37// First Monthsary

618 14 0
                                    

THIRTY SEVEN [FIRST MONTHSARY]

Kasper's Point of View:

"How's Crystal?" Tanong ko kay Denise na kaharap ko ngayon. Andito kaming dalawa sa terrace. Papadilim na rin dahil galing lang kami sa school at sinabi kong dumiretso siya dito sa bahay. "Will you rate kung gaano na ako kamahal ni Crystal? Or should I say, kung gaano ko na napaikot ang puso niya?"

Napangisi si Denise. Sa totoo lang, napapansin kong parang balewala na lang sa kanya ngayon ang pakikipaglaro ko kay Crystal. Kung dati parang kinikontra niya ako at kinakaawaan si Crystal, ngayon ay parang kakampi ko na talaga siya.

"Well, siguro mga nasa 8.5 ka na. Sa galing mo ba namang magpakilig at magpa-fall, siyempre sobrang bilis din mahulog ng tao sa'yo." Inilapag niya sa mesa ang cell phone niya. "Look at that. Kung gaano siya inlove na inlove sa'yo." Kinuha ko 'yung cell phone niya at binasa ang conversations nilang dalawa.

Natawa ako nang mabasa umpisa pa lang ng conversation nila. I can't believe na ganoon pala siya kiligin. Nabasa kung paano niya pa iknuwento kung gaano siya kinikilig sa tuwing magkasama kaming dalawa. Kung gaano siya kasaya sa tuwing ipinapakita kong mahal na mahal ko siya sa harap ng maraming tao. At mas natawa pa ako dahil sa sobrang daming emojis na ginagamit niya sa bawat reply niya.

Pagkatapos kong mabasa ang lahat ng conversation nilang dalawa ay isinauli ko na ang cell phone niya. "That was excellent," Napahalakhak ako.

"At sigurado akong onting panahon na lang at tuluyan na siyang mababaliw sa'yo." Napa-crossed arms si Denise. "So, ano nang plano mo para sa first monthsary niyo?" Oo nga pala. Two days na lang pala before our first monthsary, muntik ko nang makalimutan.

"Oh! I almost forgot it. Thanks for reminding me." Napatingin ako sa kawalan. "I can't think of anything. Ano bang pwedeng gawin?" I ask. "'Yong tipong maa-achieve ko na 'yung rate na 10."

"Hmmm." Nag-kunot siya ng noo at saka nag-isip. "I guess, you must do it in public. 'Yung maraming makakakita sa inyo. Sa school! That would be romantic. Gano'n pa naman ang mga gusto ni Crystal. 'Yung maraming magiging saksi sa romantic scene niyong dalawa."

Napatango ako. "That was a great idea."

"And I will assure you, she will be totally in love with you kapag ginawa mo 'yon. And then, your revenge will be perfect. Kung gaano ka niya sobrang mahal, ganoon din siya sobra-sobrang masasaktan."

Mas lumawak ang ngisi ako. "I can't wait for that moment. I can't wait to see her broken."

Crystal's Point of View:

[Just like what I told you, paniwalang-paniwala si Kasper] Ani Denise sa kabilang linya. She's referring to our scripted conversations.  Those conversations na kunwari ay ipininapakita kong mahal na mahal ko si Kasper.

"Good. So ano nang plano niya para sa first monthsary namin?"

[He will do it in school. Just like what you want.]

"Good. Kailangan nating ma-execute nang maayos ang plano natin."

[Yeah]

"Ok. Thanks, Denise. Goodnight."

I hanged up the call at saka ako mahinang tumawa.

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon