48// Realize

721 11 0
                                    

FORTY EIGHT [REALIZE]

Aliyah's Point of View:

Naramdaman ko ang namumugtong mga mata ko nang dumilat ako. Umaga na naman. Isang panibagong umaga para umasa na sana...sana magising na si Silver. It's been a week simula nang maaksidente siya at hanggang ngayon ay comatose pa rin siya. Isang linggo na rin ang lumilipas nang hindi ako pumapasok.

Parang nawalan na ako ng gana sa buhay. Parang mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kaysa ganito—ang malugmok sa lungkot, pighati at pagdurusa. Until now, sinisisi ko pa rin 'yung sarili ko sa nangyari kay Silver. Hindi ko pa rin matanggap na nasa ganoong kalagayan si Silver nang dahil sa akin.

"Anak, kailangan mo nang pumasok. Marami ka nang na-missed sa school niyo. Hindi mo dapat pabayaan ang pag-aaral mo because of this incident. We know, Silver will survie this." Ani mommy na ngayon ay nakatayo sa likod ng pinto ng kwarto ko.

"Mom," I said with a bare tone. "I still need some time." Sambit ko at naintindihan naman ako ni mom kaya hindi niya na ako pinilit pumasok.

Sa totoo lang, ayaw kong pumasok hindi dahil sa nawalan ako ng gana sa pag-aaral. Ayaw ko nang pumasok dahil hindi ko alam kung paano ko ako haharap sa tao. Hindi ko alam kung paano ako lalakad sa lugar na maraming tao sa kabila ng mga nagawa kong masasama. Lalong-lalo na kay Crystal at Kasper, hindi ko alam kung paano pa sila haharapin dahil sa mga mabibigat na kasalanang nagawa ko sa kanila.

Pakiramdam ko, wala na akong karapatin para makita ng kahit na sino.

Kinahapunan ay nagpaalam ako kila mommy na pupunta ako sa ospital para dalawin si Silver. Lumabas naman muna ang parents niya nang dumating ako para bigyan kami ng time ni Silver na mag-solo.

Sabi ng doktor, kahit na comatose ang isang tao ay conscious pa rin siya sa mga bagay na naririnig niya. Kaya sa tuwing binibisita ko siya dito ay parati ko siyang kinakausap.

I look at him and suddenly, bigla na lang akong napangiti. Kahit pala may nakaharang na ventilator sa ilong at bibig niya, ang gwapo niya pa rin. His never never changed—still handsome and charming kahit pa walang malay.

"Oo na! Gwapo ka na kahit tulog ka!" Natatawa kong sabi. "At alam kong mas gwapo ka kapag nakadilat ka at nakangiti. Kaya gumising ka na diyan."

Sa totoo lang, simula nang maaksidente si Silver, hindi na siya maalis sa isip ko. Paulit-ulit kong naalala lahat ng kabutihan niya sa akin habang baliw na baliw ako kay Kasper. Kung dati inis na inis akong lagi niya akong pinagsasabihan na mali ang mga ginagawa ko, ngayon naman parang natutuwa 'yung puso ko kasi may tao pa palang sobrang concerned sa akin despite of my most unwanted attitude.

Galit na galit ako dahil parati niyang sinasabing nababaliw, nahihibang at hindi ko na alam ang ginagawa ko pero ngayon, I finally realized kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na 'yon. He just want me to wake up from the idea of love—love that keeps me suffocated ang blinded.

I'm so blessed that Silver was one of those person who slapped me the truth for my own goodness.

Sometimes we reject the truth that can hurt us but eventually it is the way to set us free.

I was wrong about the idea of love. Akala ko kapag mahal ang isang tao dapat gawin mo 'yung lahat para makuha mo siya pero sa ideyang ito, nabulag ako—I take it in an immoral way. Ginawa ko nga ang lahat pero may mga nasaktan at natapakan akong mga tao.

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon