27// Kasper Vs. Silver

688 14 0
                                    

TWENTY SEVEN [KASPER VS. SILVER]

Crystal's Point of View:

The moment when my alarm clock rang, bumangon na ako at saka mabilis na gumayak. Kasper texted me na okey na daw ang daddy niya at makakapasok na siya ngayon. Susunduin niya rin ako ngayon para daw makabawi siya sa akin dahil sa pagiging wala niya for three days. He missed me a lot, I guess.

Saktong katatapos ko palang kumain ay kumakaripas nang tumatakbo si Yaya papunta sa akin. "Ma'am, may tao po sa labas."

"Si Kasper po ba?" Excited kong tanong.

Umiling si Yaya at saka kumunot ang noo. "Hindi po ma'am, eh. Pero gwapo din siya!" Masigla niyang sabi. "Gwapong-gwapo talaga!" Tss. Iba din talaga ang energy ni Yaya kapag nakakakita ng gwapo, eh.

Napakunot naman ang noo ko. Kung hindi si Kasper, eh sino naman ang pupuntang lalaki dito sa oras na 'to? Baka naman naligaw lang or business partners lang nila daddy.

Pagtapos kong mag-toothbrush ay agad na akong lumabas para tingnan kung sino 'yung sinasabi ni Yayang "gwapo" daw. Paglabas ko pa lang ng pinto ay agad kong natanaw sa labas ang isang matangkad na lalaki, kasalukuyan siyang nakatalikod na nakasuot ng school uniform ng Prestine High.

Lumapit pa ako ng onti para makilala ko at nang ma-realize ko kung sino siya, biglang nag-iba ang mood ko. Kahit na nakatalikod siya, kilalang kilala ko na siya, pati kung paano siya tumindig. Damn it, Silver!

Anong ginagawa niya dito? And how did he find my home?

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko kaya agad siyang napalingon sa akin. Pasalamat siya at may gate pa na humaharang sa amin kundi masasampal ko na naman siya.

He grinned. Ang aga-aga nang-iinis. Ang sarap niya talagang ibaon sa lupa! "I'm here to fetch you. As an admirer, 'di ba dapat sinunusundo ko ang nililigawan ko."

"Fuck, Silver! For how many times do I need to tell you that you can't court me?!" Inis kong sigaw.

"And for how many times do I have to tell that I won't stop until I win your---"

"Ang tigas talaga ng mukha mo, eh. Pwede ba, tigilan mo na ako." Napakagat na ako labi ko dahil sa inis. "Darating dito si Kasper para sunduin ako kaya umalis ka na!"

He frowned. "Parang hindi naman ata fair kung sa kanya ka magpapasundo, eh nauna ako sa kanya."

"Leave." Ma-awtoridad kong sabi. "Bago ka pa maabutan ni Kasper."

Humalakhak siya. Parang nang-uuyam. "Then that would be better para makita ko na 'yung ipinagmamalaki mong Kasper na 'yan. Let me see kung hanggang saan ang lebel ng mapapantayan niya sa akin."

"He's better than you! For pete's sake, parang awa mo na. Umalis ka na!"

"Why would I?" Talagang pinupuno niya talaga ako.

"Because I don't love you! I DON'T LOVE YOU. Hindi pa ba malinaw sa'yo 'yon?" Sigaw ko. Pakiramdam ko mamalatin na ko kakasigaw sa lalaking 'to.

"Yeah. Hindi talaga malinaw na hindi mo ako mahal. Dahil ang malinaw para sa akin, You and I are destined."

Napasipa ako sa gate. "What a joke. Destiny? I didn't know that a man like you believe in destiny. A playboy!"

That Hot Handsome NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon