Marco Gallo bilang Hidalgo Sto. Domingo---
Shannen's POV
Hindi ko maiwasan mainis nang makita kong wala na yung babae.
"Ate?" rinig kong tawag ulit sakin ni Hidalgo kaya naman tumango ako sakaniya at nagsimula nang maglakad.
"Alam kong pagod at gutom na kayo, mga anak. Huwag kayong mag-alala dahil may dala akong mga pasalubong sa inyo. " sabi ni Don Andres samin. Bakas sa mga ngiti niya sobrang saya niyang makita ulit kami.
"Salamat po, tay. " sabi ni Margo pero natawa si Donya Leonora.
"Tay? Kailan mo pa nagustuhang tinatawag na Tay ay papa mo, Serena?" natatawang sabi nito. Napakunot naman yung noo ni Margo at mukhang naguguluhan.
"Maraming salamat po, Ama." sabi ko at tumingin kay Margo. Nilakihan ko siya ng mata at nagets naman niya iyon.
"Biro lamang po, Ama." pagbawi niya.
"Walang anuman, anak, basta lagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Walang sino man ang pwedeng manakit sainyo. " nakangiting sabi ni Don Andres. Tumingin siya sakin at tumingin sa kaliwa niya kung saan nakatayo si Isabel kaya napatuko ito.
Buti pa sila Carolina, may tatay silang mahal na mahal sila.
"Tara na, mahal ko. Sumakay na tayo nang makarating na tayo sa bahay natin." pag-aya ni Donya Leonora kay Don Andres. Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ni Donya Leonora at makasakay sila sa isang kalesa.
"Tara na mga ate. " nakangiti ding sabi ni Hidalgo. Napatingin ako kay Isabel at nakita kong nakayuko parin siya. Kinakabahan siguro siya na baka pagalitan siya. Ang wierd din ng nararamdaman ko kasi I felt sorry for her which rare for me. Hindi ba dapat masaya ako kasi may makikita akong mapapagalitan or umiiyak, pero bakit ganun?
Magkaiba kami ng kalesang sinakyan. Kaning apat na mga anak ay naka sakay sa sa kalesa na si Iñigo ang magpapatakbo, samantalang sina Don Andres at Donya Leonora naman ay nasa isa pang kalesa na may ibang magpapatakbo. Si Isabel naman ay umupo sa tabi ng kuya niya.
Nakadungaw lang ako sa bintana at nagpapahangin habang tinititigan ang ganda ng tanawin ng pilipinas sa panahong ito. Ang gaganda ng shape ng mga bundok at malalawak yung lupain. Malinis ang bawat dinadaanan ng kalesa at malulusog din ang mga lupa. Nakita kong kinakawayan kami ng bawat taong nakakasalubong kami. Kinakawayan din nila ang kalesa na sinasakyan nina Don Andres at Donya Leonora. Napatingin ako sa kalesa nila at nakita kong nakadungaw si Don Andres at kumakaway sa mga tao. Wow naman. Mag tropa ata ang buong barrio dito.
"Ate Carolina kumaway ka din sakanila pabalik. " sabi sakin ni Hidalgo.
"Bakit naman? " tanong ko.
"Ano ka ba ate. Wag mong kalimutan na ang pamilya natin ang may-ari ng lupain na ito. Si Ama ang Gobernador ng buong barrio ng Salanggari. " nanlaki ang mata naming tatlo sa sinabi ni Hidalgo kaya napakunot yung noo niya at natawa.
"Ganoon ba kami katagal na nawala, ate Carolina at nakalumtan mo agad iyan? " natatawa niyang sabi.
"Si Ama ang foun- este ang nakatuklas ng barrio ng Salanggari? " tanong ni Pheobe.
"Ha? Hindi ah! Ate Janela diba ikaw ang nagkwento sakin noon na si Señor Fulgencio Sto. Domingo ang nakatuklas nito, ang lolo ng lolo ng lolo ng lolo ni Ama. Sa madaling salita, angkan natin." nakangiti paring sabi ni Hidalgo.
"Ay! Oo nga! Naalala ko na ngayon." echos ni Pheobe pero bakas sa mukha niyang gulat padin siya.
Aba naman. Hindi lang pala basta mayaman ang pamilyang ito. Yung angkan din nila yung founder ng barrio ng Salanggari. Now I'm curious. Hindi pa kasi ako nakakapunta dito dati. Cool.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Fiction Historique{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...