4// Babe

1.3K 29 0
                                    

FOUR [BABE]

Crystal's Point of View:

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. May tumatawag. Napatingin muna ako sa wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto ko at nakita kong alas singko pa lang ng madaling araw. What the?! At sino namang tatawag sa akin ng ganitong oras?

Kahit na nabwi-bwisit ako dahil ang aga-aga ay inabot ko pa rin ang cellphone ko para tingnan kung sino ba ang tumatawag. At nang makita ko kung sino ang tumatawag, halos maibalibag ko ang cellphone ko. Letse! Bagit ba ang aga-aga tumatawag 'tong Nerd na 'to? Akala ko ba naman kung napakaimportante tapos siya lang pala?!

Sinilent ko na lang 'yong cellphone ko at saka inilapag na lang sa mesang katabi ko at natulog na lang ulit. Bahala siya sa buhay niya!

Pero...wait lang. Bakit nga kaya tumatawag siya? Hindi kaya kinidnap siya at nangangailangan siya ng tulong ngayon? Hindi kaya pinasok ang bahay nila kaya tumatawag siya ng ganitong oras?

Kinuha ko yun cellphone ko at saka tinitigang mabuti. Tinitigan ko munang mabuti at nagdadalawang isip pa rin ako kung sasagutin ko ba o hindi. Baka kasi... pero paano nga kaya kung...

Sinagot ko yung tawag niya. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka kidnapper o kaya 'yong mamatay tao ang sumagot. Unti-unti kong itinapat sa tenga ko yung cellphone at inaabangan ang boses sa kabilang linya. Pero imbis na kabahan ako ay biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng marinig ang boses niya at sinisigawan pa ako.

[Ms. Silvestre! Gumising ka na at maaga pa tayong pupunta sa locker room para linisin ang ginawa mong karumihan do'n!]

Hindi ko siya sinagot at mabilis kong pinindot ang end button at saka pabalibag kong initsa 'yong cellphone ko. Bwisit siya! Bwisit! Iyon lang pala ang dahilan kung bakit ang aga aga niyang tumatawag.

'Yong tipong nag-aalala pa ako dahil baka kung anong nangyari sa kanya tapos ang kapal pa ng mukha niya na sigawan ako? Pinapapasok ako nang maaga para linisin ang locker room dahil sa sarili niyang katangahan? Ako pa ang sinisi sa karumihang siya naman ang may kasalanan?

Bahala nga siya sa buhay niya. 'Wag nga akong pumasok ngayon.

Natulog na lang ulit ako at nang magising ako ay mga alas 9 na. Napangiti ako ng bahagya. Ano kayang paglilinis ang ginawa ng Nerd na 'yon sa locker room? Hahaha! Mag-suffer siya.

After kong kumain ng umagahan ay nanood na lang ako ng tv. Wala talaga akong balak pumasok ngayon dahil siguradong bobombahin na naman ako ng sermon ni Kasper the Nerdy.

Habang busy'ing busy akong nanonooday biglang tumawag si daddy. Sinagot ko at isang umaatikabong galit ang narinig ko sa kabilang linya.

[Crystal! Bakit hindi ka pumasok ngayon?]

What the! Paanong nalaman ni Daddy na hindi ako pumasok?

Bwisit! Panigurado akong nagtext yung Kasper na 'yon. Nakalimutan kong may number niya nga pala si Daddy since binibigay nga pala naming Officers ang mga private info. namin. Grrr! Talagang iniinit niya ang ulo ko.

[Ah..eh, kasi po masama 'yong pakiramdam ko. Para po atang lalagnatin ako]

'Yon na lang ang naiisip kong paraan para hindi na magalit pa si daddy.

Rinig ko naman na bumuntong-hininga si daddy at saka naging kalma na ang boses.

[Okey. Do you want your mom na umuwi ngayon para maalagaan ka?]

[No. No Dad. I can handle myself. Don't worry. Si Yaya na lang ang mag-aalaga sa akin]

[Okey. Text mo lang kami ng mommy mo if you need our help]

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon