Kayganda nga naman
Ng sinag ng araw pagmasdan
Habang ako'y nakaupo
Dito sa tindahanTindahan na puno
Ng masasarap na kape
Lugar kung saan tayo
Ay pumupunta datiHabang nakaupo sa pangdalawahang mesa,
Napatitig ako sa bakanteng silya
Napako ang aking tingin at natulala
Hinihiling na ang katapat ko ay ikaw sanaIkaw na hindi ko na mahagilap
Ilang taong nagdaan at ikaw ay tila ba'y pumanaw
Mga panahon ay kaydaling lumipas
Ngunit itong nararamdaman ko'y hindi nakukupasSa hindi inaasahan, ikaw ay dumating
Bitbit ang iyong kape sabay upo sa katabing lamesa
Kaba, saya, lungkot, at pag-asa
Halo-halong emosyon nang ikaw ay makitaSa pagtama ng ating mga mata,
Aking nakita ang pagkagulat sa iyong mukha
Laking panghihinayang ko
Dahil wala na akong makitang iba paMistula'y ikaw lang ay nakakita
Ng isang taong matagal mo nang hindi nakasalamuha
Hindi kagaya noon, na puno ng buhay ang iyong mata
Kapag ako'y iyong nakikitaNgumiti ka at ako'y natulala
Naaalala ko noon ang mga ngiting ating naibigay sa isa't-isa
Kumakaba ang dibdib at hindi makalma ang damdamin,
Hiling ko'y hindi ito ang huli mong pagngiti sa akinPagsukli ko ng iyong ngiti,
Ikaw ay umiwas ng tingin
Itinuon ang atensyon sa baso
At ika'y uminom na ng kapeKape.
Ibang-iba na ang timpla mo sa kape
Ang iyong kapeng ininom ay ang ayaw mo datiAyaw mo na rin kaya ang gusto mo noon?
Kung nagbago man ang timpla mo sa kape,
Pati rin kaya sa tao?Ayaw mo na rin ba sa akin?
Mga tanong.
Iyon ang mayroon ako ngayon
Na bumabagabag sa isipan ko
Natatakot akong 'di mo sasabihin
Ang mga sagot na gusto kong marinigSa pagbukas ng pinto,
Ay sabay tayong napalingon
Mayroong babaeng ubod ng ganda
Na masiglang binigkas ang iyong ngalanIyong pangalan na matagal ko nang hindi nasabi
Ngunit kailanman ay hindi nawala sa aking isipan
Kasama nito, ay ang nagbigkas ng salitang "Dada"
Nang ikaw ay makita ng bataTumayo ka, at sila'y niyakap
Masaya, nagmamahalan,
At puno ng pag-asa
Iyan ang nakita ko sa inyong pamilyaMaraming tanong ngunit alam kong huli na
Huli nang itanong pa
Dahil alam ko na ang sagot
Sa mga bakit at paano kayaSagot.
Mga sagot sa tanong
Kung bakit kayo at hindi tayo
Mga ala-ala ay isinampal
Na nagpamukha sa aking tanga
Naalala ko ang mga desisyon
Na sana'y hindi ginawaMga sana at paano kaya
Iyan ang tanging tumatakbo
Sa isipan kong litong-lito
Dahil ang pagkakaroon ng "tayo"
Ay mananatili lamang sa isang ala-alaSa inyong pagtalikod,
Puso ko'y parang biniyak na baso
At sa huling pagkakataon
Nang ikaw ay lumingon,Nasilayan ko ang iyong ngiti
Tila ba'y nagpapasalamat sa akin
Walang panghihinayang
Ang nakapinta sa iyong mukha
Dahil kita kong masaya ka
Sa piling nilang dalawaPanghihinayang.
Oo na, wala akong karapatan
Na masaktan sa aking natunghayan
Pinili ko ang buhay na ito
Na malayo sa piling moAno nga ba ang magagawa ko,
Hindi ko kailanman maiwasan ang kirot nitong puso
Ako'y isang tanga, aaminin ko
Ba't pa ba ako umayaw sa'yoKung ang sinisigaw ng puso ko
Ay isang napakalaking "oo"***
[A/N: Your votes and comments will be highly appreciated. Thank you!]
BINABASA MO ANG
Written Poetry
PoesíaStumbled into a whirlwind of endless thoughts Only did it made sense When I grabbed a pen and fought Arranged them in words that felt intense Since 2018