TWENTY FIVE [SILVER LEO GRANDE]
Crystal's Point of View:It was grade 9 when Silver and I became lovers. We just met nang mag-IPFPS(InterPalaroForPrivateSchool) na ginanap dito sa Prestine High Academy. He was a famous varsity player from his school. Undeniably, he's handsome at dahil varsity player malakas talaga ang appeal lalo na ang pagiging bad boy look niya.
Until an afternoon came after the game, kasalukuyan akong naglalakad noon sa hallway then suddenly he accidentally hitted me at natapon sa ang iniinom kong juice. Buti na lang walang nabasa sa aming dalawa. And so, inaya niya ako sa canteen para daw palitan 'yung inumin kong natapon. Suddenly, he's making his moves na pala. Dahil nga sa gwapo siya at ang charming ng bawat ngiti niya, I was captured by his intense charm and I find myself happy the way he talks. And before we end our conversation, nagpalitan kami ng cell phone number.
That was the start of everything. Tuwang-tuwa pa nga sa akin no'n si Megan dahil for the first time ay nagseryoso na ako sa isang lalaki. I was known to be a heartbreaker pero ewan ko ba, I was captivated by him. I fall for Silver at sa two weeks niyang panliligaw sa akin ay sinagot ko na siya.
Since tiga-ibang school siya, minsan lang kami makapagkita at makapag-date. Mostly, text or chat lang ang communication namin. Until one time, I find out that he was cheating on me. Tinimer niya ako. Akala ko isang babae lang pero tatlo pala kami ng sabay-sabay. Nag-sorry siya sa akin, at ako naman itong si tanga dahil first time akong magmamahal ng totoo, pinatawad ko siya. Naging kami pa rin at ipinangako niya nang magbabago siya pero isang linggo pa lang ang nakakalipas nakita ko na naman siyang may kasamang babae sa mall. He said it was just a friend kaya binalewala ko lang. And for the third time, I saw him kissing a woman sa isang cafeteria na nagkataong nagpunta naman kami ni Megan doon. He said sorry pero sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na tinanggap at tuluyan na akong nakipag-hiwalay sa kanya.
That was my first heartache. Sobrang sakit pala. At dahil do'n mas naging wild ako. Since ka-close ko ang presdient ng school, walang problema kung makipag-away ako. I became ruthless sa lahat ng bumabangga sa akin. At lahat ng lalaking nanligaw sa akin ay pinaglaruan ko lang. I take them for granted. I take them to satisfy my soul dahil feeling ko kapag sinasaktan ko ang lahat ng lalaking lumalapit sa akin, nakakaganti ako kay Silver.
Gusto ko na lang maglaro dahil kapag nilaro mo lang sila, hindi ka na masasaktan. Kapag hindi ko ikinommit ang puso ko, hindi na ulit ako madudurog.
At doon nga sa pagiging bad girl/ heartbreaker ko ay nabiktima ko si Kasper noong grade 10. Pagtapos ni Kasper ay marami pa akong nabiktima—pinaglaruan, ginawang utusan, alipin at kung ano-ano pa.
Akala ko makakamove on ako sa ganoong paraan pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Parati na lang nagkakasakubong ang landas namin ni Silver. Pero kahit na nagkakasalubong kami, parang hindi niya ako kilala parang wala kaming pinagsamahan. I was invicible after all. At sa bawat pagkikita namin, paulit-ulit bumabalik 'yung sakit hanggang sa isang taon ang lumipas at hindi pa rin ako nakakamove-on.
Paulit-ulit kaming pinagtatagpo ng tadhana para ipaalala 'yung sakit na ginawa niya sa akin.
'Yung gustong-gusto ko nang mag-move on pero sa tuwing nakikita ko siya, nagba-back to zero ako. Na kahit matagal nang panahon pero kapag nakita mo siya, parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Hanggang sa nabalitaan ko na lang after moving up ng grade 10 ay umalis na pala siya. Nangibang bansa na siya. Tuwang-tuwa ako nang malaman ko 'yon dahil finally, baka makamove-on na ako. Hindi ko na siya makikita. Hindi na kami pagtatagpuin ng tadhana.
BINABASA MO ANG
That Hot Handsome Nerd
Novela Juvenil"Never let yourself fall for someone else. Remember, I am the only one who must catch and captivate your heart over and over again." -Kasper Lee Ramirez [A not your typical nerd story] Copyright ©ZilentMode. 2017