20// Worthless

736 20 0
                                    

TWENTY [WORTHLESS]

Crystal's Point of View:

Papunta ako ngayon sa SSG office para kuhanin 'yung mga libro ko. Wednesday kasi ngayon at iba na ang subjects namin ngayong araw. Doon ko na lang kasi iniiwan sa Office ang mga gamit ko para mas safe at mas malapit. Malayo-layo din kasi ang locker room kaya mas madalas akong mag-iwan ng gamit sa office.

Kinuha ko 'yung susi ko ng office pero hindi ko na pala kailangan dahil may tao sa loob. Nakaawang kasi ang pinto ng kaunti kaya nagdire-diretso na lang ako sa pagpasok. At...

Gulat na gulat ako sa nakita ko. Kasper and Aliyah...are kissing. Nakatalikod sa akin si Aliyah at biglang nanlaki ang mata ni Kasper nang makita ako. Gusto ko silang murahin pero mas naunang tumulo ang luha ko.

Ang sakit. Sh*t. Sobrang sakit.

Biglang tinulak ni Kasper si Aliyah dahilan para mapahawak ito sa mesa at agad na napatingin sa direksyon ko. Halatang gulat pero isang ngisi ang ipinakita niya. That Slutty Bitch! Damn her. Ang landi-landi niya!

Agad na lumapit sa akin si Kasper. "Crystal, Let me explain." Aniya at saka mabilis na hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko ring binawi.

Sa isang iglap, sinampal ko siya. "Explain what? Ipapaliwanag mo kung paano mo ako niloko? Wow lang, Kasper." Napatawa ako ng pa-sarkastiko. "Nanliligaw ka pa lang, nanloloko ka na! Ang kapal ng mukha mo!"

Akmang kukuhanin niya ulit ang kamay ko pero hindi ko iyon hinayaan. "Crystal, listen to me first."

Sasampalin ko sana siya ulit pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. I can't do the move. "I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit niyang sabi.

Habang nakaakap sa akin si Kasper ay napatingin ako kay Aliyah. She's a totally slut and bitch. Nakangisi lang siya sa akin at alam na alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Sigurado akong tuwang-tuwa siya.

Napabuntong-hininga ako. "Let me go." Sabi ko kay Kasper.

Matapos niyang humiwalay sa pagkakayakap ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, tiningnan niya ako nang mataman. "It's not what you think, Crystal." Pinunasan niya ang luha ko habang nagpapaliwanag. "Nagulat na lang ako nang bigla akong kinorner ni Aliyah at bigla na lang niya akong hinalikan at nagkataong saktong paghalik niya ay ang pagpasok mo."

Humakbang ako paatras na naging dahilan para magkaroon ng medyo malayong distansya sa aming dalawa. Napangiti ako ng mapait. Walang emosyon ko siyang tiningnan.

"I'm not a fool, Kasper. Siguro nga tama ang sinasabi mo pero ginusto mo 'yon!" Napa-irap ako. "Dahil kung hindi mo 'yon ginusto, gagawa ka ng paraan para umiwas. Hindi mo hahayaang mahalikan ka niya!"

"I did but—"

"But it's nice to flirt someone even you are currently courting me?" Sarkastikong saad ko. "Sabagay, nature na ng lalaki ang magkaroon ng reserba para kapag hindi sinagot ng nililigawan niya, may isa pa siya." Napahalakhak ako ng mahina. "You.are.such.a.jerk!" Sigaw ko.

Bago pa siya nagsalita ay nilampasan ko siya at agad na hinarap si Aliyah. "Ikaw, Slutty Bitch!" Sigaw ko sa kanya. "Ang landi-landi mo talagang babae ka!"

"Hindi ako malandi. Sadyang hindi lang makaya ni Kasper ang kagandahan ko. Anong magagawa ko? Nahumaling siya sa akin at wala akong magaga—"

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon