Shannen's POV
"Sabihin mo sakin, binibini, ikaw ba talaga si Carolina o nagtatago ka lang sa sa likod ng katawan niya?" hindi agad ako makapagsalita.
How did she know?
Posible kayang.....no, sa tingin niya palang sakin, halatang inggit lang siya.
Niliitan ko siya ng mata at tiningnan from head to toe.
Attitude ba ang hanap mo? Fine.
"Mahilig ka din ba mag basa? Kasi sa tingin ko nasosobrahan ka na sa pagbagbabasa ng istoryang hindi naman makatotohanan." tumingin ako ng seryoso sakaniya. "Mga kathang-isip." napakunot naman yung noo niya kaya natawa ako.
"Pero ano sa tingin mo, binibini? Mukha ba akong nagtatago sa katawan ni Carolina? Kung oo, asan kaya ang totoong Carolina?" nginitian ko siya at panandaliang nagbow bago ako tuluyang umalis.
Bahala siya dun mabaliw sa sinabi ko. Technically, I told her the truth but I doubt na maniniwala siya sakin. Base sa mukha niya, halatang inggitera lang siya.
Pagdating ko sa table namin, sinalubong nanaman ako ng mga puri nila.
"Ate Carolina ang galing mo pala talagang tumugtog at kumanta!" sabi ni Josefa.
"Oo naman! Kaya nga maestro ko dati si Ate Carolina eh." sabi naman ni Julieta sabay kapit sa braso ko.
"Bakit ngayon, hindi na?" tanong ni Margo.
"Ano ba naman, ate Serena! Para namang wala ka noong umiyak ako sa harapan ni ate Carolina kasi sinabi konglilipat na kami sa Espanya noon. Halos 5 taon din pala kaming nanirahan duon." sagot ni Julieta
"Ayy! Oo nga pala! Nakalimutan ko. " pagkukunwari ni Margo sabay bukas ng asul niyang pamaypay at hinarangan ang mukha niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng konti sa inasal ni Margo.
Napatingin ako sa gawi sa gilid at nagulat ako nang maabutan kong nakatingin sakin si Gabriel. Nginitian naman niya ako nang magmeet ang tingin namin at kumindat.
What the heck.
-
Madaling araw na nang matapos ang selebrasyon. Naging successful ang party kaya masasabi kong pagod ang lahat.
Except for me. For some reason hindi ko dinadapuan ng antok.
Mag-isa ako ngayon sa kwarto at naisipan ko nalang munang magbasa ng libro na espanyol. Kahit wala ako masyadong maintindihan, tuloy padin ako sa pagbabasa. Kailangan kong matutong magsalita ng espanyol para di naman kami mukhang ewan kapag kinausap nila kami.
May nabasa akong 'su sonrisa' sa libro at hindi ko maiwasang mapatigil dahil alam ko ang meaning nuon. It means his smile.
Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko yung ngiti ni Gabriel. Naalala ko yung itsura niya nung first time ko siyang makitang ngumiti. Magiging totoo ako at aaminin kong may hitsura siya.
Napatingin ako sa painting na nakahang sa kwarto ko.
"Ang swerte ng buhay mo, Carolina." sabi ko at napa-iling. "pero anong meron sayo at bakit kailangan ko mamuhay bilang ikaw?" naguguluhan kong tanong.
Naputol yung tingin ko sa painting nang biglang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at pumasok si Isabel.
"Hindi pa po ba kayo matutulog binibining Carolina? " tanong niya. Nilapag niya yung gatas at biscuit sa mesa kung saan ako nagbabasa.
"Hindi pa ako nakakaramdam ng antok." sabi ko at bumalik sa pagbabasa. Napansin ko namang hindi pa umaalis si Isabel at nakatayo lang sa gilid ko.
"Tatayo ka lang diyan mag damag?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Historical Fiction{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...