21// Heartache

776 17 1
                                    

TWENTY ONE [HEARTACHE]

Crystal's Point of View:

"You are in love with Kasper, it's undeniable." Ani Denise habang yakap-yakap ko siya at patuloy na tumutulo ang luha.

"Sige lang, bessy, iiyak mo lang." Si Megan na kasaluluyang hinahagod ang likod ko.

Andito kami ngayon sa loob ng cubicle. Dito agad ako nagdiretso dahil ito ang pinakamalapit na alam kong mapagtataguan ko para umiyak. Ayokong maglakad na umiiyak habang tinitingnan ng mga estudyante dito sa school. I don't want to be weak in the eyes of them.

Ilang minuto pa ang itinagal nang pag-iyak ko hanggang sa namalayan ko na lang na napagod na ako. Inalalayan ako ng dalawa palabas ng cubicle at agad na humarap sa salamin.

"Gosh, Crystal. Ampanget mo na." Ani Megan sa tonong pabiro. She's trying to make me laugh pero inirapan ko lang siya. "Mas panget ang itsura mo ngayon kaysa noong unang na-broken hearted ka." Napahalakhak siya.

Si Denise naman ay sinuklay ang buhok ko. Buti pa si Denise at matino sa mga ganitong oras. "Pero sana pinakinggan mo ng side ni Kasper. Malay mo hindi naman talaga—" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Denise, kitang-kita ko na naghahalikan silang dalawa. Hindi pa ba sapat na ibidensya 'yon?" Iritado kong sagot-tanong. "Cheater siya."

"Sabi ko na nga ba't lahat ng gwapo may itinatagong kalokohan, eh." Buti naman at sumang-ayon ngayon sa akin si Megan. Akala ko aasta na naman siya sa kakiligan at magpapakafan-girl kay Kasper. "I thought, iba si Kasper."

"Pare-parehas lang silang lahat." Utas ko.

Nag-umpisa ko nang ayusin 'yung sarili ko. Nagmake-up na rin ako para hindi halat ang haggard face ko dahil sa pag-iyak. Buti na lang at wala pang pumapasok dito sa loob ng CR kaya walang nakakita ng eksena ko. Wala dapat makaalam na umiyak ako nang dahil sa Nerd na 'yon liban na lang sa dalawang bestfriend ko na 'to.

"Eh, 'di ba nilalandi naman talaga ni Aliyah si Kasper so most probably, si Aliyah talaga ang may pakana n'on." Ani Denise.

"That's what he said. Pero think of it, Denise, magagawa naman niyang pigilan 'yon kahit na may balak pa si Aliyah. It means na hinayaan niya talagang halikan siya ni Aliyah. Ginusto niya an nangyari."

"Sabagay. Oo nga naman." Pag-sang-ayon ni Megan sa akin. "There is alway a way to ignore everything."

"Sometimes it's too late to ignore." Ani Denise. "Just like death. Magagawa mo pa bang iwasan siya kung andiyan na siya?"

Napa-isip ako sa sinabi ni Denise. Naalala ko tuloy 'yung paliwanag ni Kasper na umiwas talaga siya pero hindi niya napigilan si Denise and suddenly nang hinalikan na siya ay saka ako dumating—na nagkataon lang ang lahat.

"But still," I'm trying to find something against Kasper. "Niloko niya ko." Iyon na lang nasabi ko.

"I think, he didn't. He didn't cheat you, Crystal. Kausapin mo siya nang maayos para maipaliwanag niya ang sarili niya."

"Kahit na ano pang paliwanag niya, nasaktan na ako. At hindi mawawala ang sakit kahit mag-sorry pa siya."

"Give him a chance."

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon