49// New Beginning

795 15 0
                                    

FORTY NINE [NEW BEGINNING]

Kasper's Point of View:

Napabuntong-hininga ako saka ngumiti. I felt relieved. Ngayon, maayos na ang lahat. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaayos kayo ng taong nakagawa sa'yo ng kasalanan. Ang sarap pala sa feeling nang magpatawad.

Forgiveness is a medicine that can cure every wounds in the past. Kahit na gaano pala kalaki 'yung kasalanan ng tao sa'yo, darating at darating 'yung araw na mapapatawad mo din sila. Time can heal, eka nga.

"I'm happy that Aliyah is now back in her old self." Sambit ko habang nagmamaneho para ihatid si Crystal sa bahay nila.

"Me too. Masaya ako para sa kanya dahil sawakas, naging malaya na siya." Ani Crystal.

On the other hand, mahirap din palang maging sobrang close sa isang tao, lalo na kapag opposite gender. Ako, bilang lalaki, I thought wala lang para kay Aliyah ang pagiging sobrang close namin pero hindi ko inakala na mamahalin niya pala ako—mamahalin na umabot na sa puntong na-obsessed na siya sa akin.

Minsan talaga, komplikadong maging sobrang close sa isang babae. Nahuhulog sila sa aming mga lalaki kahit hindi naman naming intensyon na mahulog sila.

Kaya siguro doon pumasok ang ideyang mga paasa ang mga lalaki kahit ang totoo, hindi naman namin sinasadya.

For how many times kong ni-reject ang feelings niya para sa akin but she keep on insisting na gagawin niya ang lahat para mahalin ko rin siya pabalik.

Alam kong masakit ang mareject pero ayaw ko namang umasa siya sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay.

I must learn how to limit myself from being too close to the girls lalo na't may Crystal na ako.

***

Saturday. Inaya ko si Crystal para bumisita kay Silver. Pagdating namin sa ospital ay bumungad sa amin si Aliyah na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa bangko katabi ni Silver. Mahigit isang buwan na rin nang nakaratay si Silver at hindi pa rin nagigising.

"Andiyan pala kayo. Here, magmeryenda muna kayo." Ani Aliyah at inabot ang tray na may Pan at Palaman na Peanut Butter. Hindi naman kami tumanggi ni Crystal dahil alas-tres naman na nang hapon.

Habang nagkwe-kwentuhan kaming tatlo ay napansin ko mula sa peripheral vision ko ang paggalaw ng hintuturo ni Silver sa kanang kamay.

"Gumagalaw ang daliri ni Silver!" Sambit ko at agad kaming napatayong tatlo at pinagmasdan ang daliri ni Silver na patuloy sa paggalaw.

"God." Narinig ko an mahinang pagbulong ni Aliyah.

Hindi nagtagal ay huminto ito at nakita naman namin ang unti-unting pagmulat ng mga mata ni Silver.

"Silver!" Biglang naiyak si Aliyah at agad napahawak sa kaliwang kamay ni Silver na halos hindi makapaniwala.

Nangingilid naman ang luha namin ni Crystal.

"I'll call a doctor." Sabi ni Crystal at mabilis na lumabas para tumawag ng doktor.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin ang mga magulang ni Silver. Agad namang napaluha ang mommy niya at ang daddy niya ay mangiyak-ngiyak na din.

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon