"Tignan mo ate,Ang gwapo gwapo nya ang puti ,ang pula ng lips ,ang ganda ng mata, may muscles pa kahit 4th year highschool pa lang"sabi ko habang pinagmamasdan ang picture nya sa facebook ang gwapo talaga ng crush ko makalaglag panty, ay nakabrief pala ako :(
"Baka kaya sya gwapo nakaCamera 360 yan o di kaya Retrica ,alam mo minsan ang picture parang tubig lang yan na naligay sa water dispenser ,maraming dinadaanang Filter para gumanda, alam mo na Hahaa!"sagot naman ni ate na parang nang aasar
"Tsk tsk ,Kontra ka talaga sa buhay ko kahit kelan" sabi ko naman ,ganyan talaga yan si ate mapang -asar
"San ba yan nakatira?"biglang seryosong tanong ni ate
"sa Nueva ecija teh ,pero pag bakasyon dito sya sa Manila"sabi ko naman
"Grabe beh!!!! Ang lakas mo maka Stalker Ganyan ba talaga yan kagwapo ,at palagi mong ini-istalk ,iba ka din eh noh halos lahat alam mo na sa kanya ,Nagkita na ba kayo nyan ?,Kilala ka ba yan?Mabait ba yan?"sunod sunod naman nyang tanong
"Hindi pa kami nagkikita,di nya rin ako kilala ,Hindi ko din alam kung mabait sya, Basta ito ang clear ,Ang gwapo nya ,ang hot nya At crush ko sya"Pakilig-kilig ko pang sagot sa kanya
"Tsk ,ikaw talagang baklang bata ka,Hindi ka nya kilala ,pero sya kahit kulay ng brief nya alam mo ,mahirap yan beh aasa ka lang Forever "Sabi naman ni ate
"Alam mo teh ,crush lang naman eh ,walang masama dun ,Crush is paghang diba?"sagot ko naman para tuloy biglang sumeryoso ang atmospere sa kwarto ko
"Oo beh,Crush lang ngayon kasi di mo pa sya nakikita ,Pano pag nakita mo na ?Mahal na? Tignan mo yung timeline nya diba puro GIRLFriend ang laman , nagkaka Girlfriend sya , so that means STRAIGHT sya Lalaking lalaki Kaya ang payo ni kapatid hanggat hindi pa malalim ang nararamdaman mo sa kanya ,itigil mo na o Baka gusto mo pang Hampasin kita ng Flourescent lamp para maliwanagan ka O di kaya naman ipa-ulam ko sayo ang REALIDAD in Can ,wag masyadong Magpantasya ,para di masyadong masakit pag umasa,,Gets?"Mahabang litanya naman nya ,napanga-nga na lang ako sa kanya habang pinapakinggan ang Bawat sinasabi nya ,ititigil ko ba? Masaya ako sa pagde-daydream sa kanya eh bat ko ititigil?,eh kung Tama pala yung mga sinabi ni ate ,Haissst Bahala na nga ang Hirap mag decide ,Masakit sa Bangs
"Sige beh Tulog na ako ,Pag-isipan mong mabuti ah,Concern lang ako sayo"Sabi ni ate at lumabas na ng kwarto ko, di ko sya pinansin nag-iisip Pa rin ako
"Parang pinahirap lang ni ate ang lahat eh Fangaylang naman ako eh masama ba yun :( "sabi ko sa sarili ko
Ako nga pala si Von Nicky Alcala 15 yrs old ,4th year highschool ,Isang simpleng beki ,masayahin, palabiro ,Basta yung karaniwang beki Pero syempre may pinagka-iba ako sa kanila kahit onti, Katulad ng di ako nag co-cross dress, di ako nagme Make up ,Di rin ako nag be-bekimon ,ano yon ?di ko na nga kayang Respetuhin ang sarili ko ,Hahayaan ko pa ba ang iba na hindi ako respetuhin ,syempre hindi, kaya ayun. ,yung pamumuhay ko parang average lang ,sakto lang hindi kulang ,hindi sobra ,Sakto lang haahaha
Mahilig ako magluto ,pero di ako tumataba ,Tama na sa akin yung sinasabing masarap ang luto ko ,dun palang busog na ako, At ang pinaka Bongga sa lahat, Tanggap ako ng Family ko Mula sa Mama at Papa ko Hanggang sa 5 kong kapatid, Ako pala ang bunso hihi ,Support nila ang beki nilang anak ,Basta daw wag akong gagawa ng ikahihiya ko ,may tiwala daw sila sa akin pero sa mga taong nasa paligid ko wala ,Oh diba nakakatouch :'),Kaya sisiguraduhin ko balang araw magiging Proud sila sa akin
At yung kausap ko kanina ay si ate Madilyn pangatlo sya sa aming magkakapatid,At pinaka Close ko ,well lahat na man sila Close ko pero sya yung Pinaka
Ang lalaki nga pa lang Pinaguusapan namin kanina pa ay si Russell Cruz ,Sikat sa Facebook ,maraming poser Kasi nga Gwapo, Maraming may idol sa kanya ,bawat post nya ni-lalike ng Kababaihan pati na Kabaklaan at kasama na ako dun, Ang hirap maging Karelasyon to ,Madami kang makaka-away haist ,Kung itigil ko na lang kaya ,Ah basta bahala na
Itutuloy

BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin