CHAPTER 1

11.1K 141 0
                                        


Agad niyang sinalubong ang kaibigang si Megan nang makita ang pagparada ng kotse nito sa parking space ng kanyang restaurant.

Matagal niya din itong hindi nakita dahil sa dami ng problemang kinaharap nito, sa pamilya at sa buhay pag-ibig. Pero ayos na ang sitwasyon nito ngayon, happily married na ito sa kanyang pinsan. Kararating nga lamang ng mga ito mula sa dalawang buwang honeymoon sa Europa at sa Barcelona.

Pagkababa pa lamang nito sa kotse ay sinugod agad siya ng yakap. “Kumusta na, Amanda?” tanong nito sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

“Heto, ayos lang, ikaw kumusta? Ang honeymoon ninyo kumusta rin? May nabuo na ba?” sunod-sunod niyang tanong rito.

Iginiya niya ito papasok sa kanyang restaurant pagkuwa’y pumuwesto sila sa isang mesa na bakante at nasa gilid na ng restaurant para na rin makapag-usap sila ng ayos ni Megan.

“Hmm, wala pa siguro, Mandy, I really don’t know, I am not visiting a doctor until now. Wala pa naman kasi akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko, eh,” nanghahaba ang ngusong sabi nito. Alam niyang gusto na nitong magkaanak ngayon.

“Don’t worry, magkaka-baby din kayo niyan, it’s so early pa naman, bagong kasal pa lang kayo,” pampalubag loob niya rito. “Anyway, why are you here pala?” kanina kasi ay bigla ang pagtawag nito sa kanya at sinabing pupuntahan siya sa restaurant niya.

“Wala naman, gusto lang talaga kitang dalawin. Matagal na din tayong hindi nagkita at nakapagkuwentuhan, na-miss na rin naman kita, bestfriend,” anito. “By the way, kumusta naman pala ang lihim na pagtatangi mo kay Mr. Alexis Cade?” tukoy nito sa lalaking lihim nga niyang tinatangi. Alam nito ang pagsinta niya kay Alexis at saksi ito sa lihim niyang pagkagusto sa lalaki.

“Bokya pa rin, bestfriend. Alam mo namang may asawa na 'yong tao, eh,” aniya. Tama, may asawa na nga si Alexis, in fact may ilang taon na din itong kasal sa asawa nito.

It so hard to fall in love with a man who is committed, wala siyang magawa kundi tingnan na lamang ito sa malayo at pangarapin sa kanyang panaginip.

Nakilala niya ito ng minsang kunin nito ang kanyang restaurant sa magke-cater para sa ika-dalawampung anibersaryo ng negosyong itinayo ng mga magulang nito. Siguro nga ay limot na siya ng lalaki at kung sakaling magkakasalubong sila sa kalsada ay hindi siya makikila at susulyapan man lamang.

“Hayaan mo na siya, Mandy, may mas deserving pang lalaki kesa sa kanya. Ang dami kayang pumipila sa ‘yo. Don’t waste your precious face to a committed man, kahit na nga ba napakaguwapo at lahat na lang ng magagandang katangian nasa kanya,” subalit bigla din itong pumreno. “Pero sayang, friend. Sobrang guwapo naman nga talaga ng lalaking ‘yon at napakatangkad pa,” ani Megan na parang kinikilig ng maalala ang mukha ni Alexis Cade.

Marahang tinapik niya ito sa braso. Kanina lamang ay sinabi nitong may mas deserving pang lalaki na darating sa buhay niya subalit sa huling pangungusap ay pulos panghihinayang na ang laman ng mga sinabi.

Sabagay, kahit sino siguro kay Alexis ay walang makaka-resist kahit pa nga ba may asawa na ang mga pumapantasiya rito. Maging siya nga nang unang makita ang lalaki ay hindi agad siya nakahuma, natulala at saglit siyang hindi nakausap ng kanyang mga crew sa restaurant. She knew then that Alexis Cade took her heart.

“Maging ikaw rin pala ay may lihim na pagtatangi kay Alexis, ha?” biro niya rito pero alam niya naman na loyal ito sa pinsan niya.

“Nag-a-appreciate lang po ako ng gwapo ano. Pero kahit kelan hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa kanya. Sa iyo na lang siya, bestfriend, bagay naman kayo. ‘Yaan mo ang asawa niya maghihiwalay din sila.”

UNHIDDEN SECRET AFFAIR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon