SIMULA

4.1K 71 5
                                    


Maynila 2017

Kasalukuyang naglalakad papasok sa klase ang tatlong magkakaibigan na sila Shannen, Pheobe, at Margo. Sila ang tinataguriang mga Populars or 'Queen Bees' sa kanilang paaralan. Magaganda nga naman ang tatlo at maski ang kanilang kurba ay nakaka-antig, ngunit pagdating sa ugali....? Sabihin nalang nating takot ang bawat estudyante sa kanila dahil galing sila sa mayaman at makapangyarihang pamilya.

Si Shannen Valdez ang kinikilalang lider sa kanilang tatlo. Tahimik lang siya ngunit maldita ngunit matalas din ang dila niya kaya matatahimik ka din kapag nagsalita siya. Matalino ito at mahilig mag-aral na iba't ibang lengguahe.

Si Pheobe Manalili naman ang PINAKA maldita sa kanilang tatlo. Siya ang bunso sa kanila kaya siya rin ang pinaka makulit sa grupo. Maldita rin at mahilig siyang maghanap ng away. Napapatigil lang siya kapag nagsalita na ang dalawa niyang kaibigan. Magaling din ito sa klase at aktibo sa sports lalo na sa paglalaro ng Volleyball.

Si Margo Yrvin naman ang mahilig mambara sa kanila. Kahit hindi siya ang kinakausap, bast-basta nalang itong sasagot. Model ang dalagang ito at nagbabalak na maging artista pagtapos nilang grumaduate sa kolehiyo. Malakas din itong magpahulog ng puso ng mga lalaki. Isang kindat lang niya ay makukuha na niya ang loob nito. Ngunit sa kabila nito, siya din ay magaling magbigay ng advice sa kanilang tatlo.

Silang tatlo ay nag-aaral sa Ateneo de Manila University. Kumukuha sila ng kursong Medical Technology dahil sa kabila ng kanilang pag-uugali ay pinapangarap nilang maging duktor, maliban kay Margo na mas gustong mag-artista.

Habang naglalakad papuntang canteen ang tatlo, kusa nang humahawi ang mga tao upang bigyan sila ng daan. Hindi maiwasan ng lahat mapatingin sa tatlo dahil sa angking kagandahan nila. May mga lalaking nagsisikuhan nang kindatan sila ni Margo. Napatigil naman si Pheobe nang narinig niyang pinag-uusapan sila ng dalawang babae sa gilid.

"Sila ba yung sinasabi mong Queen Bees?" tanong ng babaeng freshmen.

"Oo kaya sis kung ako sayo mag-iingat ka dahil hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin." pagbabanta ng kaibigan niya.

"Ano bang kaya nilang gawin?"

Mabilis namang napantig ang tenga ni Pheobe sa narinig niya kung kaya't nilapitan niya ang dalawang babae.

"Anong kaya naming gawin? Gusto mo ng sample?" nakangising sabi nito.

"P-po?" hindi na ulit nakapag salita ang freshmen dahil mabilis na lumatag ang palad ni Pheobe sa pisngi ng babae. Napahawak ang dalaga sa kaniyang pisngi at mangiyak-ngiyak sa sakit. Hindi naman ganon ka lakas ang pagsampal ni Pheobe ngunit dahil isa siyang volleyball player, mabigat ang mga palad nito.

"Aweeee! It feels so good to slap someone! Bitin, who wants to volunteer?" nakangiting sabi ni Pheobe. Dahil dito ay napayuko ang lahat. Natatakot sila na baka sila ang maging sunod na mabiktima ni Pheobe.

"Hey! " ini-snap ni Pheobe ang daliri niya sa harap ng freshmen kaya napatingin ito sa kaniya ngunit hindi niya magawang makatingin ng diretso kaya hinawakan ni Pheobe ang baba ng dalaga.

"Listen up. You're a freshmen aren't you? Well, good for you kasi naranasan mo na masampal ng isang Pheobe Manalili. Its an honor kaya. Mapili ang pinahawak na kamay ko. Tanging bola lang ng volleyball ang nahahampas ko but since I missed playing volleyball" ngumiti pa ito sa dalaga. ".....thanks for volunteering." natatawang sabi ni Pheobe. Binitawan na niya ang baba ng babae at pinunas yung kamay niya sa dala niya handkerchief.

"Sa susunod wag ka nang magsalita kapag nandito kami ah? Kasi baka nakalimutan sabihin ng friend mo na ayaw naming makarinig ng naguusap tungkol samin habang naglalakad kami. Whether its good or bad. Nah-uh!"

"Shans, Pheobe's making a scene again." sabi ni Margo.

"Pheobe, enough. Let's go." sabi ni Shannen. Kinindatan nalang ni Pheobe ang babaeng freshmen.

"Can you please not pick a fight every now and then?" sabi ni Margo kay Pheobe.

"Eh bakit ba? Nagpapakilala lang naman ako kay ate girl. Tsaka totoo naman na namiss kong magvolleyball. It's been, what, a month per--" hindi naman natapos ni Pheobe ang sinasabi niya nang magsalita agad si Margo.

"Ang dami mong sinasabi. Yes or No lang ang sagot sa tanong ko." binilisan nito yung lakad nito at sumabay kay Shannen na tahimik na naglalakad sa harap nila.

Nasa-isip naman ang babaeng nasampal ni Pheobe, 'Ano bang maling ginawa ko? May masama ba akong nasabi? Nagtanong lang naman ako ah?' Naglakad nalang siya papunta sa palikuran upang maglabas ng sama ng loob, literally. Hindi na rin kasi niya kinaya ang kahihiyang naranasan niya kani-kanina lang.

Patuloy ang tatlo sa paglalakad at bumalik sa kani-kaniyang ginagawa ang mga estudyanteng nasa canteen, double ingat na hindi makabunggo o mapukaw ang atensyon ang tatlo.

Samantalang sa di kalayuan ay may mga matang palihim na nakatingin sa kanila. Inis na inis at nagpipigil.

'Konti nalang talaga mga binibini. Babalik din kayo at sisiguraduhin ko na hindi masasayang ang pagbalik niyo. Makikita natin kung hanggang saan nalang ang pagiging salbahe niyo. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang lahat.'

---

Follow me on IG - @quintic_rosas

~QuinticRosas 🌹

A Love That LastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon