Shannen's POVMalakas ang ulan ngayon and kakatapos lang ng last subject namin.
"Gosh! Nakakainis talaga yung surprise long test na yon. My head hurts." sabi ni Pheobe. "Buti nalang walang training ngayon. I wanna sleep!"
"Ang humble naman po pala ng bruha. Nahirapan daw pero naka 45 over 50 naman." sabi ni Margo.
"Excuse me, first of all wala akong sinabing nahirapan ako. Ang sabi ko nakakainis and my-"
"Walang may pake." pagputol ni Margo kaya naman nag poker face si Pheobe.
"Shut up Jollibee. Ikaw nga 'tong naka 47 over 50. Bida bida...." tinaasan naman siya ng kilay ni Margo at sabay silang tumingin sakin.
"Yung naka perfect diyan. Tatahimik tahimik lang oh. Naiwas." pagparinig ni Pheobe sakin. Tumingin naman ako ng matulis sakanila.
"Tatahimik o tatahimik?" tanong ko at pareho sila nag zip ng bibig nila.
Napailang ako sa immaturity ng dalawa. Porket naka perfect score, bida bida na? Kasalanan ko bang alam ko yung isasagot sa tanong salong quiz namin sa anatomy and physiology?
Paglabas namin ng building, naka antay na sakin si kuya Tyler, ang driver namin na may dalang payong.
"Ma'am, tara na po. Lumalakas na po yung ulan. " nagpaalam na ako sa dalawang bitchesita at sumakay sa kotse para umuwi.
-
Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng mas nakababata kong kapatid na si Bench. Binigyan niya ako ng towel dahil medyo nabasa ako sa lakas ng ulan. Kinuha niya yung bag ko at tiningnan niya ako ng Lagot-ka look. 15 years old na siya and like me, tahimik din siya.
"What?" iritable kong tanong habang nagpupunas ng sarili ko
"Ano nanamang ginawa mo? " tanong sakin ni Bench. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan ng what-are-you-talking-about look. Napa-tch nalang siya at nauna nang pumasok sa loob bitbit-bitbit yung bag ko.
Pagpasok ko, nakita kong nakaupo si dad sa malaking sofa sa sala.
"I've recieved another from your school. May nagreklamo daw na student na sinaktan mo daw siya kahapon?" bungad sakin ni dad.
"What's new." sagot ko at umupo din sa sofa na nakatapat kay dad. Napa-hinga nang malalim si dad.
"Shannen, look, saan ba kami nagkulang sayo? Atsaka ano yung sinabi sakin ng mom mo na binabaan mo daw siya sa phone nung isang araw? Diba sabi namin before 6 dapat nasa bahay ka na? Saan banda duon ang hindi mo naiintindihan, anak? Hindi yan nakakadagdag sa kagandahan. " medyo malambing niyang sabi. Medyo lang. Ngumiti naman ako sakiya at nag lean forward.
"Eh kayo po? Ikinagwapo't ikinaganda niyo rin po ba yung mga ginagawa niyo? " naka-taas kilay kong tanong. Kumunot naman yung noo niya.
"Anong ibig mong sabihin a--"
"Never mind. I'm tired." pagputol ko sakaniya. Umakyat na ako sa kwarto para maligo at magbihis. I'm beat.
Pagdating ko ng kwarto, agad akong humiga sa kama ko.
Bwisit sila.
It's been years pero ang bigat padin sa puso.
Habang nakahiga ako, di ko namalayan tumutulo na yung mga luha ko. Manhid na nga ata talaga ako.
Pero kung manhid ako, bakit ganun? Bakit masakit parin?
Kinuha ko yung isa kong unan at niyakap yon habang nagflash back yung nangyari sakin years ago.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Historical Fiction{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...