KABANATA 1

2.7K 51 7
                                    

Shannen's POV

"Dai, ano na? Ang bagal kumilos. " naiiritang tanong ni Pheobe.

"Manahimik ka nga diyan, Pheobe! Di pa ako tapos!" sagot ni Margo.

"Sis ayusin mo nga yang kilay mo!  Hindi siya pantay." dagdag ni Margo habang nag-aayos ng sarili.

"Bulag ka ba?  Pantay naman eh!" sabi ni Pheobe habang pinagmamasdan ng maigi yung kilay niya.

"Sa sobrang pantay, para nang naputol na straight line yang kilay mo. " singit ko sa bangayan ng dalawa. Binalik ko yung tingin ko sa phone ko at tumawa si Margo.

"Mabenta yun, girl!" sabi sakin ni Margo at bumalik sa pag-aayos ng sarili habang nilabas ni Pheobe ang pangkilay niya para ayusin ito.

"Mas makapal sa right kesa sa left brow mo." sabi ni Mago kay Pheobe.

Nakasandal lang ako sa wall habang pinagmamasan ko ng maayos ang dalawang bruha. Bakit ko ba naging kaibigan tong dalawang to? Sobrang bubbly nila, nakakasuka!

After ilang minutes, natapos na and dalawa, finally, at tuluyan na silang nag mukhang clown.  Paglabas namin, bumungad samin ang mahabang pila papasok ng CR. Well, what can I say, bawal silang pumasok sa cr habang nasa loob kami.

 A rule is a rule. 

Napansin ko naman yung isang babae na mukhang naiinis na dahil siguro ang tagal namin sa loob kaya tiningnan ko siya.

"Got a problem?" yumuko naman siya.

"W-wala po."

"Dapat lang." 

Tuluyan na kaming umalis sa lugar na iyon at pumunta sa favorite bench namin sa field.

 "By the way, may practice ako ng volleyball mamayang 4pm." sabi ni Pheobe.

"Walang may pake. " pambara ni Margo.

"Weh...Jollibee?" pang-asar ni Pheobe kay Margo.

"What? Totoo naman, huh.  Di ka nga namin tinanong eh. " bumelat pa si Margo kay Pheobe.

"Share ko lang!  Bida bida ka talaga! " dahil masyadong maingay na ang dalawa,  huminga nalang ako sobrang lalim.  Yung tipong maririnig nila yung pag-exhale ko kaya agad naman silang napatigil pero ramdam kong nagaasaran padin sila without words.

Nagsoscroll ako sa phone ko nang may tumigil sa student sa harap namin kaya napatingin kami sakaniya.

"Excuse me po, bago lang po ako dito, pwede po magtanong?" nakita ko namang nainis agad si Pheobe. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko.

"Nagtatanong ka na diba?" nagulat naman yung lalaki kaya napayuko siya.

" Ay sorry po. Saan po dito yung room 5611?" natawa naman ako sa tanong ka at tiningnan yung ID niya.

"Biology student ka pero di mo alam kung saan yung faculty room ng mismong course mo?" inayos ko yung buhok ko at tumayo.

"Kita mo yung building na yon? Diretso ka then turn left and diretso ulit. Sa dulo, you'll find what you're looking for." ngumiti naman siya sakin.

"Thank you po ate!" umalis na si kuya guy at kinuha ko yung bag ko. Mukha namang nagulat si Pheobe sa ginawa ko pero si Margo naka smirk lang.

"Saan mo siya dinala?" tanong ni Margo.

"To be honest, hindi ko din alam." sabi ko at natawa naman yung dalawa.

-

Pumasok na kami sa last subject namin which is Biostatistics. Kusa namang tumahimik ang buong klase at umupo sa kani-kanilang upuan nang pumasok kami. Pagupo ko sa seat ko, sinuksok ko nalang ang earphones ko at nagpatugtog ng favorite song ko as of now which is I'm a Mess by Bebe Rexha

A Love That LastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon