon.
Napukaw lamang siya sa pag-iisip nang tawagin siya ng isa sa mga empleyado niya sa restaurant.
“You have a phone call, Mam,” bungad nito sa kanya. Nang tanungin niya ito kung sino ang maaring tumawag sa kanya ay sinabi nitong hindi nagpakilala ang lalaking tumawag.
Sa mga ganoong pagkakataon ay malamang na hindi niya sagutin ang tawag dahil sa hindi pagpapakilala ng caller subalit exception ngayon. Maybe it was the call she have been waiting for so she decided to take it.
“Alright, transfer the call to my private line, please,” sabi niya rito at nagtungo na sa sarili niyang opisina.
Hindi nga siya nagkamali nang akala. The call is enough to made up her day.
SHE accepted the invitation of Alexis to have a three day vacation with him in a beach resort in Palawan. Ibinilin niya ang restaurant sa kanyang manager and she was confident to entrust the restaurant to her manager and to her employees. Subok niya na ang mga kakayahan ng mga ito sa ilang taon na rin na pagseserbesiyo sa kanyang restaurant.
Kaya ngayon ay kasama niya si Alexis sa napakagandang lugar sa bahagi ng Palawan. They both wanted to relax so that they truly deserve this short vacation.
Pangalawang araw na nila ngayon dito sa ****** Beach Resort in El Nido, Taytay that is located in Palawan at sobrang nag-e-enjoy sila sa magandang tanawin at sa mga activities and sports na pareho nilang sinubukan. Well, at least in her part dahil sanay na pala si Alexis sa mga katulad ng ganoong gawain. She was sure that this man is a sport enthusiast at ito ang umalalay sa kanya sa simula pa lang.
****** Beach Resort offers exciting activities to the guest. They offered activities like snorkelling, scuba-diving, kayaking, hiking, and island-hopping to visit amazing caves. Lahat ng iyon ay sinubukan niya sa sulsol na rin ni Alexis.
Hindi siya natakot na gawin ang mga bagay na iyon pagkat nakahanda itong alalayan siya sa simula pa lang.
Isa din sa nagustuhan niya sa resort ay ang puting-puti na buhangin sa baybayin at sobrang linis kaya magandang maglakad-lakad sa dalampasigan habang mabining humahaplos ang hampas ng tubig dagat. They even had romantic dinner at the private island during their first night in the resort. It is the place where you can find the spectacular view of the famous Miniloc Island and others.
Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay kapwa nila napagdesisyunan na maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Marami ang tao sa paligid dahil summer vacation ngayon kaya marami ang local and foreign tourist na naglipana. Marami silang nakitang tao na nagbo-bonfire habang nagkakasiyahan.
May ilan naman na nag-na-night swimming habang may ilang pares din na katulad nilang naglalakad sa dalampasigan. Buhay na buhay ang paligid kahit gabi na. Sabagay, this place is awesome and wonderful. Walang taong hindi gugustuhing hindi magbakasyon sa ganitong lugar.
Maya-maya ay naramdaman niyang hinawakan ni Alexis ang isa niyang kamay pagkatapos magtama ang kanilang paningin at magpalitan ng ngiti.
Hinayaan niyang hawak nito ang kanyang kamay habang naglalakad sila. Walang kasing-saya ang nararamdaman niya ngayon kasama ang lalaking ito. Kahit sa simpleng paghawak lamang nito sa kanyang kamay ay nakararamdam siya ng kagustuhan na ariin na lamang niya ito. Subalit pinipigilan niya parati ang kanyang sarili dahil alam niya kung saan siya nakapuwesto sa buhay nito.
Kaya habang maaga pa ay itinatatak niya na ang mga sandaling ito sa kanyang puso at isip. These memories will last for a lifetime. So she decided to enjoy every single of it na hindi na iisipin ang asawa nito.
BINABASA MO ANG
UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)
RomanceMahal ni Amanda si Alexis, considering the fact that he already has a wife. At hindi iyon naging hadlang para magkaroon sila ng sekretong relasyon. Pero pagkatapos ng ilang pagkakataon na pagkakasaya sa piling nito ay nagawa niya itong hiwalayan par...
