KABANATA 10

1K 33 1
                                    

Shannen's POV

Wait...What?!

"Kay Gabriel?!" nagulat si Don Andres dahil di ko maiwasang mapasigaw.

"A-ah, bakit anak? Kanino mo ba gusto?" tanong niya. Hindi ko maiwasang mapahawak ng noo sa naging response niya.

"Hindi, Ama. Ano kasi-" naputol ko yung sinasabi ko nang biglang hawakan ni Don Andres yung magkabilang balikat ko.

"Anak, alam kong mga bata pa kayo ni Serena ngunit hindi natin mamadaliin ang kasal ninyo. Nasa tamang edad na din naman kayo. Bente ka na at si Serena ay dise nuebe na." sabi niya. Nakakunot padin yung noo ko sakaniya kaya nang mapansin niya yun, napabuntong hininga siya.

"Isa pa, Carolina, hindi pa naman sigurado ito. Pag-iisipan palang namin ito ng Ina mo. Matalik din kasi naming kaibigan si Lumiere kaya hindi ko lang mahindian." napapikit ako ng mata sa narinig ko.

"Kaya ayos lang sa iyo na ipamigay ang mga anak mo sa iba para sa matalik mong kaibigan?" hindi ko maiwasang magtaray sakaniya. Alam kong hindi tama 'tong pinapakita ko pero hindi ko maiwasang mainis.

"Hindi sa ganon yun, anak. Huwag mong sabihin yan. Alam mo kung gaano ko kayo kamahal. Kayo ang mga kayamanan ko." sabi niya. Bakas sa mukha niya na nahurt siya sa sinabi ko kaya pumikit ulit ako at kinalma yung sarili ko.

"Alam ko naman po iyon, Ama." sabi ko. "Hindi ko lang po kasi maiwasan mabigla."

"Basta, anak, hindi pa ito sigurado. Pag-uusapan pa namin ito kaya't huwag mo muna sabihin kay Serena. Kilala mo naman ang kapatid mo, baka sumabog yun." natatawa niyang sabi. He's right though, saming tatlo, siya yung walang balak magpakasal o magkajowa. Maraming nagkakagustong lalaki sakaniya pero ayaw niya sa relationship. Kakot sa commitments.

"Wag mo munang isipin ito, anak. Hindi yan nakakadagdag ng kagandahan. " bigla naman akong napatigil sa huling sinabi niya.

Hindi yan nakakadagdag ng kagandahan.

I suddenly had the chills. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko yung image ni dad. Parehas sila ng sinabi sakin noon. Parehas din ng pangyayari.

Same phrase. Same silhouette.

All of a sudden, I suddenly realized that he somehow resembles my dad. Same sila ng ugali before. Maalagain, mapagmahal, jolly.

"Carolina." nagulat ako sa boses ni Don Andres. "Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang natulala?" tanong niya.

"A-ah? Ay wala, napagod lang ako." sabi ko at nakunwaring tumawa.

"Oh siya, pumasok ka na at magpahinga nang maaga. Aalis pa tayo bukas."

"Saan tayo pupunta, Ama?" tanong ko.

"Kaarawan ni Gobernador Pacito kaya makikidalo tayo sa kainan." nakangiting sabi niya. Napatango naman ako kahit hindi ko alam kung sino yun. Nagpaalam na ako sakaniya para pumasok. Gusto kong munang pag-isip isip.

Binabagabag ako sa nangyari kanina.

Bakit ganun? Bakit parang pareho ng itsura si dad at si Don Andres kanina nung sinabi niya yung sentence na yun. Parehas sila ng posisyon at kung paano nila sabihin nagkaiba lang sa boses dahil medyo mababa yung boses ni ama.

Ugh, this is nuts.

I have a hypothesis pero parang ang imposible nun.

-

Margo's POV

Nakatambay ako ngayon sa may pond. May malaking bato dito na pwede mong maupuan kaya dito ko naisipan tumambay. Isa pa, masarap ang hangin dito. Fresh at hindi polluted.

A Love That LastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon