Araw ng food tasting nila Stella para sa gagawing kaarawan ng ama nito. Kasama niya ang dalawa sa pinakamagagaling na chef niya sa restaurant. Naisipan niyang magdagdag pa sa menu para in case na hindi magustuhan ng kanilang kliyente ay may pang reserba silang putahe.
But she knew that they would accept their preparation, tiwala siya sa kanyang dalawang chef dahil alam niyang mahusay ang mga ito. Hindi lang ang satisfaction ng kanilang customer ang kino-consider nila kundi maging ang kalusugan ng mga ito. Isa iyon sa dahilan kung bakit dinadayo sila ng mga parokyano.
Sa kabilang banda, hindi niya maiwasang kabahan dahil makakaharap niya si Alexis at Stella. Hindi niya maunawaan kung ano ba dapat ang maging reaksiyon niya 'pag nakaharap ang lalaki sa mismong harap ni Stella.
Agad silang in-entertain ni Stella ng makarating sila sa mansiyon ng mga ito. Pero ang inakala niyang isa sa sasalubong sa kanila ay hindi niya nakita. Nagtatanong ang mga matang bumaling siya sa babae. Siguro ay nahulaan agad nito ang kanyang nasa isip dahil ngumiti ito at nagpaliwanag.
“Alexis not here, siguro ay dumaan muna siya sa kanila or may ka-meeting. Maya-maya lamang ay andito na 'yon. You know, kahit Linggo ay nagtratrabaho 'yon si Alexis kung kinakailangan,” saad nito bago tumalikod at itinuro sa dalawang kasama niya ang kusina.
Tinawag muna nito ang isang katulong para dalhan sila ng makakain.
-----
TUMUTULONG siya kela Ricky at Benedict sa pagluluto nang dumating si Alexis. Napapitlag pa siya ng basta-basta na lang itong magsalita at sumulpot doon sa kusina.
Sinulyapan niya lamang ito at marahan tinanguan nang batiin sila pagkuway ibinaling niya ulit ang pansin sa ginagawa. Siguradong matatagalan sila ngayon dahil marami pa ang kailangan nilang lutuin.
Nang palihim niya itong sulyapan ay nakita niya ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Ramdam niyang may gusto pa itong sabihin pero hindi na itinuloy dahil nagsalita na si Stella.
Hinalikan nito sa pisngi ang babae pagkuwa’y umupo na sa kaibayong upuan ni Stella. Saglit pa ay ibinigay na nito ang atensiyon sa asawa at masayang nagkuwentuhan na para bang matagal na hindi nagkita. Lihim siyang napairap.
Nagseselos siya. Kung wala lang ang tatlong taong nakapaligid sa kanila ay nag-walk out na siguro siya. Pero napaka-unprofesional niya naman kung gagawin niya iyon kaya hanggat maaari ay magpipigil siya.
Ito na nga ba ang iniisip niya. May bad side at good side ang pagpapayag niyang sumama ngayon sa bahay ng mga ito. Good side dahil makikita niya ito at matatanaw knowing na andito lamang ito at malapit sa kanya. Bad side dahil makikita niya kung pano lambingin ng mga ito ang isa’t-isa.
Lambingin? Agad ang pagpreno ng kanyang isipan ng mapagtanto ang salitang nasa isip. Bakit parang walang lambing ang tinginan ng mga ito ngayon? Oo nga at sabi ni Alexis ay hindi nito mahal ang babae, pero dapat umakto ito ngayong huwarang asawa dahil tatlo silang nakakakita at nakakarinig. Pero sa pag-uusap ng mga ito ngayon ay parang ordinaryo lamang ang pinag-uusapan ng mga ito. Iyon bang pormal na pag-uusap, iyong may mapag-usapan lang.
Napailing siya ng wala sa oras. Hindi niya dapat iniisip ang mga ganoong bagay dahil may kailangan pa silang gawin. Isinaksak niya sa kanyang isip na narito sila para sa negosyo at pinilit ang sarili na 'wag ng pansinin ang pag-uusap ng mga ito na pulos naman tungkol sa negosyo at sa nalalapit na kaarawan ng ama ni Stella.
Habang nagluluto sila ay tinatanung-tanong silang tatlo ng mag-asawang Cade at isinasama sa usapan. Kapag siya ang tinatanong ni Stella ay sinasagot niya lamang ng ‘oo’ at ‘hindi’ at hindi na nag-e-elaborate.
BINABASA MO ANG
UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)
RomanceMahal ni Amanda si Alexis, considering the fact that he already has a wife. At hindi iyon naging hadlang para magkaroon sila ng sekretong relasyon. Pero pagkatapos ng ilang pagkakataon na pagkakasaya sa piling nito ay nagawa niya itong hiwalayan par...
