Shannen's POV
"Tandaan mo Elenor, pag gusto, may paraan, pag-ayaw, may dahillan." sabi ko sakaniya at nagwink.
Hindi ko maiwasan mapangisi sa naging reaction niya. Naka cross siya ngayon ng arms at niliitan ako ng mata.
"Una palang talaga, ayoko na sayo." sabi niya.
Wag ka mag-alala, Elenor, ayaw ko din iyo.
Napangiti ako sa sinabi niya. "Parang hindi naman ata magandang sabihin yan sa mga bisita niyo."
"Wala na sakin yun. Inimbitahan lang kayo ni Ama dito dahil anak kayo ni Gobernador Andres." sabi niya.
"Hindi din naman namin ginustong pumunta dito eh. Kaya lang kami nandito dahil inimbitahan kami ni Gobernador Pacito." pagbalik ko sakaniya. Mukha naman siyang nainis lalo.
"Mukhang sasabog na huh." side comment ni Margo na sinundan ng tawa ni Pheobe.
"Sige. Kumain lang kayo diyan hanggang sa mabilaukan kayo." pagsusungit niya ulit.
"Harsh." pagcomment ulit ni Margo. Magsasalitana sana ulit siya kaso may biglang lumapit na babae at inakbayan siya.
"Elenor, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Hindi tapos yung mga niluluto natin." sabi ng babaeng naka-akbay ngayon kay Elenor. Sino nanaman ito?
"Magandang tanghali, mga binibini ng Salanggari." bati samin ng babae. "Nagsusungit nanaman ba ang aking kapatid? Pasensya na ha. May dalaw kasi eh." hindi namin maiwasan matawa nang sabihin yun ng babae.
Kaya naman pala.
"Ate!" kumawala si Elenor sa pagka-akbay sakaniya ng ate niya at nauna nang umalis.
"Oh, magandang tanghali po, ate Esmera." bati ni Hidalgo na kakabalik lang.
"Magandang tanghali din sayo, Hidalgo. Ang tangkad mo na." nakangiting sabi nito. So Esmera pala yung pangalan niya.
Atleast mabait yung ate at kuya ni Elenor. Saan kaya nagmana yung bruhang yon?
Nalaman ko yung pangalan ni Elenor dahil kay Isabel. Nakwento niya sakin na matagal na daw talagang may galit samin si Elenor ngunit hindi niya daw alam kung ano ang dahilan. Siya ang bunsong anak ni Gobernador Pacito Salonga. May halo silang amerikana dahil half american daw yung mama nila. Kaso nga lang, patay na ngayon yung mama ni Elenor.
Gabi nang makabalik kami sa mansyon. Hindi namin maiwasan mapagod sa biyahe dahil hindi masyadong kumportable sumakay sa matagal sa kalesa. Unlike ng mga kotse, hindi ka makaka-idlip sa loob kaya gising kamibuong biyahe. Almost 1 and a half hour din yung biyahe mula San Jose hanggang Salanggari.
"Maligayang pagbabalik po, mga binibini." bati sakin samin Isabel.
"Antok na ako." sabi ni Pheobe at naghikab.
"Same." sabi ni Margo.
Nakakaramdam na din ako ng pagod kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Pagtapos ko magpalit ng night gown ko, kinuha ko yung gasera na nasa side table ko at naisipan ko munang tumabay sa balcony.
Hindi pa naman gabing gabi, pero madalim na ang langit. May gasera naman ako at full moon kaya maliwanag ang paligid. Rinig ko yung ingay ng mga kuliglig from afar. Malamig din yung hangin pero ang peaceful ng gabi.
Umupo ako sa table at nilabas yung notebook at pangsulat ko.
"Okay." sabi ko sa sarili ko.
Ever since we arrived in this year, I've taking down some important notes. Nakasulat dito yung mga taong nakasalamuha namin, yung mga kinukwento ni Isabel at Hidalgo, mga pangyayari, at yung mga ala-alang pumapasok sa isip ko. Nakasulat dito yung mga phrases na naaalala ko.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Historical Fiction{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...