Shannen's POV
Mabilis dumaan ang mga araw.
Wednesday non noong lumabas kami ng simabahan para mag ikot-ikot. Hindi kasi namin maiwasan mabagot dito kaya naisipan nina Padre Bernardo na magikot-ikot muna kami sa Intramuros kasama si Isabel bilang tour guide namin. Curious din ako makita kung ano nga ba ang itsura ng Intramuros noon.
Habang naglalakad lakad kami, hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng lugar. I know, maganda na talaga ang Intramuros pero having a chance to see it a few centuries ahead is a whole new level. Nakita namin yung dating UST at yung Manila Cathedral noon. Nagikot ikot din kami sa Plaza Roma pero hindi din kami nagtagal kasi sabi ni Isabel, delikado daw.
Anyways, Sabado na ngayon. Mag-iisang linggo na mula nung nakarating kami sa panahong ito. Nakakapanibago at hanggang ngayon, hindi padin ako fully na nakaka-adjust.
Girl, mahirap.
Kailangan mahinhin. Straight ang pagtatagalog, kung kaya mo mag espanyol, edi go. Super big deal din dito ang gender. Bawal hawakan ng mga lalaki ang kamay or any parts of a woman's body. Maski ang makitang nagsosolo ang isang girl at ang isang guy. Matindihan din ang gender roles dito kaya kailangan kong magkaroon ng mahabang pasencya, which is hard. Kaya kong ihandle yung mga dapat na characteristics ng mga babae dito pero yung facts na nandito kami because of an unknown mission, makes me want to curse somebody.
Simula nung makarating kami dito, walang araw na hindi ko inisip kung ano ba yung misyon namin dito. Days have passed pero wala, I can't think of anything at all. I just don't know where to start. If I could ever have the chance to face the person in behind this, I'll definitely punch her in the face.
"Bale Madame Osang, 18 taong gulang na po ako?" tanong ulit ni Pheobe. Kumakain kami ngayon ng lunch namin kasama sina Padre Bernardo, Madame Osang at Madame Carmina.
"Oo nga. tapos ako 19 na taong gulang at si ate Carolina na ay 20 na." sagot ni Margo kay Pheobe. "Paulit-ulit." dagdag niya pa kaya naman napanguso si Pheobe.
"Bawal bang manigurado?" sabi niya. Hindi na natahimik yung bunganga ng babaeng 'to.
Napangiti naman si Padre Bernardo sakanila.
"Wag mo sanang masamain ang sasabihin ko, binibining Janela, ngunit ngayon ko lamang napagtanto na kahit papano ay may pagka madaldal ka din pala." sabi ni Padre Bernardo.
"Tama ka Padre Bernado, nakakatuwang isipin na parang kailan lang, siya ang pinaka mahinhin at pinakatahimik dito sa kumbento." hindi namin maiwasang matawa ni Margo sa sinabi ni Madame Osang. Maski si Pheobe ay natawa din sa sinabi ng dalawang nakatatanda.
Who would've thought na mapupunta si Pheobe sa katawan ng isang mahinhin at tahimik na babae?
"At ikaw naman, binibining Carolina, ay kabaliktaran naman ni binibining Janela. Ikaw ang pinaka makulit at pasaway dito dati. Lagi kang tumatakbo sa pasilyo at may isa pangaraw natawa ka ng malakas habang nag mimisa si Padre Bernardo." natatawang sabi ni Madame Osang. Dahil duon ay natawa ng malakas ang dalawang bitchesa.
"Nakakatawa yon, noh?" nilakihan ko sila mata at binigyan sila ng stop-laughing-or-I'll-surely-kill-you-both look pero walang effect. Nanatili sila sa kakatawa.
Habang busy sila humagikgik, lumapit si Isabel at may inabot na sobre kay Madame Osang.
"Madame, may dumating po sulat para sa inyo mula sa Salanggari." sabi ni Isabel. Kinuha naman ni Madame Osang yung sobre at binuksan ito para basahin yung letter.
"Aba may magandang balita para sa inyo, mga binibini. Maayos at matiwasay na nakarating sina Don Andres at Donya Leonora pabalik dito sa Pilipinas. Nasa barrio na ng Salanggari sila ngayon at sinabi din nila na nasasabik na daw silang makita kayo muli. " nakangiting sabi ni madam Osang. Nagtinginan naman kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Historical Fiction{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...