FORTY [REVENGE OR LOVE]
Kasper's Point of View:
"What now, Kasper? Malapit na ang araw ng paghihiganti mo. 20 days, if I'm not mistaken? So, ano nang plano mo sa debut niya?" Tanong ni Denise. Hindi ko naman siya pinapunta dito pero andito siya.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya at napatingin lang sa mga puno habang pinapakiradaman ang malamig na simoy ng hangin.
Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, hindi ko alam sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang paghihiganti ko. Dahil ang totoo, tuluyan na nga ulit akong unti-unting nahuhulog kay Crystal.
I became victim of my own trap.
Pero alam kong meron pa rin sa puso at isip ko na hindi pa rin nakakalimutan ang nakaraan. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya akong winasak sa harap ng maraming tao. Hindi ko pa rin makalimutan 'yung sakit na ipinadama niya sa akin.
A part of me telling that I need to revenge, I have to in order to gain the equality of what she did to me.
I have to limit myself from her. Hindi dapat ako tuluyang mahulog sa kanya. Hindi dapat. Dahil sa oras na tuluyan na akong mahulog sa kanya, mababalewala ang lahat ng ginawa ko para sa paghihiganti ko. Masasayang ang lahat kapag pinili ko ang pag-ibig.
"Just like the old plan, makikipag-break ako sa kanya sa mismong debut niya, sa mismong pagsayaw ko sa kanya sa 18 roses. And after that, mag-wa-walk out ako at sigurado namang susunod siya sa akin, dadalhin ko siya sa lugar na walang tao at dapat nandoon ka na sa oras na dumating kami and then, I will tell everything about her: 'yung mga plano natin, na tinraydor mo siya, na lahat ng 'to ay isang malaking palabas lang para makapaghiganti ako sa kanya."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang bigla niya akong tiningnan, 'yung tingin na parang nagdududa. "It's like...you are not sure about it, Kasper?" Humilig siya sa mesa at saka sinuri ang mukha ko. "Nagda-dalawang-isip ka ba?" Oh! Damn. It hits me!
That's the truth. Hindi pa rin talaga pinal ang desisyon ko. Nagtatalo pa rin ang puso at isip ko sa bagay na 'to.
"O-oo naman! Bakit naman ako magdadalawang-isip? Umpisa pa lang, 'yon na ang plano ko sa kanya." I tried to be confident, trying to make her believe in my statement. "I will revenge on her. Bibigyan ko ng hustisya ang nakaraan. Bibigyan ko ng hustisya ang pangde-degrade niya sa pagkatao ko."
But still, hindi pa rin siya nakumbinsi at ikinagulat ko ang tanong niya. "Are you starting to like her?" Nagtaas siya ng kilay at ngumisi ng bahagya. "Let me restate it: are you starting to fall for her?" Napalunok ako sa tanong niya.
Kumunot ang noo ko at mabilis ko siyang sinagot. Kunwari ay humalakhak ako. "Anong klaseng tanong ba 'yan, Denise? Fall for her? Sobrang labo atang mangyari ang bagay na 'yon."
Mas lalo lang siyang napangisi. As if she read my mind. "Sometimes, the mouth hides what is the heart wants to say. And also, sometimes, it's obviously undeniable."
"Whatever." Iyon na lang ang nasabi ko. Wala na akong maisip na pantapal sa totoong nararamdaman ko.
It's really hard to deny the truth if it is obvious.
Pero siyempre, hindi pa rin ako aamin kay Denise. Though, she's my ally, it's a personal thing that should be hidden.
Crystal's Point of View:
BINABASA MO ANG
That Hot Handsome Nerd
Novela Juvenil"Never let yourself fall for someone else. Remember, I am the only one who must catch and captivate your heart over and over again." -Kasper Lee Ramirez [A not your typical nerd story] Copyright ©ZilentMode. 2017