KABANATA 3

1.7K 43 1
                                    

Shannen's POV

Teka...

Asan kami?

Bakit may simbahan? Asan yung sea side? Putcha!

"Tara na po mga binibini! Mahuhuli na po tayo sa misa." napatingin ako sa batang babaeng nagsalita. Nakasuot siya ng kakaibang damit. Naka baro't saya ba siya?

"Binibini?" sabi ulit ng babae. Lumapit siya sakin at kinawayan ako sa mukha. 

"Mga binibini, magsisimula na po yung misa. Baka hanapin tayo ni Padre Bernardo. Halina po!" binigyan ko naman ng what-are-you-talking-about look.

Teka lang, di pa nagpoprocess ng maayos yung utak namin.

"What.....the.... f*ck?" mahinang sabi ni Margo.

"Girl, asan tayo?" tanong sakin ni Pheobe.

"Mukha bang alam ko?" tumingin ako sa paligid at hinanap yung matanda pero di ko na siya matanaw. Nang nakaramdam ako ng kirot sa beywang ko, hinawakan ko ito pero instead, may nahawakan akong something poofy.

What the heck are we wearing?

"What the f*ck is this?" sigaw ni Pheobe.

"Po? A-ano pong pak, binibining Janela?" tanong niya. Tiningnan niya yung babae at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Where are we?" tanong niya pero binigyan lang siya ng nagtatakang tingin ng babae.

"A-ano pong lengguahe ang ginagamit niyo, binibining Janela?" tanong niya.

"Pheobe. " nagtatama ni Pheobe pero mas lalong naguluhan yung babae.

"ASAN KAMI?" Iritableng tanong ni Margo kaya naman nagulat yung babae.

"A-ah, n-nasa simabahan po tayo ng San Agustin." sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

"Wait! San Agustin church? As in sa Intramuros, Manila?" tanong ko sakaniya. 

"O-opo, binibining Carolina." sagot niya. Napakunot ako nang tawagin niya akong binibining Carolina. Ayun yung tinawag sakin ng matanda kanina.

"Sino si Carolina?" tanong ko sakaniya. Mas lalo namang nagulat yung mukha ng batang babae pero maya-maya lang bigla siyang tumawa kaya nagtinginan kami nina Margo at Pheobe. 

Baliw?

"Binibini naman eh. Eto nanaman po ba tayo sa mga biro niyo?" sabi niya habang pinupunasan yung mga luha niya kakatawa.  Di ko na napigilan. 

"Look here, you little brat. Do I look like I'm pulling pranks on you? Just answer the damn question!" sigaw ko kaya napatigil siya kakatawa pero hindi siya sumagot. Ano ba 'to? Hindi makaintindi ng english?

Masyadong magulo ang mga nangyayari. Bakit bigla kaming napunta dito sa Intramuros? Bakit kami naka baro't saya. Sino yung matandaang dugyutin? Bakit ang bobo ng babaeng nasa harap ko?

"Sagot!" sigaw ko.

"A-ah... eh.... A-ano po bang tanong niyo?" tanong niya. AHHH! This is killing me!

"Sino si Carolina? Sino si Janela? Bakit tayo nandito? Bakit kami nakasuot ng ganito?" Susunod-sunod na tanong ni Margo. Sumagot naman yung babae kahit mukha padin siyang litong-lito samin.

"Siya po si binibining Carolina." tinuro niya ako.

"Siya po si binibining Janela." tinuro niya si Pheobe.

"At ikaw po si binibining Serena." sabi niya kay Margo. "Nandito po tayo simabahan ng San Agustin upang mag simba. Para naman po sa suot niyo, kayo po yung pumili niyan kanina." sabi niya.

A Love That LastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon