SEVENTEEN [FIGHTING]
Aliyah's Point of View:
I finalized my decision. Tama si Veronica. I need to fight for my feelings. Hindi pa naman sila ni Crystal kaya may paraan pa para mabaling sa akin ang atensyon ni Kasper. Hanggang sa huli, gagawa ako ng paraan para magustuhan, mahalin ako pabalik ni Kasper.
Thanks to Veronica, kahit na hindi ko siya kilala, sobrang laki ng naitulong niya para malinawan ako—para maging positibong mamahalin din ako ng taong mahal ko.
I'd rather do everything 'til the end than do nothing and regret in the end.
Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng wholebody-mirror ng cabinet ko. I smiled. I look at myself fiercely.
Sawa na akong laging mabroken-hearted. Ngayon, sisiguraduhin ko nang magwawagi ako.
Nag-make up ako. Naglipstick din ako ng light red. I also used eye liner. Minsan lang ako mag-ayos nang ganito pero simula ngayon, parati na. I want to make sure na mabibighani si Kasper sa ganda ko. I know, I could be better than Crystal kaya hindi dapat ako magpatalo sa kanya.
Matapos kong ayusan ang sarili ko ay nagpahatid na ako sa school. Agad akong nagpunta sa SSG Office para doon na maghintay kay Kasper. May kanya-kanya naman kami ng susi ng office kaya nakapasok ako. Dumadaan muna siya dito bago pumasok sa klase kaya sigurado akong magkikita kami.
Umupo muna ako sa Secretary's Table ko para doon maghintay. After 15 minutes ay bumukas na nga ang pinto. Nag-angat ako ng tingin. Si Kasper.
Ngumiti ako sa kanya. Gulat na gulat siya nang makita ako. Ngayon ko na lang kasi ulit siya haharapin simula nang araw na hindi ko siya pinansin. It's been a month or less din siguro iyon. Pero that's not important anymore. Ang importante ngayon ay ang pagbalik ng dating closeness namin at pag-umpisa ng panibagong yugto bilang nagmamahalan.
"Aliyah," Aniya at saka dahan-dahang lumakad papalapit sa akin. I can feel a sad tone with that one. "It's been a long time."
Nginitian ko lang din siya ulit. "I missed you so much Kasper." Tumayo ako at agad siyang inakap. "I'm sorry for ignoring you for a long time." Humikbi ako. Parang gusto kong umiyak. I really missed him. Parang pinagsisisihan kong hindi siya pinansin nang ganoon katagal.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. I look at him. He looked very worried. "What happened? Ano ba kasing nangyari bakit bigla mo na lang akong iniwasan? Tell me. Why, Aliyah?" Napangisi ako.
"Akala ko ba matalino ka?" Uyaw ko sa kanya. "Manhid ka ba?"
Napakunot ang noo niya. Napabuntong-hininga naman ako. "Hindi mo ba talaga alam kung bakit iniwasan kita? It's because I'm jealous, Kasper. Nagseselos ako sa inyo ni Crystal."
He take a step back and exhale. "Aliyah," sa tonong iyon ay alam ko na ang gusto niyang iparating.
"I know. You like Crystal. You are courting her, right? At doon ako nagselos." I said without hesitation. Wala nang rason pa para ilihim ko sa kanya kung bakit iniwasan ko siya.
"I'm sorry. I didn't mean to—I'm sorry to hurt your feeling but I really like Crystal. I love her." Napabuntong-hininga siya nang malalim. "I also love you...but as my close friend."
"I know, Kasper." This time, I'm trying to act like everything's okay. "And I can't do anything about your feelings for Crystal. Don't worry tinanggap ko na naman na. I'm happy for you." What a good lie, Aliyah! Pero infairness, ang galing kong umarte. Inilahad ko ang kamay ko. "Friends?" Alok ko. "Again?"
Pinaunlakan naman niya ang kamay ko. Nakipagkamay siya at saka ko siya ulit niyakap. "I am contented for what we are now." Bulong ko. "I know I can find a someone for me." And that is you, Kasper. I will make a way to catch you.
BINABASA MO ANG
That Hot Handsome Nerd
Fiksi Remaja"Never let yourself fall for someone else. Remember, I am the only one who must catch and captivate your heart over and over again." -Kasper Lee Ramirez [A not your typical nerd story] Copyright ©ZilentMode. 2017