Shannen's POV
Last night was too much for me.
Ang gusto ko lang naman ay matahimik na buhay pero hindi ako tinantanan sa party at maski after party dahil tumambay sina Pheobe, Margo, at Hidalgo sa kwarto ko hanggang 4 am. Ang sakit sa ulo.
That's why 2 pm na ako nagising. Hindi na ako ginising nina Don Andres at Donya Leonora ng maaga dahil alam naman siguro nilang antok kaming lahat.
Anyways, since wala naman kaming gagawin ngayon at dahil kagabi ko pa gustong mapag-isa, naisipin kong maglibot muna mag-isa dito sa hacienda. Ilang araw na kami nandito pero hindi ko pa nalilibot ang lugar na 'to.
Hindi ko maiwasang mamangha nang bumungad sakin ang napakalawak na hardin. May mga nakatanim na libo-libong rosas. Hindi lang red roses ang nandito kundi pati pink, white, at yellow.
Sabi ni Isabel na hilig din ng tunay na Carolina ang mga rosas. To be honest, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig sa mga bulaklak pero simula nung mamuhay ako bilang siya, hindi ko maiwasang ma-attach dito. Konti-konti kong nakikita yung sinasabi nila 'ganda't bango' ng rosas.
Habang naglalakad ako sa hardin ng rosas, may nakita akong nakasulat na signage sa gitna.
Maligayang kaarawan, mahal kong Carolina
-Ang iyong gwapong Ama
04-18-1787
"So regalo pala ito ni Don Andres kay Carolina." sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakasulat. Ang bubbly ni Don Andres bilang isang tatay. Napaka swerte nga talaga ni Carolina.
"Napakagaan sa loob titigan ang mga nagagandahang mga rosas hindi ba, binibini?" napatingin ako sa gilig kung saan nagmumula ang boses at nakita ko si Gabriel na naglalakad papalapit sakin.
"Hindi ata tama na nandito tayo sa hardin ng rosas nang tayong dalawa lamang, ginoo." sagot ko.
"Huwag kang mag-alala dahil pinapunta ako ni Don Andres dito upang tawagin ka..." sabi niya at tumingin sa mga mata ko. "...binibini." dagdag niya. Hindi ko maiwasan mapailing nang simulan nanaman niya yung paulit-ulit na pagtawag sakin ng binibini. Kagabi pa siya, huh.
"Bigyan mo muna ako ng kaonti pang oras na libutin ang hardin, ginoo." sabi ko at napangiti naman siya. Tumango naman siya at hiindi na nagsalita kaya pinagpatuloy ko yung maglalakad.
"Tama ka, ginoong Gabriel. Tunay nang nakakagaan sa loob tingnan ang mga rosas. Napakaganda nila't hindi kumukupas ang kulay nito." sabi ko habang nakatitig sa rosas. Napatigil ako at hinawakan yung kulay pink na rose. Ang fresh at ang healthy ng roses dito.
Tumayo naman sa tabi ko si Gabriel.
"Ngunit hindi parin mababago ang katunayan na mas maganda ka sa mga rosas na nakatanim dito ngayon. " hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya. Tiningnan ko naman siya pero nakatingin lang siya sa mga roses kaya nanliit yung mata ko.
Mga gawalan nitong lalaking 'to huh.
Kaya naman umayos ako ng tayo at inayos yung saya ko.
"Syempre, ako pa ba?" pang-asar ko at kinindatan siya. Saglit siyang napatigil at maya-maya pa ay natawa naman siya.
And there, lumabas yung mapuputi niyang ngipin. Nakakalusaw yung ngiti niya.
Wait? Did I just think about his smile? Ew. Stop this, Shannen.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Historical Fiction{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...