CHAPTER 6

5.5K 88 0
                                        


“It’s so nice to finally meet you, Amanda, Megan here always talk about you,” sabi ng half-Filipino half-Canadian na si West at inabot ang kanang kamay sa kanya na malugod niya namang tinaggap bago ito tumingin sa pinsan na si Megan.

Naroon siya sa bahay nila Kuya Ervin at Megan dahil tinawagan siya ng huli na dumating ang pinsan nito na si West Stafford na matagal na hindi nakauwi sa Pilipinas. Gusto diumano siya nitong ipakilala sa lalaki kaya pinapunta siya.

Alas nuwebe na nga siya nakarating dahil marami pa silang inasikaso ng kanyang manager sa restaurant. Hindi na nga sana siya pupunta dito kung hindi lang siya pinilit ng kanyang matalik na kaibigan, alam kasi niya ang dahilan nito. Nag-pe-playing cupid ito sa kanila ngunit hindi siya interesado. Alam naman ng kaibigan kung sino ang gusto niya, siguro ay nais lamang nitong kalimutan niya na si Alexis. Hindi niya kasi sinabi rito na may secret affair sila ng huli.

“I hope na magaganda ang kinukuwento niya tungkol sa ‘kin. You understand Tagalog, right?” tanong niya rito. Sa Canada kasi talaga ito naka-base at dinadalaw-dalaw lamang sila Megan sa Pilipinas na bihirang mangyari kaya ang pamilya na lamang nila Megan ang lumilipad sa ibang bansa makita lamang ito, kuwento sa kanya ni Megan ay wala na itong parents bagama’t may asawa pero hiwalay dahil nalulong daw ang babae sa droga at alcohol. Matinik daw itong business tycoon ayon na rin kay Megan.

“Oo naman, marunong siyempre ‘yan mag-tagalog dahil Filipina naman si Tita, noh,” singit naman ni Megan. Agad niya itong pinanlisikan ng mata dahil sa pakikialam nito, napa-‘oooppss’ naman ito 'pagkat naintindihan siguro ang nais niyang ipabatid.

Ang kanyang pinsan na si Ervin ay napatawa na lamang sa ginawi ng asawa at inakay na papunta sa kusina si Megan.

“Hayaan na muna natin silang mag-usap, sweety. Come on, tingnan natin kung tapos ng mag-ayos ng hapag sila Manang.” Narinig niya pang sabi ni Ervin habang naglalakad ang mga ito.

Gusto pa sana niyang pigilan ang mga ito dahil ayaw niyang mapag-isa kasama ng lalaki subalit nadala din siya sa tingin ng kanyang Kuya Ervin na nagpapahiwatig na estimahin niya ang bisita. Unfair, bisita ng mga ito si West, bakit siya ang eestima!?

Ibinalik niya ang tingin kay West ng magsalita ito. “Yup, magaganda siyempre ang kukuwento niya tungkol sa iyo. She said you are very beautiful, kind and successful. You’re friend there are very proud of you, you know. And she’s right, you’re so beautiful,” puri nito sa kanya at nagpakawala ng pamatay na ngiti.

Kung naiba-iba lamang siguro siyang babae ay kanina pa nahulog ang loob niya rito, ngiti pa lamang kasi nito ay puwede ng mahumaling ang mga babae. At kung wala lamang siyang ibang mahal ay siguradong mahuhulog ang loob niya sa lalaking kaharap. Aaminin niyang napakaguwapo nito, matangkad din ito subalit wala siyang maramdamang ano man rito, sa unang pagkikita pa lamang niya rito kanina ay wala na siyang naramdamang spark lalo na ng magkamay sila hindi katulad ng naramdaman niya kay Alexis unang beses pa lamang niya na nakita ito. Kay Alexis ay may kuryenteng nanulay sa kanyang katawan sa sandaling nagdaop ang kanilang mga kamay.

“Oh, you think that I am beautiful, thank you for that, by the way you’re handsome too,” balik puri niya rito na sukat ikatawa nito ng malakas. Anong meron sa sinabi niya para tumawa ito ng ganoon?
Sigurado siyang narinig nila Megan ang tawa nito at sigurado ding buska ang aabutin niya sa kaibigan mamaya.

“Lady, kailangan ba talagang ibalik ang papuri kapag pinuri kita? You do know how to make people laugh, Amanda,” saad nito na umiling-iling habang natatawa pa.

“You think I’m kidding when I say you’re handsome? Nah, alam ko namang alam mo na guwapo ka,” aniya na nahawa na rin sa tawa nito.

Kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila, naroong ikuwento nito ang pamumuhay sa Canada pati na rin ang mga negosyo nito doon, nagtanong din ito tungkol sa kanyang restaurant. Hindi ito boring na kausap at marami din itong pinakawalan na nakakatawang kuwento kaya nag-enjoy siyang kausap ito.

UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon